"Amanda, wala na si Scarlett. Wala nang sisira pa sa atin. Wala nang sisira pa sa pamilya natin. Kaya naman, mahal, mag-umpisa tayong muli nang hindi iniisip ang masalimuot na nangyari sa atin. Iwan na natin ang yugto ng buhay nating 'yon. I think, we need to totally move on, we need to forget the past, the bad things that happened to us. Kailangan nating gawin 'yon, para sa ikatatahimik ng isip at buhay natin." mahabang lintanya ni Arthur. Tahimik lamang na nakikinig si Amanda sa kanya. "Kaya naman Amanda Thomas, I want to start a new chapter of our life again." Bumangon si Arthur at lumuhod sa harapan ni Amanda. Naguluhan ang asawa niya kung kaya't bumangon din ito para magtanong. "Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Amanda nang maglabas ng singsing si Arthur mula sa bulsa nito. "Ikaw, ako

