Chapter 53 Crystal Pagkatapos kumain ay pumanhik na ako sa itaas. Ayaw ko makita ang mga titig ng Ina ni Reynold sa akin. Alam kong hindi ako welcome sa pamilyang ito ngunit titiisin ko ang lahat alang-alang kay Reynold. Kailangan kong makuha muli ang tiwala at pagmamahal niya para sa akin. Kapag si Reynold na ang mismong sumuko ay saka na rin ako susuko. Pero habang may nakikita akong pag-asa para sa aming dalawa ay ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sa kaniya. Nasa balcony ako at nakatanaw sa mga bituin. Nakatayo ako at nakasandal sa gilid ng pader ng balcony. Ilang sandali pa ay may yumapos sa aking tiyan. ''What are you doing here, hmmm?'' malambing ng baretonong boses. Sa amoy pa lang nito alam kong si Reynold iyon, kaya tumingala ako na lumingon sa kaniya. ''Anong ginagawa

