"17," Hindi alam ni Amanda pero para siyang nasa isang game na kailangang magmadali dahil mauubusan na siya ng oras, at kapag naubos ang oras na wala man lang siyang naipanalo ay literal na failed na siya. She will fail in the game, game of her husband. "Ano, Amanda? Answer me," Wala man lang na mababakas na kahit na anong ekspresyon kay Arthur, chill lang ito kung titignan. Pero si Amanda ay pinagpapawisan na ang noo. Malakas ang kabog ng dibdib at hindi makapag-isip o makapili nang maayos dahil sa pagkataranta. "12 seconds," "Sinabi nang hindi ako nakikipagla--" "8 seconds," he cut her off. Napabuga ng hangin si Amanda dahil sa inis. "6, seconds. Kapag natapos ang oras at wala ka pang sagot, ako na mismo ang magtutulak sa 'yo palayo at palabas ng bahay ko," Hindi na maintindihan ni

