Chapter 46 Reynold Nagulat ako sa biglang pagdating ni Michelle galing Holand. Hindi ko naalala na ngayon pala ang pag-check niya ng mga produkto para dalhin sa shiping company ni Lance Miller. Nagulat ako ng yakapin niya ako at hagkan sa labi. Nainis ako sa ginawa niya, kaya kinaladkad ko siya sa malayo. ''How dare you to kiss me, ha!?'' bulyaw ko sa kaniya habang mahigpit na hinawakan ang kaniyang mga braso. ''Ouch, Reynold you hurt me!'' maarte nitong protesta sa akin. ''Masasaktan ka lalo kapag hindi mo ako tinigilan!'' tiim bagang kong wika sa kaniya. ''Bakit ba ayaw mo sa akin? Wala naman na kayo ng fiancee mo, ah! Saka bagay naman tayo,'' wika nito sa akin. ''Kapag hindi ka tumigil sa paghahabol sa akin, kahit sina Mommy at Daddy pa ang naglagay sa 'yo sa kompanya, tatanggal

