Chapter 39 Reynold Malalim akong nagbuntong huminga at tumingin kay Franco. "Pero alam mo naman na hindi iyon ang ibig kong sabihin,'' sabi ko kay Franco. ''Pero iyon ang pagkainitindi ni Crystal sa usapan niyo ni Honey. Kaya siya nakipaghiwalay sa 'yo dahil ang akala niya ay niloko mo siya. Masuwerte ka, Reynold. Dahil may mga magulang ka na handa kang damayan sa oras na may problema ka. Pero si Crystal nag-iisa na humaharap sa problema niya. Sa halip na ikaw ang karamay niya pero ikaw pa ang lalong nagpapabagsak sa kaniya. Hindi ka ba naawa sa babaeng ina ng magiging anak mo at minahal mo naman noon? Kaya, kung ako sa 'yo huwag mo na hintayin na tuluyan na siyang mawala sa 'yo,'' ani Franco at tumayo ito. Tinapik ako nito sa balikat at umalis. Para akong nanghina sa narinig ko. Toto

