KABANATA 12: HIMALA

2511 Words
Erica POV. "Wow ate Erica, ang galing, parang ang sarap niyan, ah." Manghang turan ni sarah, matapos kung ilabas mula sa oven ang kakaluto lang na crinkles biscuits. "Halika tikman mo kung masarap ba talaga," sabi ko saka nilapag sa marble table sa kitchen counter ang llanera. Nagluto ako, this is a special day dahil pinatawag ko ang anak ng mga magsasaka. Gusto ko silang maka bonding. Isang beses pa lang kaming nagkikita kita kaya gusto ko sila makita ulit . Hindi naman ako pwedeng mupunta sa kanila kaya sila na lang ang papupuntahin ko dito. Hindi naman siguro iyon ikagagalit ni Axel. "Hmm, sarap nito pang expert," bulalas ni Sarah matapos matikman ang biskwit. " Saan mo po natutunan ito?" "Hmm, nag aral ako ng two years course na culinary Sarah. " Ngiti kong sagot sa kanya. "The best 'to," aniya saka kumuha pa ng isa. Napatawa na lang ako sa inasal ni Sarah. "Tulungan mo akong e prepare ang mga ito mamaya sa lamesa sa hardin huh? Kasi pupunta ang mga bata dito mamaya." Bigay alam ko sa kanya. "Talaga, Ate? Anong gagawin nila dito?" Narinig kong tumunog ang alarm ng oven hudyat na tapos na ang timer. Nagluto pa kasi ako ng chocolate cake at custard cake. "May ibibigay ako sa kanila at magsu swimming kami," sabi ko habang abala sa paglalapag ng mga llanera matapos kong kunin ang mula sa oven. Napamangha na naman si Sarah nang makita ang custard cake. "Favorite ko ito, Ate," anito sa masiglang boses. "Talaga?" "Opo," sabi nito sabay tango. "Tikman natin, kumuha ka ng slicer." Agad naman itong tumalima, pagkabigay niya ay ini slice ko na ito ng parisukat at nag salin sa platito na inihanda ni Sarah. "Jessie, come here try this one," sabi ko sa Bodyguard, na titig na titig sa custard cake. "Ang sarap," bulalas ni Sarah. Nakita kung titig na titig si Jessie kay sarah, saka tumungo. Napangiti ako, matagal ko na napapansin si Jessie, may pagtingin kay Sarah. The way he look at Sarah, there is something in his eyes. And I know Sarah feels the same way. "Sarah ibigay mo kay Jessie ito," utos ko saka iniabot ang maliit na plato na may lamang dalawang size. Nakita ko ang pagka bigla sa mukha ni sarah at namula iyon. "Ah, eh, A-ate," parang nag aalangan siyang tanggapin ang iniabot ko na platito. Panay ang tingin niya sa akin saka sa platito na hawak ko. Natataranta siya. Confirmed nga. Nagdadalawang isip ito kung tatanggapin ang iniabot ko. Pero kalaunan ay tinanggap naman niya at mabilis na ibinigay kay Jessie, iniabot niya iyon habang nakayuko. Natatawa ako sa dalawang 'to 20 yrs old pa lang itong si Sarah samantalang si Jessie ay 23 pa lang. Bagay silang dalawa. Maganda si Sarah, maliit ang mukha mapungay ang bilugang mata. At saka maputi ito. Magkasing laki lang rin kami. Kung papasuotin ito ng magagarang damit ay magmumukha itong heridera. *** Dumating na ang mga bata. Pinatawag ko sila kanina silang lahat. May ibibigay ako, mga gamit sa pag-aaral. Binawasan ko ang allowance ko. Hindi na ako nanghihinayang mga mumurahin lang naman rin ang pinabili ko.Saka hindi ko naman magagamit ang pera kasi nakakulong lang ako. Nagpabili ako kahapon kay Manang Belen ng mga gamit sa school kasi magpapasukan na at pati swimsuit nila, kasi magswi swimming kami. Nagpunta na kami sa hardin, pinasali ko na sa kumpulan si Sarah para mag enjoy din. "Wow ang gaganda po nito," anang Cheska na halatang nahumaling sa packbag na binigay ko. May mga laman iyong note book, crayon, ballpen, lapis at iba pang gamit sa pag-aaral ng mga ito. Bawat bag ay may laman, tig iisa sila pati ang 5 years old na si Ryan ay meron din. "Maraming salamat po sa mga ito, Ate Erica," anang Mika. "Ang bait n'yo po." Nakangiting saad naman ni Lyka habang abala sa pag bubuklat ng mga story book na binili ko. Sa mga kabataang nando'n ay si Peter lang ang wala roon. Abala sa pag-e-enroll dahil magpe first year college na kasi iyon. "Ano bang gusto n'yo paglaki n'yo? Anong pangarap nyo?" tanong ko sa mga bata. Abala na sila sa pag kagat ng biscuit at pagsimsim ng orange juice. "Gusto ko maging police," anang Carlo. Saka sinubuan si Ryan ng chocolate cake. "Ako naman nurse," si Lyka naman ang sunod na sumagot. "Ako gusto ko maging doctor kagaya ni doctor Vicky Belo," si Cheska naman na panay subo ng custard cake. Bumaling ako kay Mika. "How about you mika?" Nginitian niya ako. "Gusto kong maging kagaya mo Ate Erica." Nakangiting saad nito. Nangunot ang noo ko sa narinig ko. "I want to be a famous writer, just like you po," dagdag pa nito. Tinitigan ko siya ng may pagkamangha at pagtataka. "How did you know?" walang kakurap kurap kong sabi. Nakita ko siyang yumuko, parang nahihiya. "Sorry po, pero nakita ko po ang sinulat mo po na na published sa isang online reading platform. No'ng isang araw na pumunta ako dito kasi tinawag ako ng hardinero na si mang Ben, nakita ko po kayo sa veranda ng mansion sa ibaba kaharap sa garden, umalis ka po at naiwan ang laptop sa mesa. Kaya nisilip ko po at nalaman ko na new chapter iyon ng story na inaabangan ko sa application na iyon, ang Mr. Hill's hell." Mahabang salaysay nito. Nanlaki ang mga mata ko at natutup ko ang nag O ko na bibig "Really?" Mangha kong sabi. Nag angat siya ng mukha. "Sorry po Señorita kung nakialam ako." Muli siyang yumuko. Ginulo ko ang buhok niya. "No, it's okay. Wala namang masama do'n," sabi ko para mapanataag siya. Ngumiti naman ito na may relief. "Idol ko po si Sweet princess at nalaman ko po na ikaw po pala iyon. Hindi po ako makapaniwala sa nalaman ko. Pasensya na po kung nakialam ako," sabi niya na may saya sa labi. Naging pin name ko nga ang sweet princess. "I'm glad na may fan pala ako rito. Gusto mo maging writer?" tanong ko. Tumango siya. "Meron na nga po akong ongoing story pero sa notebook lang po ako nagsusulat. At saka mahirap po mag type sa cellphone ko kasi maliit lang, hindi ko rin alam kung saad ipa-publish. Mahirap rin po ang internet connection ko kasi data lang po ang gamit ko," anito. "Dapat laptop ang ginagamit mo. At saka malakas na internet connection, dapat may wifi ka at i publish mo sa isang writting platform, para pagkakutaan mo." I said with a smile. Saka hinaplos ko ang ulo niya. Napakamot siya. "Wala po akong gano'n eh, at saka mahal po ang laptop, 'di po namin afford 'yon." Ngumigiti ako. "Don't worry, bibigyan kita maghahanap ako ng lumang laptop," sabi ko pa kahit hindi ko naman talaga alam kung saan ako kukuha ng lumang laptop. Nang marinig niya ako ay nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha niya at pag guhit ng matamis na ngiti sa labi. "Talaga po?" Manghang tanong nito. Tumango ako "Nakakahiya naman po," anito na pakamot kamot sa ulo. Mapapanot ang batang to kakakalmot sa ulo niya. "Ano ka ba, maliit na bagay lang iyon at saka pagkakataon mo na rin ito. At hindi lang iyon, ako magiging editor mo, I will check your works at ipapasa natin iyon sa Publishing house kung saan pina publish ang mga libro ko. At tutulungan kita sa writing apps, I promise." Mas lalo pang lumawak ang mga ngiti nito. At nakita ko ang pamamasa ng mga mata niya. Saka mabilis akong niyakap. "Oh, is this tears of joy?" Tumango siya. "Maraming salamat po, ang saya ko po sobra. Ang bait nyo po bagay na bagay kayo ni kuya Axel pareho kayong mabait," anito saka kumalas sa pag kakayakap. Napatigil ako sa winika niya. How can she say mabait iyon, para nga iyong demonyo na umahon mula sa impyerno eh. Baka mabait lang ito sa mga bata. "Talaga mabait siya?" tanong ko sa kanila. Sabay sabay na tamango ang mga bata, napangiti ako saka napailing. Habang masaya kaming nag kukwentohan ng mga bata ay may napansin akong paparating na kotse. Si Axel iyon. Tanaw ko mula sa ilang mentrong layo ang paghinto ng sasakyan nito. At ibinaba ang tinted na bintana ng itim na kotse nito. Sumalubong sa akin ang malamig na titig nito. Kaya napa iwas ako ng tingin, hindi ko matagalan ang mga titig niya. Simula ng araw na nahuli ako nitong tumatakas ay parang tinakasan na ako ng aking tapang. Iwan ko ba, parang takot na akong magkamali. Hindi ko alam pero nandito 'yong isipin kong ayaw ko na magalit siya sa akin. Ipinilig ko ang ulo ko sa isiping iyon at itinoon na lang ang attention ko sa mga bata. Nag yaya pa akong mag swimming kami. Ipinamili ko talaga sila ng swim suit dahil plano ko talagang mag swimming. "Aba, I smell something fishy," biro ko kina Sarah at Jessie ng maabutan ko silang ngiting ngiti sa isa't isa. Pero panay sukyapan lang ang nangyayari. *** Umahon ako sa tubig dahil dapit hapon na rin at malamig na. Pinatigil ko na rin ang mga bata kahit gustong gusto pa nila, dahil baka magkasakit pa sila. Ako pa masisi. Maya maya pa ay nagpaalam na sila at nagpasalamat dahil sinundo na sila ng magulang nila. Naiwan akong mag isa sa gilid ng swimming pool habang bitbit ang isang tasa ng kape, naka bathing suit pa rin ako na pina ibabawan ng puting cover up. Nakahiga ako sa Chaise lounges (pool long chair). Panay ang buntong hininga ko habang nakatitig sa nag o-orange na kalangitan. I was thinking kung paano sasabihin kay Axel o paano siya tanungin kung meron ba siyang old laptop na functional pa. Baka kasi kainin niya ako ng buhay pag humarap ako sa kanya. Makalipas ang ilang minuto sa pag iisip ay tumayo na ako kasi nagdidilim na rin. Wala si jessie roon. Pinapunta ko muna siya sa kusina dahil gusto kung mag isa nangako naman ako na hindi ako tatakas. Minsan pang nag dadalawang isip ito. Per 'di kalaunay pumayag naman. Para rin mag usap usap sila ni Sarah. I know 'di man nila aminin ay may pagtingin sila sa isat- isa. And I envy them. Hay naku self, h Just injoy your hell life. You have nothing to do about it. Magkaiba kayo ng kapalaran. *** I'm in my room now, I mean our room. Tinungo ko ang pintuan kung saan ang banyo at inilock iyon. Baka kasi pumasok na naman ang asawa ko, naku . Mabilis akong naligo, pagkatapos ay nagbihis na ng pantulog. Lumabas ako sa balcony. "Huy unicorn!" Muntik ng humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko ng may mabungaran akong tao na nakaupo sa rattan chair, habang may binabasa. Inilipat niya ang tingin sa akin. Nakakunot ang noo nito at tumaas ang isang kilay. " P-Pa.. s-sorry kung naistorbo kita," sabi ko. Dahan dahan akung tumalikod pigil ang hininga kong humakbang papalayo sa balcony. "Stop!" Hahakbang na sana ako ng sabihin niya iyon kaya naman literal napa stop ako kaya naibitin ko ang isa kong paa sa eri. "You can be here if you want," anito. Hindi pa rin ako gumalaw. s**t! Ano na ba ang nangyayari sa akin, bakit ba ako natataranta kapag nagsasalita na siya? Bakit ba kasi lage siyang galit magsalita tapos dagdagan pa ng malamig nitong boses. "What are you doing?" Nababakas ang eritasyon sa tanong nito. Nakabitin pa rin kasi ang paa ko sa eri. Kaya ibinaba ko na iyon. Saka humarap sa kanya nakakunot pa rin ang noo nito at walang mababakas na ekspresyon ang mga mata. "Ah, hindi na bababa na lang ako..." "Seat here," putol niya sa iba ko pa sanang sasabihin. At itinuro niya ang pang isahang rattan chair na nasa harap niya. Baka ito na ang pag kakataon para masabi ko sa kanya ang tungkol sa lumang laptop baka meron siya para maibigay ko kay Mika. Naibigay ko na kasi dati ang mga luma kung laptop kaya wala na akong luma isa na lang 'yong ginagamit ko. Meron sanang isa kay mommy 'yon kaso nasa bahay, eh ban ako doon. Lumapit ako kay Axel pero hindi ako umupo. Kaya naman ay nag angat siya ng mukha at nag iisang linya ang kilay sa pagtataka. "A-axel may sasabihin sana ako," hindi na ako nag paligoy ligoy pa. "Kung tungkol ito sa bodyguard mo. 'Wag mo ng ituloy, I won't change my mind," anito saka ibinalik na ang tuon sa mga papeles na binabasa nito. "No, it's not about it..." "Pwede ba sabihin mo ng diretso ang gusto mong sabihin hindi 'yong pabitin ka.." iritang sabi nito. Eh, kasi naman hindi pa nga ako tapos magsalita pinuputol mo na 'yong susunod kung sasabihin. May tililing talaga sa utak ang lalaking ito. "Baka kasi may lumang laptop ka, plano ko sanang bigyan ng laptop si Mika kasi kailangan Niya. Hindi naman kasi ako pwede pumunta sa bahay dahil ban ako. Atsaka wala rin akong pambili. Naisip ko na baka meron kang hindi mo na ginagamit pero maayos pa." Mahaba at mabilis kung sabi para hindi na niya putulin pa. "Hm, let's see. Gumising ka ng maaga bukas, hahanapin natin sa library," sagot niya na hindi man lang ako nagawang tingnan. Pero carry na iyon. Napangiti ako. "Thank you," sabi ko. May tatlong katok kaming narinig. Kaya nilisan ko na ang balcony saka tinungo ang pinto. Si ate Magda ang napagbuksan ko ng pinto. "Maam, handa na po hapag kainan," anito. "Ah axel, handa na daw ang hapunan," sabi ko sa kanya mula sa kinatatayuan ko. I saw him stand at tinungo na ang direction ko. Siya pa ang unang lumabas. Bumalik muna ako sa balcony para isara ang pinto. Napatigil ako ng may naisip. Kaya nag punta ako sa siding ng balcony at dumungaw sa ibaba. Oh s**t! Nasapo ko ang noo ko ng matanaw ko ang swimming pool sa ibaba.Oo nga pala nasa likuran ng mansion ang pool sa gilid ng bahagi ng mansion. What if he watch me while swimming. Nag iinit ang mukha ko sa isiping iyon. Nakita ko sa mesita ang naka tambak na papel . Hindi nman siguro siya nag abalang tingnan pa ako. Sa dami ng ginagawa niya, napailing na lang ako sa ka praningan ko. Pero paano nga kung ganon. Ginulo ko ang buhok dahil sa mga naiisip ko. Nilisan ko na ang balcony at bumaba na ako, saka tumuloy sa dining area. "What took you so long?" eritang sabi ni Axel. "I'm sorry naghintay ka pala," sabinko ng maka upo na ako. For the first time in the history, since the day na umapak ako sa mansion, ngayon ko lang nakasabay kumain ang asawa ko. Minsan kasi late na umuwi minsan hindi uuwi, so this is a miracle. Magbubunyi na ba ako? Naramdaman ko ang mga titig niya habang nagsasalin ako ng pagkain sa plato. Hindi na ako nag-abalang tignan pa siya kasi parang gusto ko siya targetin ng tinidor. Pero 'wag na kasi may kailangan ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD