CHAPTER 1
KAHIT ilang minuto lang, sabi ni Madison sa sarili habang pinagmamasdan si Dylan na may kausap sa cellphone nito. He’s standing just a few inches away from her, glancing at her every now and then. Hindi niya alam kung bakit siya nito nililingon pero kahit ano pa ang rason nito ay wala na siyang pakialam dahil ang tanging mahalaga sa kanya ay ang makatabi ito sa bar nang mga oras na iyon.
It was definitely the best night of her life. Sino ba naman ang mag-aakala na makikita niya sa personal si Dylan, ang lead singer ng isa sa pinakasikat na rock band noon sa bansa? At hindi lang basta nakita at napakinggan – nakatabi pa sa bar, nakatinginan at nakangitian.
Kahit siguro si Rebecca, hindi maniniwala kapag sinabi niya rito ang nangyari pagkatapos ng anniversary party ng kumpanya ng ama nito kung saan siya nito inimbita. Mabuti na lamang pala at hindi pa siya umuwi dahil kung hindi ay wala siya sa sitwasyon niyang iyon ngayon.
“Oh my God.” Napabuntung-hininga siya nang maramdaman ang pag-upo ni Dylan sa bar stool sa kanyang tabi. Itinuon niya ang atensiyon sa hawak na bote ng beer at nagkunwaring hindi niya ito napansin.
“Another scotch, please,” tawag nito sa waiter. “And another beer for the lady.”
Napatingin siya rito at pagkatapos ay sa paligid, sinisigurado kung siya ang tinutukoy nito.
“Or do you prefer something else?” Dylan was wearing his sexy smile. Dylan was actually smiling at her.
“Beer’s fine,” kimi niyang tugon. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang mata, na lalong nagpalaki ng ngiti ng katabi.
“By the way, Dylan. You are?”
“Starstruck.”
His eyes twinkled as his smile widened.
“I mean, Madison,” agad niyang bawi. “I’m Madison.”
“Madison,” ulit nito na tila ba ninanamnam ang bawat letra ng kanyang pangalan. Inilahad nito ang kamay para makipagkamay sa kanya. Atubili niyang inabot ang palad at hindi niya napigilang pamulahan ng pisngi. Mabuti na lamang at bukod sa kaunting liwanag na nagmumula sa dilaw na chadelier ay madilim na sa bahaging iyon ng bar.
“Ang lamig ng kamay mo, okay ka lang?”
Ngumiti siya nang sa halip na bitiwan ang kanyang kamay ay marahan nito iyong pinisil-pisil at kung hindi pa dumating ang order nila, malamang ay hindi pa nito iyon bibitiwan.
“So, why’s a gorgeous lady drinking alone at this time of the night?”
Did he just say she’s gorgeous? Parang gusto niyang matawa. Totoo nga yata ang tsismis na magaling itong magpa-cute at mambola ng mga babae. Kung sa bagay, ito lang naman si Dylan Marquez, ang nag-iisang hunk rock star at sa totoo lang ay hindi na nito kailangang magpa-cute dahil kahit wala itong gawin ay babae na ang mismong lalapit dito.
Tulad niya.
“Medyo malakas pa ang ulan sa labas, I don’t want to get stranded out there.” Kapwa nila tinanaw ang glass wall kung saan kitang-kita ang malakas na buhos ng ulan maging ang paghampas ng malakas na hangin.
“Of course.” Nilagok nito ang scotch at um-order ng isa pa. “Pero hindi ka ba hahanapin sa inyo? I mean, are you even at the right age to drink?”
“How young do you think I am?” natatawa niyang tanong.
“Too young to be out on your own.” Ito naman ang natawa. “Seriously, nasa legal age ka na ba?”
“I’m twenty-three.”
“I’m sorry but I don’t buy that.” Bahagyang inilapit ni Dylan ang mukha nito sa kanya para tingnan siyang mabuti.
“Gusto mong makita ang ID ko?”
“No. No need.” Umiling ito at pumalubaba habang nakatitig pa rin sa kanya. “But I actually thought that you’re in high school or something. But knowing that you are not makes me glad. Strangely.”
The way he stares at her was making her conscious but she likes it. What did he even mean by that?
“So, maghihintay ka hanggang sa tumigil ang ulan?”
“Siguro. Depende.” Siya naman ang umubos ng beer at bago pa siya makatanggi ay sinenyasan na ni Dylan ang bartender para sa isa pang bote para sa kanya.
“Depende saan?”
Sa iyo. “Kung may mabu-book akong cab.”
“Bakit hindi mo tawagan ang boyfriend mo to pick you up?”
The way he asked that question promises a thousand things. “No boyfriend.”
“That, I don’t buy.”
Natawa siya. “Not my problem.”
When she glanced at him, he’s shaking his head, smiling. Iniikut-ikot nito ang hawak na baso na tila ba may malalim na iniisip. His profile is perfect, she realized. He may be in his early 30s but he looked a lot younger than other men his age. He’s fit and she’s certain that he’s stronger and tougher than guys who are younger than him.
Ah, if she could only freeze that moment, she definitely would. Kung puwede lang na habang-buhay na niya itong katabi, kung puwede lang niyang sabihin dito na handa niyang gawin ang lahat para makasama ito nang -
“You’re making me blush, young lady,” bulong nito nang mahuli siya nitong nakatitig.
“Oh, I’m sorry. I didn’t mean to stare. Hindi lang kasi ako makapaniwala na kasama kita ngayon, na nakakausap ko ang THE Dylan of Velvet Stain,” pag-amin niya. “Pakikurot nga ako para lang makasigurado na hindi ako nananaginip.” biro pa niya sabay taas ng braso.
Natawa ito. “Baka magkapasa ka, and I don't want that. How about a kiss, instead?”
And that made her blush.
“Kidding.” Iniwas nito ang tingin sa kanya at saka napailing. “I apologize, I guess this drink is starting to kick in.”
“Same here.” Itinaas ni Madison ang hawak na bote ng beer na halos ubos na ang laman.
“So, tell me. Why still single?”
“Now there’s the question.” Normally, she doesn’t talk about her personal life lalo na sa tao na hindi niya lubos na kilala. But then, it’s Dylan Marquez, for Christ’s sake. He’s Dylan, asking about the reason why she’s single. Puwede ba niyang sabihin na wala pa siyang boyfriend dahil dito mismo? Na kahit suntok sa buwan, ito lang ang gusto niyang maging nobyo at wala nang iba?
“Hmm, let me guess…mataas siguro masyado ang standards mo?”
Nagkibit-balikat siya. “You can say that again,” mahina niyang biro. “Kidding. Actually, wala lang talagang time.”
“Why, what keeps you busy?”
“Trabaho. Lahat naman tayo, iyon ang pinagkakaaabalahan, hindi ba?”
Tumango ito. “Pero diba mas masarap magtrabaho kapag may inspirasyon? Ayaw mo ba ng inspirasyon?”
“Hindi ko naman kailangan ng boyfriend for inspiration. Ikaw lang, sapat na.”
Huli na para bawiin iyon ni Madison dahil abot hanggang tainga na ang ngiti ni Dylan dahil sa sinabi niya.
“Well, this is awkward. That’s not supposed to come out of my mouth,” she whispered, blushing.
And Dylan just kept on staring at her, smiling at her like she’s the prettiest woman he’d seen. At hindi rin magawa ni Madison na iiwas ang tingin dito dahil tila nahipnotismo na siya ng mga mata nito.
“Don’t stare at me that way, please.”
Again, he just smiled. “Sorry, can’t help it.”
Dylan’s probably really drunk, she thought. Dahil hindi naman siya nito pag-aaksayahan ng panahon kung hindi. as a famous rock star, Dylan surely has his choice in women, including those who are way more attractive than her.
“So, I assume that you work at The Glitz, kaya ka narito sa event? Are you one of their models or something?”
How she wished. Aaminin niya na isa sa mga pangarap niya sa buhay ang maging modelo pero alam niyang hanggang pangarap lang iyon. She doesn’t have what it takes to be one, and she has accepted that fact a long time ago. She’s not tall enough, not pretty enough. She doesn’t possess that X-factor to become a model, she’s been told. “A writer friend of mine invited me to come.
Well actually, I begged her to hire me as their photog for the night. Good thing, they just started opening their doors to amateurs like me.”
“You begged? Bakit?”
“I’m a fan.” Habang tumatagal ay umiinit na ang pakiramdam ni Madison at sigurado siya na namumula na ang mukha niya dahil sa alkohol. Habang tumatagal din ay tila nawawala na ang hiya niya at mas nagiging madali na para sa kanya ang makipag-usap kay Dylan.
“Wow.” Nanlaki ang mga mata nito at pagkatapos ay kumunot ang noo. “Hindi ko ini-expect na may fan pala ako sa age bracket mo.”
Dylan came to fame around 2010 kung kailan kasagsagan ng mga banda sa bansa. His group, Velvet Stains, was the most popular back then. They used to be household names and their songs can be heard everywhere.
Maraming taon ding namayagpag ang Velvet Stains pero bigla na lamang itong nawala sa eksena sa hindi malamang dahilan. And when they disbanded, nobody heard anything from them again. Hanggang isang araw, isang lumang video ng isa sa mga gig ng grupo ang biglang lumitaw sa internet na agad. At pagkaraan nga ng halos dalawang dekada ay muling narinig ang mga kanta ng Velvet Stains at napanood ang mga lumang shows at concerts. At dahil doon ay nagkaroon ng bagong tagahanga ang grupo, lalo na si Dylan. Overnight, Velvet Stains became an instant sensation, the second time around.
“I wonder, how did you know about the band and be a fan at that?” usisa nito nang bigla siyang natahimik.
“I’ve always been a fan, believe it or not. I think magka-college pa lang ako, mga kanta na ng band ninyo ang pinapakinggan ko.”
“Wow, I feel so old.”
“Oh my, did I offend you? I’m sorry…I didn’t mean to. It’s not what I-”
“No, no.” Sa wakas ay ngumiti ito. “I’m flattered that you don’t just know about Velvet and you don’t just know about me. Honestly, I’m quite shocked knowing that you are actually a fan.”
Madison is not just a typical fan. She’s an avid fan, to the point that she’s starting to become obsessed. Ano kaya ang mararamdaman ni Dylan kung sabihin niya rito na kumpleto siya ng lahat ng album ng banda at mayroon siyang poster ng grupo na nakadikit sa dingding ng kanyang kuwarto?
“Kaya nang malaman ko na kayo ang special guest sa anniversary ng The Glitz, pinilit ko si Becca na ako na lang ang kuning photographer.”
“Dapat pala akong magpasalamat kay Becca, whoever she is.”
“Bakit?”
“Kung hindi dahil sa kanya, hindi kita makilala.”
“Smooth.”
“Alam mo kung ano ang mas smooth pa ro’n?”
“Ano?” kunut-noo niyang tanong.
“Me, inviting you to my bandmate’s rooftop birthday party.”
“Oh.” Kimi siyang ngumiti. Alam niyang namumula ang kanyang pisngi. “K-kailan?”
“Ngayon. Actually, the party’s already starting as we speak.”