Chapter 26

1668 Words

"Ikaw lang ang nagpapahirap sa sitwasyon natin! Hindi ko sinabi sa 'yong habulin mo 'ko! —At ano ba! Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako!" Bumaba ang tingin ni Arthur sa mga kamay ni Amanda. Namumula 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya kanina. Agad na binitawan siya ni Arthur. Nag-aalala niya 'tong tinignan. Hindi niya sinasadya. Hindi niya lang napansin. Hindi niya intensyong masaktan ang asawa niya. "M-mahal, I'm sorry, I'm sorry," paulit-ulit na paumanhin nito habang inuusisa ang mga palapulsuhan nito na namumula. Mabilis naman na inagaw ni Amanda ang mga kamay niya kay Arthur. Bumilis ang pagtibok ng puso ng babae nang marinig nito ang salitang "mahal" na sobrang tagal na niyang hindi naririnig, ngayon na lamang ulit. "Huwag mo akong hahawakan! A-ayos lang ako!" sabay tulak nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD