DHIANA "HI, Dhia! Kumusta ang bakasyon?" tanong ng isa sa mga classmates ko nang makaupo ako sa classroom. "Uy! Hi! Okay lang naman… masaya," nakangiting tugon ko dahil masaya naman talaga ang bakasyon ko. Ilang linggo na din ang lumipas matapos ang pasko at isang linggo naman ang lumipas matapos ang bagong taon na kaming tatlo lang nila Nini ang magkakasama. Nandoon lang kami sa bahay at ako ang nagluto ng pagkain namin na siyang hinanda namin. Lalo pa at wala din noon sila ate dahil napag alaman ko na tuwing bagong taon pala ang holiday off ng mga ito. Simpleng handa lang iyon dahil kami lang naman. Nagkwento pa nga si Kean na dati daw ay lagi lang siyang nakikicelebrate sa mga pinsan niya. Kung hindi kila Anyah ay kila Kuya Les, minsan naman daw ay kasama niya si Dan at Kalvin.

