"Don't blame me, Arthur! Kayong lahat ang may dahilan kung bakit ko ngayon ginagawa ito, you pushed me on my limit! At sisingilin ko kayong lahat hanggang sa maubos kayo! Saka ko lamang ito ititigil kapag nakuha ko na ang tagumpay na gusto ko! Pero ngayon... enjoy-in muna natin, hindi ba?" "You're insane! Baliw ka na nga talaga, Scarlett—" "Oh, yes, I am! Kaya ngayon pa lamang, I suggest to you na pumunta ka na rito para mag-reunion na kayo ng asawa mo dahil baka mabaliw na nga talaga ako nang tuluyan at hindi mo pa man siya naliligtas ay malamig na bangkay na ang sumalubong sa 'yo kapag nagkataon." huling sabi ni Scarlett bago nito patayin ang tawag na siyang lalong ikinagalit ni Arthur. "Damn it! Damn it! Damn it! Ahh!" sigaw niya habang isinuntok ng ilang beses ang kanyang kamao sa m

