Chapter 43 Crystal Makalipas pa ang isang oras ay dumating ang talaba na pindala ni Reynold sa tauhan niya galing sa kaniyang Isla. Isang balde iyon, kaya natatakam na akong kainin. Ngunit pigil muna ako dahil gusto ko ay ihawin sa apoy. Naghanda na siya ng uling para ihawin iyon. Nakatingin lang kami ni Lola sa paghahanda ni Reynold ng uling. "Abay, ngayon ko lang ulit nakitang nagluluto ang apo ko. Alam mo ba na ilang taon na hindi nagluluto iyan?" ngiting sabi ni Lola sa akin. Tahimik lang akong pinagmamasdan ang asawa ko. Pawis na ito, kaya kumuha naman naman ako ng pamunas at nilapitan siya at pinunasan ko ang pawis niya sa noo. "Doon ka lang at baka mapaso ka rito," malumanay naman niyang utos sa akin. "Baka basa na ang likod mo. Akin na at punasan ko." Tumalikod naman siya

