Chapter 54 Crystal Pagkatapos ko magpa-check up ay binilhan muna ako ni Frany ng mga nereseta sa akin ni Dr. Diana na mga vitamins. "I'm so happy, Crystal. Magkakaroon ako ng mga pamangkin. Gusto mo ba ihatid na kita sa mansion o sa opisina ni Mr. Jonhson?" tuwang tanong ni Frany habang nagda-drive ito. Kahit ako man ay hindi makapaniwala na tatlo ang ipapanganak ko, kaya pala medyo malaki ang tiyan ko ay dahil tatlo pala ang laman nito. "Ayaw ko umuwi sa mansion. Mabuti pa ay ihatid mo na lang ako sa mansyon nila Allysa, nang sa ganoon ay mabisita ko sila ng mga bata," wika ko at kinuha ko ang aking cellphone upang tawagan si Allysa. Ngunit pagtiningin ko sa screen ay nakita ko ang ilang miss called ni Reynold at text message. Sa inis ko ay hindi ko binasa ang text message niya. Hin

