Hindi ako mapakali sa higaan ko, gusto ko ng kurot kurotin ang sarili ko dahil naiinis ako. Ayon sa minimalist wall clock na nakadikit sa wall syempre, alas 12 na ng gabi hanggang ngayon dilat pa ang mata ko. Hindi ako makatulog, ngayon lang ako nanibago ng ganito sa presensya ni Axel. Yes siya ang dahilan, paulit ulit na bumabalik ang mga ala-ala na nangyari ngayong araw.
Para akong sinisilihan dito, pa balingbaling sa higaan.
Minsan napapangiti ako kapag naaalala ko ang mga nangyari kanina sa senihan. Kinikilig ako, s**t!
Kung ako lang mag-isa dito kanina pa ako nagtatatalon sa kama, at paikot ikot sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Gusto ko na ngang sumigaw.
"Hindi ka ba makatulog?" Biglang tanong ng isang husky na boses. Kaya naman na estatwa ako, pati paghinga ko ay pinigilan ko. And also my heart skipped beating. Narinig niya siguro ang tunog ng kama sa tuwing nag iiba ako ng posisyon.
"Hmm," Tanging lumabas sa bibig ko nang maramdaman na mauubusan ako ng hangin dahil hindi na ako humuhinga.
Narinig kong bumuntong hininga siya.
"Na estorbo ba kita?" tanong ko.
Medyo dim lang ang liwanag ng kwarto kaya naaaninag ko ang pagbangon niya sa may paanan ko. Kaya bumangon na rin ako.
"I'm not sleepy too," aniya saka tumayo.
Napalunok ako ng makita ang perpektong hugis ng katawan at nagpuputukang muscle niya na kitang kita ko kahit konti lang ang liwanag dahil topless ito.
Hindi ko na mapipigilan pa ang paglakas ng kalabog nang dibdib ko animo may mga kabayong nag kakarera.
God, these horses stop!
You're teasing me, Axel!
Nakita ko siyang lumabas sa balcony, kaya sinundan ko siya na iwan ko sa sarili ko kung bakit ko ginawa.
"Anong iniisip mo?" tabi ko ng huminto ako sa likuran niya.
Kasalukuyan siya ngayong nakatingin sa lawak ng manggahan at pinyahan na noo'y naliliwanagan ng mabilog at maliwanag na buwan.
Sana ako na lang ang iniisip mo, dahil ikaw rin ang iniisip ko.
Anang malanding bahagi ng utak ko, na gusto ko ng batukan dahil hindi ko alam kung bakit ganito na ako mag-isip ngayon.
Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin, parang nagulat din siya kasi muntik ng tumama ang mukha ko sa malapad niyang dibdib, nangangamoy ulam, ay mali ano ba. Naamoy ko ang natural niyang bango na nagpapahuramentado ng mga paru paru sa sikmura ko. Letsheng mga ito, saan ito galing?
Napalunok ako, parang naduduling na ako sa sobrang lapit niya, lumipad ang palad ko sa bibig ko, kasi parang gusto nang lumabas ng tili ko. Ganito na ba ako kiligin.
Hindi ka naman ganyan dati, Erica.
Oo nga naman, ah!
Mas lalo lang lumala ang ipinapakitang reaksyon ng mga paru paru sa sikmura ko.
Nagsimula na namang mag malfunction ang sistema ko na talaga namang ikinabahala ko. Dahil hindi naman ako dating ganito talaga at iniiwasan ko ang makaramdam ng ganito. Nanayo ang mga palahibo ko sa braso ng maramdaman ko ang paghinga niya at ang mga titig niya.
Gusto kong umatras pero parang may nakadagan na mabigat na bagay sa paa ko. Parang hindi ko kayang ganito, parang gusto ko, na parang ayaw ko
Alam niyo 'yong gano'n?
"Ikaw anong iniisip mo?" narinig kung balik tanong niya sa akin.
Kaya napaangat ako ng mukha.
Nasagot na ba niya ang tanong ko? Bakit ibinalik niya sa akin ang tanong?
"Erica?" Halos pabulong niyang sambit. Kakaiba ang dating niyon sa pandinig ko.
Naramdaman ko ang malambot niyang palad sa mukha ko. Kinulong niya ng kanyang malalaking palad ang maliit kong mukha.
Billion of volts are flowing through my system na siyang dahilan ng paninindig pa lalo ng balahibo ko
Kumurap kurap pa ako .
"A-anong sabi mo?" Wala na finish na, nauutal na ako. Halata na ang panginginig ko sa kilig. Napalunok pa ako.
"I said, ikaw anong iniisip mo?" ulit niya.
"Ikaw, este ano? wala naman hindi ko alam mhh..." then the next thing I knew, his lips already touched mine, sobrang nagulat ako. I didn't expect that move, mababaliw ako rito.
Wala akong ibang marinig sa mga sandaling iyon, kun'di ang malakas na t***k ng puso ko.
He kissed me passionately.
Bawat paggalaw ng kanyang mga labi ay naghahatid ng boltahe sa mga ugat ko.
Tinugon ko ang nakakalasing na halik niya. Dahil pigilan ko man, talo pa rin ako. I can't resist, simula ng hinalikan niya ako, simula no'ng pinaka unang halik niya, aaminin ko, naadik na ako.
Hinahanap hanap ko na iyon, even though, he is not my first kiss. Pero sa kanya ko lang naramdaman ang ganito na sa bawat dampi ng labi niya sa labi ko nagbibigay ng ibayong saya sa puso ko. Nag papatindig ng balahibo ko at nagpapainit ng systema ko, which is bago sa pandama ko. I never feel like this before. Lahat ng pakiramdam ko sa tuwing nakikita siya, bawat pagdampi ng balat nito sa balat ko lahat ay may hatid na kakaibang sensasyon.
I feel his tongue inside my mouth. Sa sobrang kalasingan ko sa halik niya nanghihina ang tuhod ko, na parang naramdaman naman iyon ni Axel dahil mabilis niyang ipinulupot ang kanang braso niya sa balakang ko, samantalang ang kaliwang braso naman ay sa batok ko. Naging marubrob ang halik niya, may pag nanais, uhaw na uhaw pero may pag-iingat rin. Para kaming napunta sa desserted island na walang tubig at ngayo'y nakakita ng tubig ay mabilis na tumunga at tuloy tuloy ang lagok
Nararamdaman ko pang minsang idinidikit niya ang kanyang kuwan sa akin. Nararamdaman ko nga minsan na may matigas na bagay na bumubundol sa tiyan ko. Manipis lang kasi ang pajama nito kaya kung tatamaan ang pag****ki niya ay mararamdaman at mararamdaman ko iyon. Mas lalo tuloy nag iinit ang pakiramdam ko. Napayakap ako sa kanya, napahagod sa likod niya. Gano'n rin naman siya, hinahaplos ang likod ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit.na palad niya sa katawan ko kahit na makapal ang suot kong pantulog. Patuloy niyang idinidiin ang kanyang pag*****ki sa akin, kung may mangyari man magpaparaya ako. Total asawa ko naman siya, kakainin at lulunukin ko na lang ang pinangako ko sa sarili dati na hindi na muling iibig pa at magtitiwala, lalo na pagdating kay Axel. Because now,I want to bet.
Maya maya pa ay naghiwalay ang mga labi namin at kapwa habol ang hininga.
Naamoy ko ang mabango niyang hininga, na parang may love potion dahil natutukso akung halikan niya uli hanggang sa tuluyan ng mawalan ng hangin.
Pero nabigo ako ng unti-unti niyang inilayo ang mga kamay niya sa balakang at batok ko, inilayo niya rin ang katawan niya sa akin. Sa pagkakataong ito nakaramdam ako ng makaibang kaba.
"I'm sorry," aniya matapos nilagpasan ako at tuluyang tinalikuran, naglakad papasok sa silid namin .
Sinundan ko siya ng tingin, lumabas siya sa kuwarto.
Nakaramdam ako ng kurot sa puso ko ng ilang beses na umalingaw ngaw sa utak ko ang katagang binitawan niya bago ako tinalikuran. Ramdam ko rin ang panghihina ng tuhod ko dahil sa pagbalatay ng sakit sa puso ko. What does that mean? What's that sorry for?
Sorry dahil ano? Naramdaman niya na ba na mahal ko na siya, pero hindi niya kayang suklian iyon.
Then I will work for it. Mas lalo lang akong nasasaktan dahil sa mga naiisip ko.
Yes, I now admit that I already love him. I fall for him. Kakainin ko lahat ng sinabi ko na hindi ako mahuhulog sa kanya,
dahil ngayon hulog na hulog na ako. Lunod na lunod ako, hindi ko alam kung kailan nagsimula lahat ng ito.
Hindi ko maalala, ang alam ko lang nagising ako kinabukasan, naramdaman ko na ang kakaibang nararamdaman ko ngayon.
Kahit matitigan man lang niya ako kahit saglit kahit cold kahit galit ang mga mata niya masaya na ako. Nag-iiba ang direction ng dugo sa ugat ko, sa tuwing magtatama ang mga mata namin.
At parang may mga tumatambol sa puso ko, gano'n ako kahibang sa kanya na ngayon ko lang inamin sa sarili ko.
At nasasaktan ako ngayon dahil sa letcheng sorry na iyon!
Bumalik ako sa kama at pabagsak na humiga.
Pinilit kong matulog pero ayaw akong dalawin ng antok. Hinihintay ko siyang pumasok sa kwarto pero sumapit ang umaga na wala man lang akong Axel na nakita.
Damn!
"'Nay Belen, nasaan si Axel?" tanong ko sa mayordoma na noo'y gumagawa ng tea para sa akin.
"Nakita ko siya kaninang alas 12 papunta sa library niya, nagtaka nga ako dahil ang aga niyang gumising," sagot ng matanda.
Hindi na ako umimik alas 7 na ng umaga pero 'di ko pa siya nakikita.
Alam kong bawal ang sinumang tao na pumasok sa opisinang iyon, pero gusto ko lang namang malaman kung nasaan siya.
Kaya sumakay ako sa elevator at bumaba papuntang office niya.
Pagkabukas ng elevator ay walang lamang may buhay sa kwartong iyon. Humakbang na ako papasok, nagmasid ako roon. Ang daming libro hindi ko first time pumunta dito, pero ngayon ko lang napansin lahat ng nandito. May table siya na may nakabukas na laptop na nakapatong sa ibabaw. Siguro kaaalis lang niya. May iba't-ibang klase ng palamuti roon. Napakalinis ng kwarto, naka-organize lahat ng gamit at ang liwanag sa kwartong iyon hindi mo masasabi na underground iyon.
May isang kwarto roon, hindi ko alam kung anong laman niyon, baka nad'yan siya. Sinubukan kong pihitin ang seradora, hindi nakalock kaya itutulak ko na sana ng…
"What are you doing!"
Napasinghap ako at awtomatikong napaharap ng, isang nakakapanindig balahibo sa lamig ng boses ang narinig ko.
It was, Axel. Kalalabas lang mula sa elevator, mabilis siyang lumapit sa akin at tinabig ang kamay ko na nakahawak pa ri pala sa seradora.
Magsasalita na sana ako, pero parang umurong ang dila ko dahil walang lumabas na tinig sa bibig ko dahil sa kakaibang aura na nararamdaman ko sa kanya.
He's angry, nakatitig lang ako sa mukha niyang nag aapoy sa galit.
Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit at oo nasasaktan ako pero ininda ko 'yon, dahil kasalanan ko rin naman. Pero hindi ko akalain na sasaktan niya ako ng ganito.
"I said what are you doing here?!" Matigas niyang tanong. "Hindi ka ba sinabihan ni Manang Belen, that no one is allowed here kahit ika? Ah, sinabi ko rin 'yan, no'ng unang pasok mo dito!" Mariin niyang sabi. Ramdam na ramdam ko ang galit niya. Gusto kong umiyak dahil sa pinapakita niya sa akin ngayon.
Akala ko importante na ako sa kanya. Pero wala pa rin pala akong papel sa buhay niya.
Nangilid ang mga luha ko na nakatitig sa galit niyang mukha. Hangga't maari ayaw ko sanang makita niya kung gaano ako kahina pagdating sa kanya.
Pero hindi ko kayang pigilan ang sunod sunod na luhang naglandas sa pisngi ko. Binawi ko ang braso ko ng maramdaman ko ang pagluwang niyon. Pinahid ko ang mga luha ko.
"P-pasensya na." Pati panginginig ng boses ko hindi ko na kayang pigilan.
"Get out!" Malamig niyang utos kaya mabilis akong humakbang papunta sa elevator. Pag bukas niyon ay mabilis akong pumasok ng hindi man lang lumingon sa kanya.
'Di ko siya maintindihan, anong meron, bakit gano'n na lang siya sa akin? Kahapon lang ang saya saya pa namin. Pero ngayon, parang bumalik lang kami sa dati, mas worst pa.
Hinaplos ko ang namumula kong braso dahil sa paraan ng pagkakahawak niya. Habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko.
Hindi na ako bumalik sa kusina bagkos dumeretso na ako sa kwarto pero nasa hagdan na ako ng makita ko si Jessie. Nagtatanong ang mga mata nito, nakaramdam ako ng comfort sa kanya.
Kahit papaano naman naging kaibigan ko siya, mabilis akong napayakap sa kanya at humagulhol sa malapad niyang dibdib. Nasasaktan ako sobra, akala ko ok na kami, akala ko tuloy tuloy na ang saya na nararamdaman ko kahapon pero tama pala ang kinatatakutan ko. Kasabay ng pagbalik namin sa mansion ay ang realidad na ikinasal kami for business purposes only. No other than, no love involved.
Naramdaman ko ang pag tapik tapik ni Jessie sa likod ko, kaya napahagulhol ako lalo hanggang sa medyo kumalma ako.
Pero ilang saglit lang ay tinulak niya ako at tumuwid ng tayo. Napaangat ako ng mukha, sinundan ko ang direction ng tingin niya. Deretso iyon sa likuran ko kaya napalingon ako.
Si Axel, malamig na nakatitig sa amin. Napabuntong hininga na lang ako at umakyat na sa ikalawang palapag ng mansion. At mabilis na ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama ng makapasok ako. Habang maaga pa, I need to forget everything about him. But how? Hindi ko yata kaya, I can't even escape from this hell. How do I forget everything about him, when I always see him.
Nakatulog ako sa pag iisip. Puyat rin naman ako kaya siguro mabilis akong nakatulog.
Nagising ako hapon na, nakaramdam ako ng gutom. Paano ba naman kasi wala akong almusal at lunch kaya ito't nag rereklamo na ang sikmura ko.
Pagkatapos kong kumain ay inutusan ko si Sarah na ipamigay kina Peter at Mika ang laptop. Wala akong ganang makipag usap sa kahit kanino gusto ko na lang matulog ng matulog. At 'yon nga ang nangyari sa sumunod na mga araw.
Hindi ko na nakikita si Axel dahil sa tuwing gigising ako ay wala na siya, sa gabi naman umaga na rin ako nagigising. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Balik na naman kami sa dati.
Pero siya lang ang bumalik sa dati kasi ako, hindi ko alam kung babalik pa ba ako sa dati. 'Yong dating wala akong nararamdaman sa kanya, 'yong dating wala akong pakialam sa kanya. Iyong dating ako.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising, wala na naman si Axel sa dati niyang hinihigaan.
Nag almusal ako dahil naisipan kung mag jogging kahit tatlong balik lang mula rito hanggang sa gate. Magpapasama na lang ako kay Nessie para hindi nila masabi na tatakas ako.
Medyo nanghihina rin ang katawan ko sa kakatulog.
"Jessie, did you see, Axel?" tanong ko sa kanya ng nagpapahinga muna kami kasi naka ilang balik pa lang ako ay hingal na hingal na ako.
"He has not returned home yet for three days," aniya.
Hindi ako nakapagsalita, kaya pala. I already miss him. Talagang wala akong papel sa buhay niya dahil kahit na magpaalam parang hirap siyang gawin. Heartless husband!
Nabuo sa isipan ko ang isang plano.
Ang planong paibigin siya, ilang gabi at araw ko itong pinag-isipan at nakapagpasyana ako.
Hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung magtatagumpay ako, disperada na kung disperada. Pero mahal mo siya at dapat mahalin rin niya ako dahil ako ang asawa niya.
Hindi pwedeng maghirap ako ng ganito, kailangan ko ng hustisya para sa nararamdaman ko.
Dapat maramdaman rin niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam kong mahirap gawin iyon dahil feeling ko bato ang puso ng asawa ko, pero dapat kayanin ko. I'm almost perfect too, kung hindi lang ako kulang sa height ay perfect na sana ako. I am the definition of Goddess, no man can resist my charm.