KABANATA 14: Angeline Hermés

2984 Words
Pagkatapos ng nangyari kanina ay hindi na ako mapakali. Hindi ko akalain na sa sobrang saya ko ay hinalikan ko siya sa labi. Naalala ko pa kung paano kami, kantiyawan ng mga empleyado doon. Nababaliw na talaga ako, gumagawa ako ng bagay na hindi ko man lang pinag-isipan muna. Nag-aya si Axel na mag mall kami, sobra saya ko. Parang gusto ko na lang manatili sa araw na 'to, kasi baka bukas makalawa, ay hindi ko na ulit maramdaman ito. Ramdam ko na mahalaga ako kay Axel dahil sa mga bagay na pinapakita niya na hindi ko akalaen na ipapakita niya sa akin at ipaparamda. Para na talaga kaming tunay na mag-asawa. 'Yon bang nagpakasal kami kasi mahal namin ang isa't-isa. Kumain kami, sabay nagpa-spa whichI enjoy the most. 'Di ko na namalayan ang pagpapalitan namin ng mga ngiti sa isa't-isa. Sana hindi na lang matapos ang araw na 'to, hindi ko maintindihan ang sarili ko, natatakot ako baka panaginip lang ang lahat ng 'to. At paggising ko siya na ulit ang dating Axel, cold, fierce, madilim kung makatingin. "Come on, hon. Magsisimula na ang palabas," yaya niya dala dala ang maraming popcorn at drinks. Ang mga bodyguard kasi, may sariling mundo, naglalaro ng baril barilan doon sa game department ng mall. Napatigil ako dahil sa endearment na binanggit niya. Masarap sa pandinig, kaya hindi ko napigilan ang mapangiti saka lumapit pa lalo sa kanya. Panonood kasi kami ng sine. This is my first time going out with him and it makes me feel better. Nakita ko na nagtitinginan sa kaniya ang ibang mga babae. Panay pa ang bulungan ng mga ito na dinig na dinig ko, bubulong na nga lang ang lakas pa. "Grabe ang guwapo, ang lakas ng Charm niya, nakakalaglag panty." Kilig na sabi nang isa na pilit iniipit ang tinig 'wag lang mapatili. Napataas ako ng isang kilay saka napasimangot ako sa narinig ko. Iwan ko 'di ko alam, basta naiinis ako. Kaya inirapan ko sila ng matuon ang tingin sa akin. Ang insensitive nila kita ng may kasama 'yong tao kung kiligin. Mabilis kong nilapitan si Axel saka umabresyete ako sa kanya na siyang kinagulat nito. Kaya nginitian ko siya, gumanti naman ito ng ngiti na mas lalong nagpalitaw ng mga dimple niya. Cute talaga! Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong tinawag na, Hon ng mga sandaling iyon. Pero dati naiinis ako as in nakakairita 'pag tinatawag niya ako ng mga endearment na kung ano-ano. Pero ngayon, parang lumulukso ang puso ko sa tuwing tinatawag niya ako ng hon, sweetheart, love at kung ano-no pa. Nanood kami ng sine, romance at action ang genre ng pinanood namin. Sinipat ko si Axel, masyado siyang nakafucos sa pinapanood niya, kaya mataman ko siyang pinagmamasdan. Ang guwapo talaga ng asawa ko, kahit may kadiliman pero parang may flashlight ang mga mata ko. Kitang kita ko talaga ang ka guwapohan niya. Dati pa naman siyang gwapo, pero ngayon ko lang na appreciate, he is drop dead handsome. Para siyang si Kim Myung-soo pero dalawa lang at malalalim ang dimple niya pero 'yong mga mata niya ay parang Kay Lee min-hoo, strict. Totoo ang sabi no'ng mga babae kanina, ang lakas ng charm niya matatangay ka. Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya na mas lalong nagbigay ng kakaibang kiliti sa sistema ko. Napangiti ako. "Baka matunaw ako kakatitig mo." Narinig kong sabi niya. Na hindi man lang nag-abalang tingnan ako. Kaya mabilis kong itinuon ang pansin ko sa screen ng senihan saka napalunok ako. Ang lakas ng pandama niya, para tuloy nakaramdam ako ng hiya dahil sa mga pagpapantasya ko sa kanya. Bigla ko namang naramdaman na parang may paruparong nagpapanic sa sikmura ko na siyang dahilan ng pag malfunction ng sistema ko. Lumakas din ang t***k ng puso. God! Nahuli niya ako baka ano isipin niya. Narinig ko naman ang pabulong niyang tawa na mas lalong nagpainit ng mukha ko. Dagdagan pa ng nag hahalikan na babae at lalaki sa pelikula. Mas lalo pang nagulo ang sistema ko ng maramdaman ko ang mga titig niya na parang hinihila ang mukha ko paharap sa kanya. I feel magnetized. Di ko kinaya nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil hindi ko magawang pigilan ang sarili na mapatingin sa kanya na kahit pinilit kong labanan hindi ko magawa. And here I am, staring at his light brown eyes. Nakita ko pag-iiba ng aura sa mga mata niya. There's something in his eyes na hindi ko mabasa, marubrob ang mga mata na diretsong nakatingin sa akin. Nakita ko pa kong paano niya tingnan ang labi ko na nagpailang sa akin kaya wala sa sarili akong napakagat labi. Nakita ko pa ang sunod-sunod na paglunok ni Axel habang titig na titig sa labi ko. Unti-unting bumaba ang mukha niya papunta sa akin. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga na mas lalong nagpahina ng sistema ko dahil sa lapit niya. Hindi ko man lang magawang gumalaw dahil animo napapako ako sa kinauupuan ko. Hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng malambot niyang labi sa labi ko, namilog ang mga mata ko sa gulat, kahit na alam kong mangyayari ito pero caught off guard pa rin ako. Naramdaman kong gumalaw ang labi niya Naghuhuramentado na ang mga paru paru sa tiyan ko. Mas lalo kong naramdaman ang bawat pintig ng puso ko. Napapikit ako sa kakaibang sensasyong naramdaman ko sa bawat galaw ng mga labi niya.Natatangay ako, hindi ko na inisip kung sakali mang may makakita sa amin dahil lasing na lasing ako sa mga halik niya kaya walang sabi sabing tinanggap ko ang halik niya, tinugon ko iyon sa paraang alam ko. "Ate kuya, 'wag kayong masyadong showie, inggit na inggit na nga ako sa pinapanood ko dumagdag pa kayo. Maawa kayo sa mga single, utang na loob." Masungit na sabi ng babae na na sa likuran ng inuupuan namin. Kaya mabilis na naghiwalay ang mga labi naming kanina'y magkahinang at diretsong tumitig sa screen ng sinehan. Nag-iinit ang mukha ko dahil sa magkahalong hiya at pagkabitin. Damn! Yeah I admit, nakakabitin naman talaga, he's a damn good kisser, at dahil sa ka good niya ay parang ayaw ko ng bumitaw kahit kapusan pa kami ng hininga. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag ngiti niya kaya napangiti na rin ako at napapailing. "Nag-enjoy ka ba?" sabi ni Axel ng makalabas na kami ng sinehan. Nagdalawang isip ako kung anong enjoy ang ibig niyang sabihin, nag enjoy sa halik na buong oras hindi mawala sa isip ko o sa pamamasyal at panonood ng movie? Pero mas nag enjoy ako sa halik, actually I want more. Napatingin ako sa labas habang nilalakbay namin ang daan palabas ng mall. Napasimangot ako ng malapit ng magdilim, pigilan ko man na hindi matapos ang araw na ito ay hindi ko magagawa. Talagang matatapos at matatapos ang lahat ng ito. "Hon?" Tikhim nito. "O-oo," I nodded. "Thank you, kasi madalas akong atakihin ng boredom kaya sal..." Napatigil ako ng may nakita akong isang familiar na babae na abala sa bag niya na parang may hinahanap, she looks familiar. Pero masyado itong payat para maging si Angeline at ang suot nito ay maluwang na blouse at naka legging. Hindi siya nagsusuot ng gano'n and it looks like cheap. "What's wrong ?" tanong ni Axel ng makita akong napatigil sa paglalakad. Papunta sa direction namin ang babae, ng papalapit na siya ay marahil nakita na niya ang hinahanap niya dahil nagtaas ito ng mukha at confirm si Angeline nga. Kaya hinarangan ko ang dinadaanan niya. Nagulat siya ng makita ako, pero mas nagulat ako sa nakikita ko sa kanya. She's too slim, namumutla ang mukha, nanglalalim ang mga matang malungkot. Walang bahid ng kasiyahan doon puro kalungkutan. "Cous?" untag ko. Nakatulala siya habang nakatingin sa akin. "Cous," ulit ko. Nakita ko namang nakabawi siya, saka sumungaw ang ngiti sa mga labi na hindi man lang umabot sa mga mata niya. Nag-aalala ako sa kanya, nararamdaman kong may mali. "H-Hi cous." Kunway masaya niyang bati saka niyakap ako. Nakaramdam ako ng maliit na umbok sa tiyan niya na tumama sa tiyan ko kaya napakunot ako. Nang kumalas siya sa akin ay panakaw kung sinulyapan ang tiyan niya. Is she pregnant? Binati niya rin ang asawa ko. "Uy, cous mukhang nagkakaintindihan na kayo ng asawa mo, huh," nakangiti niyang puna sa amin. Namula ako sa sinabi niya "How are you couz?" Pag-iiba ko ng usapan. Nakita ko kung paano nawala ang ngiti niya sa labi at bumalatay ang lungkot sa mukha niya. Saka ngumiti siya ng pilit. "I'm okay, ikaw?" She's lying, I know she's not. "Don't fool around Ange, I know you're not." Diretso kong sabi na kinabigla niya. Nakita ko pa ang nagniningnung na mata nito dahil sa pangingilid ng luha niya. Alam kong manghihina si Angeline kapag ako ang kaharap. Wala siyang maitatagong sikreto sa akin. Napapaamin ko siya pag nagsisinungaling siya sa akin. Dahil ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ay nararamdaman ko, hindi nga kami magkakabit ng bituka pero kilala namin ang isa't-isa. We've been friends since our first day one on earth, because we are like twins with different mothers. Sabay kaming ipinanganak, parehong petsa at parehong oras. I remember my mom said that nasa sinapupunan pa lang daw kami ay magkakasama na ang mommy namin, kaya close kami ni Angeline dahil siya ang pinakaunang tao pinakilala sa akin at naging bestfriend ko. Nabaling ang tingin ko kay Axel, gusto ko sanang sabihin sa kanya na kakausapin ko muna si Angeline, pero parang naiintindihan naman niya ang mga titig ko dahil tumango siya kahit wala pa akong sinasabi. "I will wait in the car," aniya. Tumango naman ako, saka tumalikod na ito ng mag-paalam kay Angeline. Dinala ko si Angeline sa isang restaurant sa loob ng mall na wala masyadong tao. Om-order muna ako, hinintay muna namin ang order bago kami nag usap. Nakita ko ang madalas na pagpahid ni Angeline ng kamay niya sa pisngi niya. She's crying, she'd been through a lot. Nanatili lang itong nakatungo. "Now tell me what happened," sabi ko matapos nilapag ng waiter ang order namin at umalis. Nakatungo pa rin si Angeline, at patuloy na umiiyak. Nakaramdam ako ng habag sa pinsan ko. "I-I'm pregnant," pagtatapat nito. Alam ko, pero nagulat pa rin ako. "Who's the father Ange?" Seryoso kong tanong. Umiling siya kaya napanganga ako. Iniabot ko sa kanya ang table napkin para pahiran ang luha niyang ayaw maampat sa pagtulo. "It's a one night stand," pahayag nito. Mas lalo akong napa nganga sa narinig ko, saka nagpakawala ng buntong hininga. "Sina Tito at Tita, did they know?" tanong ko sa kanya. Nakita ko naman siyang tumango . "Pero hindi nila matanggap," pagkasabing iyon ay humagulhol siya. Kaya iniunat ko ang kaliwa kong braso at hinimas himas ang balikat niya. "Why?" tanong ko ulit. Ayaw ko na sanang itanong, but I know she someone to talk, isang taong paglalabasan niya ng hinanakit niya at ako iyon. "After your marriage with Axel, the next day. May ipinakilala sina mommy at daddy sa akin, an old businessman and they want me to marry him," Pagtatapat nito. " What?!" Nagulat ako. Isang matanda? Gano'n na ba ka desperado sina tito para isakripisyo ang anak nila sa isang matanda for the sake of money? Hindi man lang sila kumuha ng ka edad lang ni Angeline or 'di kaya ahead lang sa kanya ng ilang taon but to an old Man? What the f**k! "Ayuko sa kanya, para ko na siyang lolo, okay lang sana sa akin kung kagaya ni Axel, o 'di kaya kung matanda man sa akin ay hindi naman 'yong parang lolo ko na. Kahit di ko mahal tatanggapin ko 'yon, kasi handa na ako sa bagay na 'yon, but marrying an old man." Umiling siya bago muling nagsalita. "God, Erica, I can't. Hindi ko kaya 'yon. That's why, nagpunta ako sa isang bar, nagpakalasing ako ng walang humpay just to forgot, until there's a guy na lumapit sa akin. He asked me if I'm okay, he was caring and a gentleman, but the next thing, ay namalayan ko na lang nasa hotel na kami. I was so drunk to the point that I gave in. I give my Virginity to a stranger." Mahabang paliwanag nito. Na mas ikinagulat ko pa.. "Ohws that son of a b*tch?" Mura ko. Galit ako dahil pinagsamantalahan niya ang pinsan ko ang kaibigan ko. "It's not his fault, na seduce lang siya sa akin." Pagtatanggol ni Angeline. Hindi na ako umimik sa esyong iyon. "Did he know? That you're carrying his child?" "No, kasi after I woke up and found out that he's still sleeping, I left him with no words. Hindi ko na siya kinilala. Until after 3 months I found out that, I'm pregnant. Nakita nila mommy accidentally ang pregnancy test result. At inamin ko sa kanila na akin iyon. Naging blessing in disguise ang batang nasa sinapupunan ko dahil hindi nila tinuloy ang kasal, pero ng sinabi ng matandang mapapangasawa ko na okay lang, ipalaglag na lang ang bata hindi ako pumayag, kaya naglayas ako," aniya. "What a heartless old man," bulalas ko."How about the father? Hindi ba kayo nagkita muli?" "Kung maaari ayokong malaman niya," she said. Napatitig ako sa kanya ng mataman. "What? He is responsible for this? May karapatan siyang malaman dahil anak niya 'yan." Umiling ito. "Aside sa hindi ko siya kilala ay ayokong baka may pamilya akong masira, what if he already have a family." "But he is the father," giit ko. Kahit naman may pamilya na ang 'yong lalaking iyon, it can't change the fact that he is the father. "Hangga't maaari sasarilinin ko na lang 'to. I know someday hahanapin niya ang ama niya. Maghahanda na lang ako ng sagot sa mga bakit niya." Nakatungo niyang sabi saka muling kumuwala ang luha nito. Hinawakan ko ang kamat niya na nasa ibabaw ng mesa saka pinisil. I just want her to feel that she is not alone. That, I'm here by her side. "Pero bakit hindi mo ako tinawagan? Saan ka nakatira? Did you have enough money para tustusan ang pangangailangan mo? Ninyo ng anak mo?" Sunod-sunod kong tanong ng maalala ang kalagayan niya ngayo. "Bago pa man mag-decide si Daddy na e-cut lahat ng credits card ko ay nakapag withdraw na ako. Kinuha ko lahat ng savings ko. Kasya pa ang na withdraw ko hanggang sa panganganak ko and so on," she said after wiping her tears. "And after that?" "Magtatayo na lang ako ng maliit na negosyo para matustusan ko siya o di kaya mag-tatrabaho ako," sagot niya saka tumitig sa akin. "Bakit hindi mo sinabi sa akin, cous? " "Ayokong dagdagan ang alalahanin mo cous, alam kong namomroblema ka pa sa asawa mo," pilit ang ngiting sumungaw sa labi nito. Hindi ko maiwasang makaramdam ng sobrang awa sa kanya, she doesn't deserve this. "Sumama ka sa bahay, tutulungan kita." Maya maya'y sabi ko. "No, no," tanggi niya. "Cous, I'm really ok. I know I can do this. Kakayanin ko 'to para sa anak ko." Sabi niya saka hinimas ang maliit na umbok sa puson niya. "Are you sure?" tanong ko saka hinawakan ang isa pa iyang kamay. Tumango nito. Na may ngiti. "You should tell the father of your child Ange." Ulit ko sa kanya. Alam mong matutungan siya ng ama ng bata, kahit sa sustento man lang. Pero for the second time, muli siyang umiling." No, I won't, this is my fault so I will handle this responsibility alone." " Pero..." " It's really okay, cous." He cut me. "Saan ka nakatira?" Bagkos ay tanong ko. "It is better na hindi mo malaman, cous I'm hiding from my parents. As long I can, mas gugustuhin kong walang makakaalam." Ang kanina ay walang tigil na pag-iyak niya ngayon ay wala na. "Pero cous, tawagan mo ako minsan huh, e-update mo ako. You can tell me your problem, alam mo namang maaasahan mo ako. 'Wag mong sarilinin, It's not good for you. Call me if you need me, okat? Again,I am always here for you if you need me, you can count on me couz." Inilapag ko sa mesa ang calling card ko, dahil alam ko na nagpalit na suya ng number dahil two months ago 'di ko na siya nakuntak. And now I know the reason." Tumango siya ng tanggapin ang card saka inilagay sa bag biya. "I know couz, i know," sabay sabi nito. "Ngumiti kana, 'wag kang masyadong magpapapangit, kasi ang pangit mo," pagkasabi kong iyon ay tumawa siya kaya nagtawanan kaming dalawa. I'm now relieved. "Thank you, cous." "Kumain ka na ang payat-payat mo dapat kumain ka ng maayos para healthy ang pamangkin ko," sabi ko saka sinimulan ko ng hiwain ang beef steak na order namin. Ngumiti naman siya, iyong ngiting totoo at masaya. Dumukot ako ng pera sa sling bag ko. Ibibigay ko sa kanya lahat ng pera ko. Inabot ko iyon sa kanya, rumehestro naman sa mukha niya ang pagtataka. "Take this, ito na lang ang natira kong pera, dad cut all my account," sabi ko. Umiling siya at itinulak pabalik sa akin ang kamay ko na may hawak na pera. "No," tanggi niya sabay iling. "This can help you, dagdag puhunan, maliit lang 'to pero makakatulong 'to sa iyo," Pagpupumilit ko. "Cous, I'm okay I really am, don't bother me," Tanggi ulit niya. Tumayo ako saka lumapit sa kanya at sapilitan kong isinuksok sa bag niya ang pera. "Cous, stop," pabulong na saway niya. "Shut up!" Pinanlakihan ko siya ng mata kaya wala siyang nagawa kun'di tumahimik at hinayaan na ako. Bumalik na ako sa kina uupuan ko. "Go eat. Ikaw na rin magbayad nito wala na akong pera," sabi ko sabay simsim ng orange juice. Natawa siya sa sinabi ko kaya tumawa na rin ako. Sana malagpasan niya ang pagsubok na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD