Chapter 45 Crystal Kinabukasan ay Ipinasiyal ako ni Reynold sa farm nila. Ang lawak pala ng lupain nila. Sa kanila pala ang malawak na sakahan ng palay rito sa San Agustin at malawak na taniman ng mga prutas. Mayroon ding mga bulaklak at ene-export nila ito sa ibang bansa at sa ibang lugar dito sa bansang Maharlika. Hindi ko akalain na ganito pala kayaman ang asawa ko. Barya nga lang siguro ang yaman namin noong hindi pa kami nalubog sa utang ng aking ama. Hanggang ngayon ay nahihiya ako sa sarili ko dahil sinabihan ko siya ng hampas lupa noon. Pero ako pala ang hampas lupa ngayon. Habang nasa gilid kami ng kalasada ay inalalayan niya akong bumaba papunta sa mga gulayan at prutasan. ''Kumapit ka sa akin Crystal at baka madapa ka,'' wika sa akin ni Reynold at pinakapit niya ang isa ko

