Chapter 48 Reynold Maaga akong nagising para ipagluto sana si Lola at Crystal ng almusal. Ngunit paggising ko ay wala na ito sa tabi ko. Hinanap ko siya sa banyo ngunit wala siya roon. Hinanap ko rin siya sa sala at kusina pati sa likod ng bahay. Ngunit hindi ko siya nakita. Agad akong pumasok sa silid namin para tingnan ang cabinet niya. Ngunit nagulat na lamang ako nang wala na ang kaniyang mga damit roon. Bigla akong kinabahan at hindi alam kung ano ang gagawin ko. Agad kong pinuntahan si Lola sa labas ng bahay sa kaniyang mga hardin para tanungin kung alam niya kung nasaan si Crystal. ''La!'' sigaw ko kay Lola mula sa veranda. ''Oh, bakit?'' tanong ni Lola. Lumapit ako sa kaniya. ''Si Crystal nasaan?'' tanong ko sa kaniya. ''Aba malay ko. Kayo ang magkasama sa isang silid tapo

