"H-hindi ko alam, mahal. H-hindi ko sinasadya. H-hindi ko gusto 'yon. D-dala ng kalasingan k-kaya siguro nangyari ang bagay na 'yon--" "Bakit hindi mo pinigilan? Nakakainis ka naman, eh!" Nanlulumong napaupo si Amanda sa couch habang sapo-sapo niya ang kanyang mukha. "Sige, sabihin na nating m-may nangyari nga sa inyo at hindi mo sinasadya 'yon, pero sana naman sinabi mo sa akin agad, hindi 'yong magugulat na lang ako na pupunta ang babaeng 'yan dito at sasabihin sa akin ang lihim na hindi mo naman sinasabi!" "M-mahal, patawarin mo ako. Napangunahan ako ng takot kaya hindi ko pa nasasabi sa 'yo. Aaminin ko naman, eh, naghahanap lang ako ng tiempo. At 'y-yong nangyari, maniwala ka sa akin, hindi ko ginusto 'y-yon. Nagulat na lang din ako paggising ko na may nagyari na sa amin pero sising

