Chapter 42 Crystal Masakit na tumitig sa akin si Reynold at kumibot pa ang kaniyang mga labi. ''Wala! Kaya lahat ng kilos mo kailangan ipaalam mo sa akin. Kahit saan ka pumunta kailangan alam ko. Kahit pumasok ka sa banyo kailangan alam ko at lahat ng kilos mo kailangan alam ko! OKaya wala kang karapatan na gawin lang kung ano ang gusto mo at maisip mo dahil hindi ka na dalaga!'' sermon niyang saad sa akin. Pakiramdam ko ay humahaba na naman ang sungay ng lalaking ito. Kung makabulyaw sa akin parang kulang na lang lunukin ako ng buhay. ''Hindi mo ako puwede utusan kung ano ang dapat kong gawin dahil wala kang karapatan. May sarili akong disisyon at may sarili akong utak kaya hindi mo ako madala sa sigaw mo,'' inis ko namang wika sa kaniya at bumaling ang tingin ko sa labas ng bintana

