Nagbigay muna ng signal ang isa sa kanila bago nila pinaputukan ng baril ang pinto para mabuksan 'yon. Nang muling namayani ang putok ng baril, parehong napasigaw at humagulgol sa iyak sina Amanda at ang kanyang anak na si Eula. Pumasok na ang mga lalaki sa loob at mabilis na hinalughog ang kwarto. At pagkaraan lamang ng ilang segundo ay hila-hila na ng isa sa kanila ang mag-ina. "Ahh! S-sino kayo?! Pakawalan niyo kami, pakiusap! Huwag niyong sasaktan ang anak ko! Huwag niyo kaming sasaktan, please! Nagmamakaawa ako sa inyo, huwag niyo kaming sasaktan." halos mapaos na si Amanda sa kakapakiusap sa mga 'to ngunit kinaladkad lamang silang mag-ina patungo sa baba. "Manahimik ka kung ayaw mong masaktan! At kahit pa magmakaawa ka riyan ay hindi ka namin susundin! Isa lamang ang susundin nami

