Parang sinasaksak ng libo-libong karayom ang puso ni Arthur habang nakatingin sa asawa na puno ng sugat ang mukha, may benda sa ulo at punong-puno ng pasa sa iba't ibang parte ng katawan niya. Gustong-gusto niya itong hawakan ngunit nanghihina siya kung kaya't naiwan lamang sa ere ang kamay niya. Napatingala na lamang siya at bumuga ng hangin, sobrang bigat ng nararamdaman niya at gusto niya 'yong mailabas lahat para mabawasan ang nakadagan sa kanyang dibdib. "Mahal, p-patawarin mo 'ko, h-hindi kita naligtas sa mga kamay nila. Patawarin mo 'ko dahil...hindi ko naligtas a-ang anak natin. H-hindi ko kayo naprotektahan dalawa. I-It's my fault, it's my fault!" Sinisisi ni Arthur ang sarili dahil hindi man lang niya naprotektahan ang mag-ina niya. Kung may nagawa lamang sana talaga siya, hind

