Chatper 49 Crystal Matapos kong mag-ayos ay nagtungo na ako sa veranda kung saan ay naghihintay si Reynold. Naka-maternity dress lang ako at nakasandal na flat. Pagdating ko roon ay seryoso silang nakatingin sa akin ni Franco. Si Lola ay abala naman sa mga halaman niya na nasa gilid ng vernada. ''Saan ba tayo pupunta, Reynold?'' tanong ko sa kaniya. Ang mga mata niya ay parang hindi ko maipaliwanag. Ang mga tingin niya sa akin ay parang may lungkot na dala. ''Malalaman mo rin mamaya, hali ka,'' yaya niya sa akin at inalalayan pababa sa veranda. Pagbaba namin ay nagpaalam muna ako kay Lola. ''La, alis muna kami. Ayaw mo ba sumama mamasyal?'' tanong ko kay Lola. ''Hindi na, pasyal ninyong mag-asawa iyan. Basta mag-ingat lang kayo,'' bilin naman ng matanda at tango lang ang sagot ko

