"Binalaan na kita, binigyan ng pagkakataon na palitan at pag-isipan ang sagot mo, but you're wrong with your answer--" "Walang mali sa sinabi ko! Nagsasabi lang ako ng totoo," sigaw ni Amanda. Nakakalokong ngiti at tingin ang ipinukol sa kanya ni Arthur. "I'm sorry, but I need to do this." Sabi ni Arthur bago niya italikod sa kanya si Amanda at takpan ng panyo ang ilong nito. "Hmmmp! Hmmp!" Nagpupumiglas si Amanda sa ginawang 'yon ni Arthur pero sadyang malakas ang pwersa ng lalaki kung kaya't wala na siyang nagawa pa. At unti-unti na rin siyang nawawalan ng malay dahil sa panyong nakatakip sa kanyang ilong. "Ito lang ang alam kong paraan. I'm sorry, mahal." huling sabi ni Arthur bago nawalan ng malay si Amanda. Agad niya 'tong sinalo nang bumagsak na siya sa sahig. Pagkatapos ay binuh

