Hindi ko alam kung uuwi ba si Axel ngayong araw na ito. Instinct ko na lang ang sinusunod ko, dahil feeling ko uuwi siya.
Nagluto ako ng hapunan, sabi ni Nanay Belen adobo at saka caldereta raw ang paborito ni Axel na ulam which is favorite ko ring lutuin.
Gusto kong matikman niya ang luto ko, gusto kong iparamdam sa kanya na may asawa siya. Alam kong hindi sapat ang pagluluto ko para mahalin niya, pero umaasa ako na balang araw mamahalin niya ako.
Kung totoo lang sana ang gayuma ay kanina ko pa hinalo iyon sa niluluto ko, para naman hindi na ako mahirapan pa na kunin ang puso niya. Kaso wala naman ako sa fairytale world, nandito ako sa realidad, na gusto ko sanang takasan.
"Ate, nandiyan na si señorito Axel," balita sa akin ni Sarah. Sinabi ko kasi sa kaniya na sabihan ako kapag dumating na si Axel.
"Talaga!?" Bulalas ko.
Lumakas bigla ang kalabog ng puso ko, kaya nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Tamang tama dahil luto na ang ulam at maghahapunan na.
"Opo, sabi daw po nagugutom siya," anito. Napangiti naman ako dahil umaayon sa akin ang tadhana.
"Oh, siya Erica, ako na rito at umupo ka na sa mesa dahil maghahapunan na kayo ni Señorito," anang 'Nay Belen, galing siya sa dining room inihahanda ang dining table.
Kinakabahan ako, kaya umiling ako.
"Ah, 'Nay Belen, tutulong muna ako para maprepair ang pag kain," kunway sabi ko.
"Naku iha kami na rito at hinihintay ka na ng asawa mo," sabi niya at naghanda na ng mga mangkok.
Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya at saka ngumiti.
"Ho? Hinihintay niya ako? Sigurado po kayo? Sinabi niya po ba?" Sunod sunod kong tanong.
Na excite ako sa sinabi ni 'Nay Belen na hinihintay ako ni Axel.
"Wala naman siyang sinabi, at saka asawa ka niya natural na hintayin ka niya sa hapag," aniya na abala sa pagsasalin ng adobo sa mangkok.
Naglaho ang kanina'y malapad kong ngiti Napasimangot ako sa sagot ni Nanay Belen, akala ko totoo.
Sinundan ko sila ni Sarah at ng iba pa ng tingin na patungo sa dining area dala dala ang mga pagkain.
Sumunod naman ako sa kanila na may dalang leche flan na desert na paborito rin daw ni Axel.
Napahinto ako at nakakubli sa may pintuan ng nakaramdam ako ng sobrang kaba.
Errr, Erica naman kaya mo 'yan.
Cheer ko sa sarili ko dahil sobrang kaba talaga ng nararamdaman ko.
"Uy, mukhang masarap yata ang hapunan ko ngayon ah," narinig kong sabi ni Axel mula sa kabilang silid. Masaya ang boses niya sana ako na lang ang dahilan ng saya niya.
Mas lalong naghuramentado ang mga paru paru sa sikmura ko ng marinig ko ang boses niya. May nag tatambulan rin sa puso ko. Kaya napahawak ako sa wall saka huminga ng malalim.
"Hmm! Masarap nga talaga. Tumbs up ka sa akin for tonight Manang Belen," puri nito.
So, natikman na niya.
"Naku Señorito, nagkakamali po kayo hindi po ako nag luto niyan,"
narinig kong sabi ni Nay belen..
"Sino?" tanong niya.
Pagkarinig ko ay lumabas na ako mula sa pinagtataguan ko at lakas loob na humakbang patungo sa dining area. Para akong sasali sa contest dahil sa kaba na nararamdaman ko at panginginig ng tuhod ko habang papalapit sa mesa.
Chill, Erica si Axel lang 'yan!
Lahat sila nakatingin sa akin. Mula sa mga katulong hanggang si Axel.
Si Axel na nakakunot ang noo, nakita ko pang nakabitin sa ere ang kamay niya na may lamang pag kain. Marahil susubo ata ito.
Inilapag ko ang isang platitong may lamanng leche flan.
Tumingin ako sa kanya kaya nagtama ang mga mata namin. Nginitian ko siya, pero wala akong nakuhang response kaya umupo ako sa harap niya. At nagsimulang magsalin ng kanin, pinilit kong maging normal lang lahat ng galaw ko. Ayaw kong mapansin niya na na tetense ako sa presensya niya.
"Ang asawa n'yo po ang may gawa niyan lahat, Señorito. Grabe itong si Ate Erica, wife material, hindi talaga kayo magsisisi Señorito kasi bukod sa maganda at mahal na mahal niya po kayo ay masarap pang mag luto."
Naibuga ko ang konting tubig mula sa bibig ko ng marinig ko ang sinabi ni Sarah. Umiinom kasi ako ng tubig.
"Sorry for that," hinging paumanhin ko sa hindi ko alam kung kanino.
Sarah talaga, sobrang supportive kahit ang totoo ay wala naman talagang alam. Saka ko pinahid ng table napkin ang basa kong bibig.
Nakita ko pa sa peripheral vision ko na siniko siya ni 'Nay Belen. Marahil siguro nahalata ni Nanay Belen ang tunay na relasyon namin ni Axel. Nahahalata ko rin kasi na may alam siya.
Nakita ko lang na tumango si Axel.
Saka ipinagpatuloy ang pagkain, kumain na rin ako.
Tanging ingay lang ng mga kutsara at tinidor namin ang maririnig, dahil wala ng ibang nagsalita pa.
Gusto ko siyang kausapin pero parang laging naka urong ang dila ko. Pati pagsubo ko tipid.
Nakita ko namang magana sa pagkain si Axel kaya naman nasiyahan ako. 'Di bale nang hindi niya ako kinakausap ang mahalaga ngayon ay nasarapan siya sa akin. Este sa niluto ko, just trust the process self.
Lumipas ang mga araw ay gano'n lagi ang ginagawa ko, minsan nabibigo ako kasi hindi siya umuuwi. Minsan naman tapos na siyang kumain sa labas.
Kagaya ngayon hindi siya umuwi kaya nasayang ang effort.kong magluto.
Nakatitig lang ako sa mga bituin na nagkalat sa kalangitan. Nasa balkonahe ako, pasado alas nuwebe na ng gabi, wala pa rin ang asawa ko. Marahil ay hindi na naman siya uuwi, kapag sabado ay umuuwi naman iyon kasi day off ng mga bodyguards ko, umuuwi iyon kasi baka tatakas na naman ako. Pero wala siya eh.
Paano kong kaya pala siya minsan minsan lang umuuwi kasi may babae pala siya. I mean baka may mahal siyang iba tapos doon siya umuuwi. Ouch, ang sakit naman ng imagination ko. Sana naman hindi. I sighed.
"Axel, what did you do to me," bulong ko sa hangin. Nakatitig pa rin ako sa kalangitan.
Napalingon ako mula sa balkonahe patungo sa kwarto namin ng marinig ko ang pagkalabog at pagkabasag ng kung ano. Kaya mabilis akong pumasok roon. Lumapit ako sa may maliit na mesita ng makita ko ang isang bulto ng tao na nakayuko roon. Nakaupo ito sa sahig, sa may basag na flower vase.
"A-Axel? What happened?" dali dali ko siyang nilapitan ng makilala ko ito.
Hinila ko ang braso niya para maalalayan siya patayo. Namumula ang mukha niya hindi naman siya amoy alak. Kinapa ko ang noo niya.
"Dios ko, ang init mo," bulalas ko.
Nakapikit pa rin ang mata niya, sinubukan ko siyang itayo pero 'di ko kaya kasi naman ang liit ko.
"Anong nangyari kay señorito, ano 'yong nabasag?" Biglang bungad ni Nanay Belen at Sarah sa pinto ng kwarto na noo'y nakabukas pala.
"Nilalagnat po siya 'Nay, paki tulungan naman po ako 'di ko kaya eh," sabi ko.
Mabilis naman nila akung tinulungan para maihiga sa kama si Axel. Agad kong hinubad ang sapatos niya at coat niya.
"Kumuha ka ng maligamgam na tubig at gamot Sarah, isang baso na rin ng malinis na tubig," utos ni nanay Belen kay Sarah. Nilapat ng mayordoma ang ang kanyang palad sa noo ni Axel, saka umiling ng marahil naramdaman ang init nito.
"Naku ang init nga," komento nito, saka inilayo ang palad mula sa noo ng asawa ko.
Nakita ko ang panginginig ni Axel kaya kinumutan ko siya at pinatay ang aircon.
Maya maya naman ay dumating na si Sarah. Nagsimula ng punasan si Nanay Belen at mga braso ni Axel pati ang noo nito. Ako naman ay nanatiling nakatingin lang sa kanya habang panay ang kagat ko sa kuko ko.
Gash, sobrang init niya no'ng kinapa ko siya. Magiging ok kaya siya?
At kahit na init na init na ako dahil walang aircon, si Axel naman ay panay pa rin ang panginginig.
"'Nay Belen, dalhin na kaya natin siya sa ospital." Buong pag-aalalang sabi ko.
"Naku 'wag na, magagalit ito 'pag gising niya na nasa ospital siya. Ayaw na ayaw nito sa ospital. At saka maya maya rin ay bababa ang temperatura ng katawan niya, pinainom ko na naman siya ng gamot," anang Nay Belen. Saka tinapos ang pagpapahid ng bimpo sa ulo nito.
"Gano'n po ba, parang lamig na lamig po kasi siya, eh," sabi ko.
Nakita kong hinubaran ni Nanay Belen ng pang itaas na damit si Axel, kaya namilog ang mga mata ko sa ginawa niya.
"N-nay, anong ginagawa n'yo?" tanong ko sa matandang katulong. Parang gusto kong mainis sa ginagawa ng matanda, nanghahalay ba ito? Mas sama naman yata ng isip ko.
Lumingon siya sa akin matapos mahubad ang pang itaas na damit ni Axel at ibinalik ang kumot.
"Maghubad ka," sabi niya ng balingan ako.
"Ho?" Takang tanong ko. Hindi naman yata siya nagbibiro no? Kasi seryoso lang naman ang mukha niya
"Gusto mo bang maalis ang panginginig ng asawa mo? Mag hubad ka ng damit at yakapin mo siya," aniya na kinagulat ko. Natataranta ako dahil sa sinabi niya kaya hindi ako makatitig sa kanya ng deretso.
"B-bakit, a-no, kailangan ba iyon?" Nauutal kong sabi habang naka tungo lang.
Bakit naman ako maghuhubad at yayakap sa kanya paano kung magising siya? Ano na lang ang sasabihin ni Axel kapag nagisingan niya akong nakayakap sa kanya at walang damit ang pang itaas? Nakakahiya yata iyon, baka isipin niya na nag take advantage ako sa kanya.
"Iha makakatulong ang init ng katawan mo sa panlalamig na nararamdaman ni Axel. Kaya gawin mo na, mag asawa naman kayo, kaya wala kang dapat ikahiya." Nakangising wika ng matanda.
Nanunukso ito eh.
Natameme ako sa sinabi ni Nanay Belen.
"Oh, siya sige ikaw na bahala sa asawa mo. Magpapahinga na ako." Paalam nito saka humakbang na palabas, nagpaalam na rin si Sarah matapos malinis ang nabasag sa sahig.
Ngayon ay nakatitig lang ako sa nanginginig na si Axel. Nakatagilid na iyon paharap sa bakanteng higaan.
Naalala ko ang sinabi ni Nanay Belen. Kaya pumwesto na ako sa bakanteng higaan at hinubad ang damit ko, kasi hindi ko naman maatim na tingnan lang si Axel.
Tanging bra na lang ang naiwan roon na pang-itaas ko. Bahala na si batman, kung magising man siyang katabi ako, saka na ako mag-iisip ng mga paliwanag, hindi ako pwedeng tumunganga lang rito kahit na hirap na hirap na ang taong pinakamamahal ko. Grabe ang lakas na nga talaga ng tama ko sa kanya.
Tinabihan ko ba si Axel at nakikumot sa kumot niya. Kahit pinagpapawisan na ako sa sobrang init sa kwarto samahan pa ng umaalingasaw na init ng katawan ni Axel sa loob ng kumot ay titiisin ko na lang.
Idinikit ko ang katawan ko sa kanya at niyakap ko siya. Naramdaman ko ang paggalaw niya at lumipat ang braso niya sa balakang ko at nikayakap rin ako. Kaya na estatwa ako, hindi ako gumalaw baka kasi magising siya. Ramdam ko ang sobrang init ng braso niya na lumapat sa balat ko, kasabay ang mga bultaheng dumaloy bigla sa kaugatan ko.
Ito na naman ang nagkakarerang kabayo sa dibdib ko. At pag-iinit ng pisngi ko, feeling ko nagmistulang kamatis na hinog na ang mukha ko sa sobrang pula. Naramdaman ko na rin ang tagaktak ng pawis ko dahil sa init. s**t* para akong nag steam bath. Nag-aagaw ang init na nanunuot sa katawan ko dahil sa alingasaw ng init sa loob ng kumot at ang init na biglang umusbong sa kaibuturan ko.
Napatitig ang sa mukha ni Axel, ang amo ng mukha niya, ang pula ng labi niyang mapanukso. Ang makakapal na kilay at pilik mata at ang perpektong hugis ng ilong. Napayakap pa ako sa kanya at isinubsob ko ang mukha ko sa mainit pero mabango niyang dibdib. Susulitin ko na lang ito baka bukas makalawa 'di ko na naman maramdaman ang pagkuryente ng balat ko sa tuwing magkalapat ang balat namin. 'Di bale ng atakihin ako sa puso dahil laging nagiging abnormal ang t***k ng puso ko sa tuwing nalalapit ako sa kanya. 'Di bale na, kung ganito naman kasaya ang nararamdaman ko. Lihim akong napangiti ar mas lalo ko siyang niyakap.
Hindi ko na pinansin ang paghuramentado ng mga paro paro sa sikmura ko dahil kina tulugan ko na iyon.
***
Nagising ako ng makaramdam ng malamig na hangin na humahaplos sa balat ko. Naramdaman ko rin ang mabigat na bagay sa baywang ko kaya napamulat ako mukha agad ni Axel ang namulatan ko. Medyo nagulat pa ako pero naalala ko naman agad kung bakit ganito.
Nakayakap pa rin siya sa akin, napansin ko rin na nakaunan na pala ako sa braso niya. Awit, kilig to the moon and back ang feeling ko, kaya kusang kumuwala ang malapad kong ngiti.
Wala na rin ang kumot sa katawan namin. At kaya pala may malamig na hangin since pinatay ko naman ang aircon ay dahil pala nakabukas ang pinto ng balkonahe, kaya pumasok ang malamig na hangin.
Napangiti ako ng muling maalala ang posisyon namin. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap yakap ka ng taong mahal mo sa pagtulog, sana ganito na lang lagi 'yong katabi ko siya lagi. Kung ganito pala kasaya na makatqbi siya sana pala hindi ako nag insist dati na hiwalay kami ng higaan.
Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko at sinisuksok ko ang mukha ko sa malapad niyang dibdib na nasa normal na temperature na ang init. Ang bango naman ng asawa ko, nakakapanindig balahibo.
Maya maya ay naramdaman ko ang paggalaw niya. Medyo lumuwang kasi ang pagkakayakap ng braso niya sa baywang ko. Magigising na ba siya at itutulak na naman ba niya ako palayo?
Naglakas loob akong mag angat ng mukha para matingnan kung gising ba talaga siya,
at nagulat ako ng ang magkapares at mapupungay na mata niya ay titig na titig sa akin na may pag tataka. Bahagyang kumunot pa ang noo nito.
Napalunok ako, anong sasabihin ko.
Nag iwas ako ng tingin saka napakagat labi. Nayakap ko na rin ang sarili ko ng maalala ko na wala pala akong damit pang-itaas at tanging bra lang.
"A-axel kasi si Nanay Belen kasi sabi niya na Makakatulong daw ito para s-sa panlalamig mo," lakas loob kong sabi kahit hindi naman ito nagtanong. Hindi na ako nag-abalang tingnan siya dahil sa hiya na nararamdaman ko. Dagdagan pa ng puso kong hindi pagkamayaw sa pagtibok.
Hindi ako nakarinig ng ano man mula sa kanya, kaya muli akong nagangat ng mukha. Baka kasi guni guni ko lang pala ang nakita kong pagmulat ng mata niya.
Pero talagang totoo iyon, nakatitig pa rin siya sa akin. Nakita ko pa ang paggalaw ng adams apple niya dahil sa lunok nito.
"P-pasenya na , aalimmhh," he sealed my mouth with his mouth.
Hindi naman amoy panis na laway ang bibig niya mabango pa rin, kaya tatanggi pa ba ako? Mahal ko itong lalaking ito, kaya hindi ko magawang tanggihan ang bagay na ilang linggo ko ring pinangarap. Kaya tinugon ko na iyon.
Mas marobrob, mas mapang-akit, mas nagliliyab ang halik na tinugon ko sa kanya.
Gusto ko ng mag goodbye virginity dahil nag iinit na ang mukha ko hanggang sa p********e ko. Isn't it amazing?