Chapter 38 Crystal Sa halip na pansinin ko ang sinabi ni Reynold ay humigpit ang paghawak ko sa braso ni Franco. Naghahanap ako ng taong magtatanggol sa akin. May kung anong takot akong naramdaman kay Reynold. Naiisip ko na baka ano ang gawin niya sa akin. Hindi rin kumibo si Franco at nakaupo lang ito sa giliran ko. Ngunit 'di kalaunan ay hindi niya na rin matiis na huwag sawayin si Reynold. "Pare, narinig mo naman ang sinabi ng doktor kanina 'di ba? Kung ayaw mong mawala ang anak ninyo ni Crystal, puwede ba na huminahon ka muna at subukan mong maging mabait muna sa kaniya? Kahit man lang sa magiging anak ninyo?'' sabi ni Franco kay Reynold. ''Fine, pero kailangan ba talaga na humawak siya sa 'yo?'' galit na tanong ni Reynold kay Franco na hindi maipinta ang kaniyang mukha. Maya pa

