Erica POV
Lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa maging isang buwan na mahigit ang paninirahan ko, kasama ang swapang kong asawa.
The day after he saw my everything, gash, na kapag naiisip ko nag iinit ang mukha ko. Pilit ko siyang iniiwasan dahil sa nahihiya ako at minsan kasi lalo na kapag nagkakasalubong kami ay nadadako ang paningin niya sa dibdib ko. Kaya hangga't pwede ay iiwas ako.
Minsan pag-uwi niya galing opisina ay tulog na ako, sinasadya ko talagang tulog na ako kapag dumating siya.
Sa araw naman kapag wala siya at nagtatrabaho ay nag-iikot ikot lang ako sa paligid ng mansion dahil wala akong magawa. Hindi rin ako makapag concentrate sa pagsusulat dahil nadidistract ako o mas tamang sabihin na mental block ako.
Malapit na akong ma-bored sa kakaikot ko sa buong villa which is araw-araw ko ngang ginagawa as my pastime. Halos lahat ng mga trabahante sa farm doon ay kilala ko na, dahil halos araw-araw naman kaming nag kikita.
Gusto kong mag-shopping, magpa spa, at mag relax. Kaso wala akong pera, kapag hindi ako makatiis baka gamitin ko 'yong 100k na naiwan sa akin. Ang saklap naman ng kapalaran ko para pa akong tinatakwil ng magulang ko.
Tumawag pa si daddy minsan na ipapaactivate niya lang daw mga cards ko lalo na ang black card ko kapag buntis na ako, like what the hell, ano 'yon? E'di forever akong pulubi nito.
"Aling Lucing," tawag ko kay Aling Lucing na asawa ni Mang Danny.
Kasalukuyan itong nag-aalis ng mga batang damo sa paligid ng pinya na hindi pa namumunga.
Lumingon ito sa akin.
"Naku maam Erica! Bakit ka nandito baka matusok ka ng mga tinik sa pinya!" Tarantang sabi niya, tumayo ito.
Ang totoo niyan kanina pa ako natutusok ng mga tinik dahil nasasagi ko paminsan minsan ang mga dahon nito. Nakapajama naman ako at saka naka buta, pero minsan talaga ay may mga tinik ng dahon na matutulis at natutusok ang pajama, nasasagi pa rin ang balat ko, pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Nasa gitna kami ng taniman ng mga sandaling ito.
"Naku okay lang ako Aling Lucing, ipagpatuloy n'yo lang po ang ginagawa n'yo." Natatawa kong sabi. Para ko silang nanay at tatay dito, mga overprotective sila. Kesyo daw mapagalitan sila ni Axel, as if naman may paki iyon sa akin.
"Talaga ba?" Parang nahimasmasan naman ang pag aalala nito ng itanong ito.
Tumango ako bilang sagot.
"Ahh, Aling Lucing, pwede po ba ako pumasyal sa bahay po ninyo?" sabi ko saka nilapag ko ang maliit na bangketo sa may space na lupa saka umupo.
"Naku maam, malayo rito ang mga bahay namin. Magkakapit bahay lang kaming lahat, pero pag-aari pa rin naman ni señorito iyon," anito habang abala sa pagbubunot ng damo.
"Okay lang ho may sasakyan naman, eh, kaya ayos gusto kung pumasyal sa inyo," interesadong sabi ko na may ngiti sa labi.
"Eh maam, maraming lamok do'n at saka nakakahiya po ang bahay namin." Napakamot pa ito ng sabihin iyon.
"Naku naman Aling Lucing, hindi naman ako maarte eh. Kaya, ok lang po iyon." Pangungumbinsi ko rito, sana nga makumbinsi ko ito.
"Ehh.." she said while scratching her head.
"Sige na po, please," pangungulit ko pa sa kanya. Pinaglapat ko pa ang dalawa kong palad sa harap ng dibdib ko na animo nagdadasal at saka nag puppy eyes. I am hoping effective ito, kasi effective ito kina mommy and daddy.
"Eh," napangiti ito ng animo nahihiya. "Basta ikaw ang bahala kay señorito mag paliwanag ma'am Erica, huh."
Pagkarinig ko sa sinabi niya ay sunod sunod akong napatango at para akong bata na pumapalakpak.
"No problem po," masaya kong tugon.
Ngumiti ito ng tingnan ako.
Nakibunot na rin ako ng damo, naka tatlong bunot na ako ng biglang sumigaw si Aling Lucing.
"Maam!" Napasinghap ako sa sigaw niya, napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
"B-bakit po?" Nanlalaki ang mga mata ko ng itanong iyon.
"Ano ba kayo! Masisira iyang kamay n'yo!" Tinaggal nito ang isang kamay ko na akmang bubunutin ang damo.
Napakurap kurap ako.
"Ikaw naman Aling Lucing, ginulat mo ako. Gusto ko lang naman ma-experience kaya hayaan n'yo na po ako, sobrang boring na po ng buhay ko," sabi ko ng makabawi ako sa gulat. I pouted.
"Mapapagalitan na talaga ako ni señorito niyan maam, eh." Parang naiinis na siya sa akin.
Napatigil ako, lage nila sinasabi na mapapagalitan ako ni Axel, kahit na ang totoo wala naman iyong pakialam kahit magtatambling ako at mabalian eh.
"Wala naman 'yong pakialam sa akin," wala sa sariling sambit ko.
"Pwede ba naman 'yon, asawa ka niya," aniya.
Hindi na ako lumingon nakatitig lang ako sa unahan ng pinyahan, hindi na rin ako sumagot.
Para namang naintindihan ako ni Aling Lucing kaya hindi na rin siya umimik. Kung alam lang nila ang totoo.
Lumingon ako kay Aling Lucing ng may naisip ako.
"Aling Lucing mamili ka ibabagok ko ang ulo ko dahil sa inip na nararamdaman ko o hahayaan mo na ako magbunot ng damo?" Seryoso kong saad.
"Hay naku kang bata ka, sige na nga. Malambot lang rin naman to bunutin." Napapailing na sabi niya.
Napangiti ako, ang saya para akong bata na pinayagan maglaro.
"Kaya nga po," sagot ko. At nagsimula ng magbunot ng damo.
Masaya pala magdamo, tapos may kasama ka nagkukwentuhan ng kung ano-ano, simulat sapul 'di pa ako nakabunot ng damo, mom and dad never allow me to do it.
Nang sumapit ang alas 5 ng hapon ay nagsiuwian na ang mga tauhan ng farm, kaya sumama na rin ako.
Sumakay ako sa 4 wheeler electric utility cart farm vehicle. May apat na tauhan na nakasakay sa likod ng cart ng farm vehicle sina Aling Lucing, mang Lupe tatay ni Peter nando'n rin ang nanay nito na si Aling Caring at si Peter na rin.
Ako naman ay katabi ng driver na si Mang Danny.
Pagdating namin sa kanila ay nag-aagaw na ang liwanag at dilim, nakita ko na may mga iilang bahay ang naroroon, mga kubo ang mga iyon. Malinis naman ang paligid, may nag gagandahan ring mga tanim na bulaklak at gulay.
May dalawang batang babae at lalaki na nasa 8 hanggang 10 taong gulang ang tumatakbo papunta kay Aling Caring at nag-uunahan sa pag mano, pati na rin kay Manong Lupe.
Saka may lumapit rin kina Aling Lucing at mang Danny na dalawang dalagitang babae at nagmano sa kanila.
Dumating rin ang mga naka convoy sa amin na mag asawang Sole at kuya Isko.
Matanda sa akin ng limang taon si kuya Isko, si Sole naman ay matanda ako sa kanya ng isang taon.
May lumapit sa amin na isang matandang babae na nasa 70 taong gulang na karga karga ang isang lalaki na nasa limang taong gulang nagmano iyon kina Sole, marahil anak nila iyon.
Nagmano rin sila sa matanda.
"Ah 'Nay si ma'am Erica nga po pala, ang asawa ni señorito Axel." Pakilala sa akin ni Kuya isko.
Lumapit ako at nag mano.
"Magandang hapon po 'nay." Bati ko sa matanda na titig na titig sa akin.
"Kaawaan ka ng dios, anak. Ki gandang bata naman eri," puri nito sa akin at gumuhit ang ngiti sa mga labi. Naglabasan rin ang mga wrinkles nito sa kilid ng mga mata.
Napangiti naman ako sa turan niya.
"Anak ko po pala ma'am Erica si Ryan 5 years old na po siya," anang Sole .
"Hai cute boy," sabi ko sabay kiniliti sa gilid nito kaya natawa ang bata. Ang cute.
Nagtawanan na rin ang iba, kabilang ako.
"Siya naman ang Nanay ko si Nanay Esmeralda." Pakilala ni kuya Isko sa matanda.
"'Nay sino po siya? Ang ganda niya po, para siyang barbie saka ang puti," narinig kung tanong ng batang babae kay aling Caring. Manghang mangha ito habang nakatitig sa akin mula ulo hanggang paa.
Babae ito tantya ko nasa pito o walong taong gulang ito. Sungki ang mga ngipin nito, nakikita ko dahil panay ang ngiti nito sa akin.
"Siya si maam Erica bagong amo natin," sagot ni Aling caring.
"Hai po Señorita, " yumuko ito. " Ako po si Lyka 8 years old anak po ako ni Nanay Caring at Tatay Lupe, kuya ko po si Kuya Peter." Masiglang pakilala nito. "Siya naman po si Kuya Carlo ko." Tukoy niya sa katabi nito.
Nag bow rin ang Batang si Carlo.
Nakakatuwa naman ang mga batang ito mga magagalang.
"Ako naman po si Mika at siya si Cheska ang kapatid ko kami po ang anak ni Nanay Lucing at Tatay Danny." Pakilala naman ng dalawang dalagita na nasa tabi rin ni Lyka.
"Hai sa inyong lahat, ako si Erica, tawagin n'yo akong Ate Erica huh." Pakilala ko sa kanila at ginulo ang mga buhok nila isa isa.
"Ang ganda n'yo po at saka ang bait pa,"
anang cheska na may ngiti sa labi lumabas pa ang dalawang magkabilang biloy nito. Medyo chubby ito na may maputing balay. Unlike kay Lyka, slim ang katawan at morena ang balat, na minana niya kay Mang Lupe.
"Mabait talaga 'yan si ate Erica," anang Peter na hindi ko namalayang nakalapit na pala.
"Ang ganda mo rin cheska," puri ko sa kanya. Lumapad pa lalo ang ngiti nito.
"Ah sandali may dala pala ako para sa inyo. Peter pakitulungan akong ibaba ang mga pagkain," baling ko rito ng maaalala ko ang mga dala ko.
May dala akong pagkain, bumalik ako kanina sa mansion para maghakot ng mga pagkain para sa kanila, kaka grocery lang ni Inday kanina, isa sa mga katulong na anak ni Manang Belen. Atsaka nagbihis na rin ako.
Tumulong na rin ang iba pang mga bata sa paglabas ng mga grocery. Mag bubudle fight kami ngayong gabi, dito na rin ako matutulog.
"Oh, may bisita pala tayo," anang lalaki na kakarating lang may dala itong gallon na may laman.
Nasa Singkwenta anyos na ito.
Kasalukuyan na kaming nasa bakuran nila may malaking mesa roon. Naghahanda kami ng mga sangkap para sa mga lulutuin.
"Naku anak asawa 'yan ni Señorito Axel. " Si Nanay Esme ang sumagot.
Agad namang ngumiti sa akin ang lalaki.
"Magandang hapon po Señorita. Ako po si Perry, panganay po ni Nanay Esme," bati at pakilala nito.
"Magandang hapon rin po," ganting bati ko rin rito.
Bumaling ang paningin ko sa gallon na bitbit nito kulay puti ang laman niyon.
"Ano ho iyan?" tukoy ko sa bitbit nito.
"Ah ito?" inilapag niya iyon sa mesa.
"Tuba iyan," sagot nito.
"Tuba? Anong tuba?" tanong ko. Hindi ko kasi alam kung ano 'yong tuba.
"Coconut wine po iyan Ate Erica," si Mila ang sumagot, may dala itong isang tupperware ng isda, nakabalik na pala ito galing sa paghuhugas ng isda.
"OMG! Talaga? Sabi nila masarap daw 'yan." Exciting kong sabi.
"Opo masarap to, lalo na kakakuha ko lang nito matamis pa ito," anang Kuya Perry.
"Talaga?" Mangha kong sabi.
Tumango naman ito.
"Maraming benepits 'yan." Pagmamalaki pa ni Nanay Esme.
"Pwede patikim," sabi ko pa. Parang gusto ko tikman talaga.
"Oh, ba." Kumuha ng malinis na baso si Kuya Perry at sinalinan niya ako.
Tinanggap ko ang baso na may lamang kasing puti ng malabnaw na gatas.
Inamoy ko muna, "hmmmm ang bango." Bulalas ko. Walang ano-ano'y tinunga ko ang laman ng baso at inisang lagot iyon. Maliit naman kasi ang baso.
"Ahhhh, ang sarap isa pa." Iminuwestra ko kamay ko na may hawak na baso sa harap ni Kuya Perry. Sinalinan niya ulit ako.
Nakakatatlong baso na ako. Kasi ang sarap naman talaga, ang tamis niya para siyang sprite, hindi ko ma explain basta matamis siya.
"Naku Señorita nakakalasing 'yan," anang kuya Perry.
"Gano'n ba, pero ang sarap niya, isa pa nga ulit." I said with a smile. "Please," saka nagpuppy eyes.
Natawa pa ang mga taong naroon.
Sa sobrang sarap ng tuba hindi ko magawang tigilan.
Sumapit na ang gabi and I feel dizzy na rin dahil malapit ko nang maubos ang isang gallon ng tuba. Tipsy na rin akong magsalita, madalas pa akong sinisinok. But I still begging for more na hindi naman nila nagawang tanggihan.
Luto na rin ang mga pagkain at nakalapag na nga sa mesa. May tuba rin na kulay orange na sabi nila may timpla na raw iyon at saka kahapon pa raw iyon kaya medyo hindi na siya matamis. Mabilis din daw iyong nakakalasing .
Tinikman ko naman, medyo may kakaiba na ngang lasa. Pero mabango siya kasi nilagyan raw nila ng Gatas at saka itlog at kung ano-ano pa.
May minsanan pang tagay habang kumakain kami. Grabe ang sarap nilang ka kwentuhan, parang nawala ako sa realidad. Tawanan dito tawanan doon, happy lang, nakakatawa silang magkuwento.
"Tagay," sabi ko pa at tinaas ang isang baso na may lamang tuba.
Ubos na 'yong bagong tuba kaya nakainom na ako sa kanilang tuba.
"Naku si señorita lasing na. Patay tayo kay señorito nito," anang Manong Danny.
Ang mga bata tulog na rin pati si 'Nay Esme kasi mag aalas 8 na rin ng gabi.
Nakalipat na kami ng pwesto may bonfire sa gitna pinalilibutan namin ang bonfire.
Kasama ko pa rin ang tatlong mag-asawa at itong si Kuya Perry na hanggang ngayon napag alaman kong single pa rin pala. Naging tampulan namin siya ng tukso. Tumugtog pa ito ng gitara saka kumanta. Nakakatuwa talaga silang kasama.
Kukuha sana ako ng pulutan sa mangkok pero wala na pala kaya naisipan kong tumayo para kumuha sana ng pulutan. Pero bumalik ako sa pagkakaupo dahil umiikot ang paningin ko. Hindi ako nagpahalata, nahihilo na ako epekto 'ata iyon ng alak. Mahina pa naman tolerance ko sa mga alak, ramdam ko na rin ang pag-iinit ng sikmura ko.
"Si maam Erica, namumula na," natatawang sabi ni Sole.
"Oo nga lasing na 'to eh," anang mang Danny.
Tumawa ako." Naku mang Danny, hindi pa ako lashing no." Pinilit kong ayusin ang pananalita ko pero parang namimilipit ang dila ko.
Parang nag iiba na rin ang tuno ng pananalita ko ano ba 'to.
At saka dala dalawa na rin ang paningin ko sa kanila.
Tinamik ko ang magkabila kong pisngi dahil umiinit na rin ito.
Mukhang matindi na nga ang sipa ng alak sa akin.
"Tagay pa rin!" sigaw ko pa.
Nagtatawanan na lang sila.
Tatayo na talaga ako kukuha ako ng ibang pulutan. Gusto ko ng chichirya.
Tumayo ako saka napatigil dahil umiikot ang paningin. Pumikit pa ako ng saglit at muling dumilat
"Woah!" Tanging sambit ko ng animo slow motion akong nawalan ng balanse, napapikit na lang ako saka hinintay ang pagbagsak ko sa lupa. Pero embis na sa lupa ang bagsak ko ay sa isang malaki ar matigas na braso ako bumagsak.
"Hai," bati ko ng makita ko ang mukha ng lalaking sumalo sa akin. Medyo malabo ang paningin dahil sa hilo pero kilala ko ang may ari ng mukhang 'to.
"Hindi ako lashing, kanina ka pa?" Nagawa ko pang itanong sa kanya saka ngumiti ng plastic dahil nakikita at nararamdaman ko ang galit nito. Nakita kong bumuka ang bibig niya pero bago pa ito tuluyang magsalita ay nawala ako sa karimlan.