Maaga akong nagising kinabukasan. Naunahan ko pa si Axel na gumising, naunahan ko pati mga katulong.
Nag handa ako ng almusal, naabotan pa ako ni Nanay Belen sa kusina na nagluluto. Aagawin sana nito sa akin ang ginagawa ko but I insisted not to. Wala itong magawa kaya hinayaan na lang niya ako.
Matapos ay nag timpla ako ng tea at humarap sa laptop ko. Nasa dining table ako abala sa pagpapatuloy ng isinusulat kung kabanata. Napatigil ako sa pagta-type ko ng mapuna ko ang pagkaka describe ko sa outlook ng bida. Pamilyar sa akin ang isinusulat ko. It's Axel's outlook and usual gestures. Naipilig ko ang ulo ko at nag flashback sa akin ang nangyari pag gising ko.
Nakita kong mahimbing na natutulog si Axel sa lapag. Hindi ko alam, parang may sariling buhay ang mga labi ko ng gumuhit ang ngiti roon.
He was so adorable while sleeping, mahahaba ang mga pilik mata nito Matangos ang ilong, mapula ang mga maninipis na labi. Napapangiti pa ako ng minsang kumibot iyon na parang pwet ng manok. Ano kayang panaginip niya.
Nang makita ko siyang gumalaw ay dali dali ako bumaba.
"Maam Erica, anong iniisip mo? Ba't ka napapangiti?"
Napapitlag ako sa biglang nagsalita,
It's Ate Inday.
Tumingala ako sa kanya saka nginitian ko siya.
"Ang ganda ng imagination ko," sabi ko kanya ng nakangiti.
Napangisi naman si ate Inday.
Dinampot ko ang laptop ko at ang isang tasang tea na hindi ko pa masyadong nababawasan.
Sa sala ko siya hihintayin, baka kasi hindi na siya pupunta sa kusina kaya sa sala ko siya aabangan para hindi na niya ako hanapin.
Nang makarating na ako sa sala ay muli kung ipinagpatuloy ang sinusulat ko.
Abala ako sa pagta-type ng may narinig akong mga yapak pababa ng hagdan. Tiningnan ko siya hanggang sa makababa. Napangiti pa ako dahil preskong itsura nito.
Bagong ligo ito at nakaayos na rin pero napakunot noo ako dahil sa suot niya. Ba't ganyan ang ayos niya. Eh, maghahanap lang naman kami ng lumang laptop sa office library niya.
Nakita niya akong nakanganga na nakatitig lang sa kanya. Kaya nag-isang linya ang suplado niyang kilay. Nag-iwas ako ng tingin 'di ko yata kaya ang bigat ng intensity ng mga titig niya. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagpapatuloy niya sa paglalakad kasunod nito si Jessie. Huminto lang si Jessie sa tabi ko pero si Axel ay nag patuloy. Tatanungin ko sana kung saan siya pupunta att ipapaalala sa kanya na maghahanap kami sa library niya ng lumang laptop para kay Mika. Pero nanatiling nakaawang lang ang bibig ko. Walang lumalabas doon alam n'yo 'yong gusto mong magsalita pero parang Tinakasan ka ng boses mo. Bubuka sasara lang ang bibig. Ayaw pakipag cooperate ang dila ko, nagdadalawang isip ako.
Hanggang sa tuluyan na nga siyang nawala sa paningin ko. Tanging pagsara na lang na main door ang nakita ko.
Dumapo ang palad ko sa ulo ko dahil sa frustration na nararamdaman ko. Fresh pa sa fresh lumpia ang alaala ko kagabi na sabi niya gumising ng maaga dahil maghahanap kami sa library pero parang kinalimutan niya. Feeling ko tuloy nakaramdam ako ng rejection. Parang napahiya ako sa sarili ko, ang aga ko pang nagising. Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustration.
Nawalan ako ng ganang ipagpatuloy ang sinusulat ko. Kaya isinarado ko ang laptop ko at umakyat na sa kwarto namin.
Nagbabad ako sa bathtub, ipinikit ko ang mga mata ko gusto kung marelax ang utak ko.
Nag flash sa utak ko ang mga senaryo kanina, ang mga titig ni Axel sa akin na parang nakakamatay. Bakit galit siya sa akin? Anong kasalanan ko? Pareho lang naman kaming natali sa isa't-isa na labag sa kalooban namin. Kung ayaw niya pwede naman siyang tumanggi kasi lalaki siya. He had a power not to agree, pero marahil purong business lang talaga ang purpose ng lahat.
Napasimangot ako sa iniisip ko.
At bakit ko iniisip ang mga iyon? Dapat wala akong pakialam. Dahil galit ako sa kanya pero bakit parang hindi ko na maalala ang dahilan kung bakit ako galit sa kanya at saka bakit parang pinipiga ang puso ko sa tuwing dinadaan daanan niya lang ako, at hindi pinapansin. Pagdating galing sa trabaho niya parang wala lang. I didn't even hear him greet me.
Umiling iling ako, dapat wala akong pakialam dapat pikon na pikon na ako sa kanya. At saka hindi naman kami close, bakit naman siya magge-greet sa akin? I scratched my head as if I have a lot of lice.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. At inalala ang pinangako kong laptop kay Mika. Saan kaya ako kukuha ng laptop para sa kanya? Hindi ko na ipapaalala kay Axel ang tungkol sa hinihingi ko sa kanya kasi parang hindi naman iyon mahalaga sa kanya dahil nakalimutan niya .
Hindi rin naman ako mahalaga sa kanya!
Matapos kong magbabad sa bathtub ay humilata ako sa kama at mabilis na nakatulog ng hindi ko man lang namamalayan.
"Erica..." anang familiar na boses. Puro kadiliman lang ang nakikita ko
"Erica," tawag na naman nito.
Maya maya pa ay biglang tumambad sa di kalayuan ang bilog na ilaw. At may tao roon, naglalakad palayo sa akin. Pamilyar ang pigura nito, ang likod nito, ang ulo nito at ang paggalaw nito.
"Erica, wake up," muling sambit nito.
Napamulat ako bigla, it was a dream.
Pero napakurap kurap ako ng naging malinaw na ang paningin ko. Nakita ko si Axel nakatitig sa akin. Nakayuko siya na may kunot sa noo. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa akin. Pumikit pa ako, baka nananaginip ang panaginip ko may gano'n kasi o 'di kaya hallucinations, pero ng pagmulat ko for the 2nd time mukha pa rin ni Axel ang nakikita ko. Nakakunot pa rin ang noo.
Nang napagtanto kong hindi ako nananaginip at bigla akong napabalikwas ng bangon dahilan para tumama ang noo ko sa ilong niya
Napatutop ako. OMG!
"S-sorry," hinging paumanhin ko ng makita ko siyang namimilipit sa sakit habang nakapikit at nakahawak sa ilong niya
Nang muli niyang ibuka ang mga mata at pumukol sa akin ay kumikinang ang mga mata niya, he's about to cry. Na try ko 'yon. Pag tinamaan ang ilong mo sobrang sakit parang naiiyak ka sa sakit. Nabali ko yata ang mga buto ng ilong niya.
Hindi siya sumagot ng humingi ako ng paumanhin. Galit na yata.
"B-Bakit ka kasi nandito? At bakit ang lapit lapit ng mukha mo sa mukha ko? What are you trying to do?" paninisi ko sa kanya.
Nakita ko ang panay kurap ng mga mata niya at naglumikot ang paningin niya sa kung saan saan.
"I-I'm waking you up. Kanina pa kita ginigising!" Supladong pahayag nito na hawak hawak pa rin ang ilong nito. Buti at hindi dumugo.
"Sh*t!" Narinig ko pang mura niya, habang hinihimas ang namumulang ilong.
Bakit naman niya ako gigisingin?
Nakita ko ang pag bitiw niya sa ilong niya, kaya kitang kita ko ang pamumula roon.
"Magbihis ka ng maayos. May pupuntahan tayo, " cold niyang sabi.
"Saan?" tanong ko habang nakatingala sa kanya. At this time hindi na siya tumingin sa akin. Nakaharap na siya sa may pintuan at humakbang ng hindi man lang sinasagot ang tanong ko.
Kasalanan mo rin naman 'yan. Pwede naman akong kalabitin kung gigisingin niya ako o 'di kaya yugyugin. Bakit kailangan niya pang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Is he trying to wake me up by kissing me? Namilog ang mga mata ko sa naisip ko saka dumapo ang kamay ko sa labi ko.
Umiling iling ako para iwaksi ang iniisip ko.
Nawala sa isipan ko ang mga iyon ng maalala ko ang sabi niya. May pupuntahan daw kami? Saan kaya? Tumayo na ako parang na excite ako kasi after 3 months lalabas ako sa mansion na ito na nag mistulang kulungan ko. Makakakita na ako ng nagtataasang building at iba't ibang klase ng sasakyan na tumatakbo sa kahabaan ng highway. Pero paano kung i salvage niya pala ako? Muli akong umupo sa kama saka kinagat kagat ang kuko ko. Hindi naman siguro.
Napasinghap ako ng muling bumukas ang pinto at niluwa roon si Axel. Lumalim ang gitla ng noo nito ng makita akong nakaupo lang. Inis itong lumapit sa akin saka hinablot ang braso ko.
"Aray, naman," sabi ko ng makatayo ako.
Ngumisi ito ng nakakaluko.
"Gusto mo yatang ako pa magbihis sa'yo," aniya na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nitong nakakaluko.
Napaawang ang bibig ko sa narinig kaya mabilis kong hinablot ang braso ko mula sa pagkakahawak nito. Ng mabawi ko na ay pairap ko siyang tinalikuran at tumungo na sa walk-in closet.
***
Nakasakay na ako sa kotse ni Axel at umalis na kami. Lamborghini na sports car ang gamit niya naka open mode iyon kaya malayang nilalaro ng hangin ang nakalugay ko na buhok.
Nakasunod naman sa amin ang tatlong bodyguard. Nakasakay sila sa BMW na black ni Axel. Aba talagang desperado talaga itong e bantay sarado ako.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng nag preno ang sasakyan sa harap ng Building.
Nakita ko ang nakasulat sa mataas na building na iyon.
ACH ELECTRONOLOGY INC.
Tika iyon ang Brand ng Laptop at Cp ko, ACH. Anong gagawin namin dito? Naramdaman ko ang pagkawala ng araw. Pumasok kami sa isang malaking parking lot, paikot iyon saka pa elevated ang parking area na iyon.
Nakailang ikot kami pataas I think 3 or 4, saka ipinarada ang sasakyan. Nakita ko rin sina Jessie. Hindi ko na hinintay na pag buksan ni Axel Dahil hindi naman talaga niya ako pagbubuksan, asa ka pa Erica. May sayad ang asawa mo.
Lumapit ako sa kanya at sinundan siya ng lumakad na ito papunta sa isang maliit na pintuan na sinadyang ipagawa just for human.
Pumasok kami roon, ilang hakbang lang ay may isang room ulit. Itinapat ni Axel ang kanyang i.d siguro iyon na dinukot
niya kung saan, 'di ko nakita sa isang parang Tablet na nakadikit sa gilid ng pinto.
Nakita ko pa ang nakasulat matapos e scan ang i.d nito. It was.
"CONFIRMED."
Creepy naman.
Strict pala ang security ng building na ito.
Gawa sa metal ang pinto, parang pintuan ng lagayan ng pera sa bangko parang bolt iyon.
Narinig ko ang pag-clicl ng pinto saka bumukas iyon ng kusa.
Pumasok na kami, naglakad pa kami.
"Axel, saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
Hindi na ako makatiis, matatae ako sa kakaisip kung anong gagawin namin rito. Dito ba niya ako ikukulong? Hindi naman siguro kasi wala.akong dalang gamit.
Wala akong narinig na sagot sa kanya sa tanong ko.
Lumiko kami, may nadadaanan kaming mga room, I think, kasi may pintuan. Minsan naman ay may nakikita akong lumalabas na mga nakakulay puting mga tao doon. Na yumuyuko pagnakikita si Axel. Feeling ko mga nagtatrabaho iyon doon, para silang mga researchers.
May maya pa ay nasa tapat na kami ng isang pinto. Nag swipe ulit siya ng i.d niya at bumukas iyon.
Napanganga ako sa dami ng mga gadget na naroon. Mula sa cellphone, laptop, Tv, computer at kung ano ano pang gadget.
Nag sibatian sa kanya ang mga empleyado na busy sa pag aarange ng mga devices.
"Do you owned this?" 'Di na ako makatiis at tinanong mo iyon. Ayaw kong manghula masakit sa utak.
"Yes, now you can choose a laptop for Mika." Seryuso nitong sabi sinipat pa niya ako saka busyng tinitignan ang mga laptop.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Naka ilang kurap pa ako habang nakatitig sa kanya. Nang mabawi ko ang pagkabigla ko ay nagniningning ang mga mata ko sa paghanga.
"B-but you told me sa library at saka luma lang ang hinihingi ko. I can't afford this expensive Laptop. " Pa cute ko.
Pero ang totoo kinakabahan ako kasi wala akong pambili.
Ang ACH ang pinakamalaking kompanya ng mga gadget sa buong mundo. Ito rin ang pinaka expensive na brand. Maganda ang quality ng product nila at mga high ends, kaya 'di masasayang ang pera mo. Kadalang nakaka-afford ng brand nila ay mga mayayaman at business elite lang.
Nag-stick ako dito ng matry ko ito. Ni recommended sa akin ni mommy ang brand na 'to and luckily ay nasa mall lang ito. Medyo napanganga ako sa presyo niyon compare sa ibang brand na binibili ko dati, pero binili ko pa rin dahil nagustuhan ko, slim iyon at touch screen din magaan dalhin at pwede mong ikumpas ang iyong kamay kung gusto mo ilipat sa next page, maganda talaga ito. Malaki ang storage, naka 12mp ang built in camera nito high specification talaga. Actually 'yon ang brand ng laptop at cp ko na 3 years na sa akin ay smooth pa rin. The ACH is the best brand in the market
At hindi ako makapaniwala na asawa ko ang may-ari nito. I can't believe it.
"Erica!" Napapitlag ako sa sigaw niya.
Nakatitig na siya sa akin ngayon ng matalim. Mukhang nahulog ako sa malalim na pag iisip.
"O-oh Pasensya na," sabi ko at napakamot ako sa ulo.
May binigay si Axel sa akin na isang laptop.
"Hindi pa namin ito nalalabas sa publiko, next month pa launching nito," anito ng tanggapin ko ang kulay violet na laptop. Sobrang nipis niyon at parang nakakatakot hawakan at baka magasgas.
May mga design iyon na magaganda, hindi gaya nang laptop sa ibang brand na plain lang. Though my plain naman pero there is always a twist in every design.
Napahimas ako sa laptop na hawak ko. This is precious pati presyo precious din malamang.
Latest iyon so ibig sabihin bago malamang hindi panga nailalabas eh.
"Pero Axel..."
"It's a donation for her and also this," ipinatong niya pa ang isang kulay gray na laptop. "This is for Peter, I heard na nag iipon ang bata for his laptop. So ibigay mo 'yan sa kanya."
Parang I Envy them, oo, totoo naiinggit ako sana all. I was fond of ACH brand. Pero hindi ko mabibili ang latest product nila dahil I'm sure tumataginting na hundreds thousands iyon. 'Yong laptop ko nga na ginagamit 200k ko iyong nabili tapos last 3 years pa iyon, ano na lang kaya kung ang latest na na laptop, just like he was handed to me right now.
Ibinigay ko kay Jessie ang laptop na noo'y nasa likuran ko. I saw Axel walking away from me. May kinuha itong isang box na manipis at isang box na makapal pero medyo maliit mga nasa 6 inches mahigit kumulang.
"Come here," yaya niya ng nasa harapan ko na siya sumunod naman ako sa kanya. Umupo kami sa isang couch na naroon. Inilapag niya ang mga box sa mesita sa harapan namin.
" This is for you, open it," aniya.
I just stare at him. Nabigla kasi ako ng sinabi niyang " this is for you." Hindi ako makapagsalita.
Alam kung laptop at cellphone ang laman niyon.
Inilahad niya ang kamay niya sa direction ng gadget sa mesita.
Hindi ba siya nag bibiro, kasi blanko lang naman ang expression ng mukha niya. Gano'n ba talaga siya magbigay ng presents kahit sa ibang tao? Kasi parang magdadalawang isip ka kung tatanggapin o hindi na lang.
Hindi na ako nag paligoy-ligoy pa. I opened it.
It's a pink laptop na may mga golden color sa edge ng laptop super nipis nito. Paano ba pinagkakasya ang mga makina at baterya niyon.
Inagaw ni Axel iyon sa akin at pinakita ang kakayahan ng laptop.
Napanganga ako ng, he just twist it. 'Yong LCD napunta sa likuran at binaba iyon. And now it looks like a tablet.
Napahanga ako, kaya napapalakpak ako.
" This is the most expensive unit, the ACH-A9x model. It has the highest specification among the rest and a week of battery life. At hindi pa ito na re release sa market so you were the very first person to have it, " anito. Saka ibinigay sa akin.
"And this is really for me?" Manghang mangha talaga ako, pwede kayang umiyak?
I saw him nooded. "And that cost one and nine zeroes."
Laglag ang panga ko sa presyo na binanggit nito. Envious no more.
I am so very lucky to have this, I am so very lucky to become his wife.
Napatigil ako sa naisip ko. What? Wait. Napakagat labi na lang ako saka naiiling.
Hindi ko mapigilan ang pag ngiti na animo mapupunit na ang labi ko. I can't help it.
Kung nandito lang si Angeline, iinggitin ko iyon.
Isinara ko ang laptop.
"I am so very thankful Axel, you know what I am really fond of ACH brand," Sabi ko.
"I know, I saw your laptop."
Napangiti ako saka tinitigan ang nakasarang laptop. May napansin akong naka engrave na pangalan sa dulo ng laptop.
"Erica Hill"
Nalaglag ang panga ko ng makita ko ang pangalan ko, kinilig ako syempre. Kumikinang ang pangalan ko dahil sa gold na ginamit roon.
Napatingin ako kay Axel na nag lilikot ang mga mata. I think he knew that I already found it.
Napangisi ako, umaasa ang puso ko na importante rin pala ako sa kanya.
"What's with the name?" overwhelming kung tanong. Hangga't maaari ayaw ko sanang magpahalata if how happy I am pero wala, hindi ko kayang pigilan. I'm not a good actress for hiding my happiness.
"It's really made for you." Mabilis niyang sabi.
Nakaramdam ako ng pang-iinit ng mukha lalo na ng titigan niya ako. Kaya nag-iwas na ako ng tingin. Nakakahiya.
Binalingan ko ang cellphone na naka box pa. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang napakagandang Android phone Kakulay iyon ng laptop pink din, ang likuran niyon ay may parang ugat na kulay gold.
At nakalagay ang malaking initial na letter E. Flip ang Phone na iyon, screen flip.
Napatitig ako sa kanya.
Kumibit balikat siya.
Grabe ang saya!
I can't believe it, sobrang saya ko. I am over pa sa overwhelming, anong tawag sa over pa sa overwhelming. Napayakap ako sa kanya. Mukhang napalakas yata ang amba ko sa kanya kasi napahiga siya and now I am on top of him.
"Thank you," sabi ko saka wala sa sarili kong hinalikan siya.
Sa labi!