Erica POV**
NAGLALAKAD ako dito sa may likuran ng mansion. Nakikita ko ang mga nagtataasang puno ng mangga. Hitik na sa bongga ang mga iyon at ilang linggo na lang ay marahil aanihin na ang mga iyon.
Maaga akong nagising, dahil namamahay ako. Paggising ko mas maaga pa nagising si Axel dahil wala na ito sa hinigaan niya.
"Hai po Señorita Erica," bati sa akin ng ilang mga tauhan sa farm.
"Hello po,"ganting bati ko rin sa kanila.
Kada may madadaanan akong mga trabahante ay bumabati sa akin, they are all hospitable.
"Hello po," bati ko sa isang 'di katandaang lalaki mga tasa early 40s na ito. Nakaupo ito habang abala sa pagtupi ng mga diaryong papel na hinati hati na.
"Kayo po pala señorita, ako po pala si Lito." Pakilala nito ng makatayo saka yumuko.
"Nice meeting you po. Para saan po 'yang papel?" tanong ko sa ka umupo sa harap nito. May mesa sa ilalim ng manggahan at may pang apatang upuan.
"Ah ito? Pambabalot ito ng mangga Señorita," sagot naman nito at tinoy na ang ginagawa.
"Ilang linggo ba aabutin ng pagha harvest po nitong mangga?" tanong ko, habang nakatitig lang sa papel na pinagpatuloy na tupiin at pagdikitin ni manong lito.
"Dalawang linggo po maam, pinakamatagal po tatlong linggo hanggang isang buwan," anito habang abala pa rin sa ginagawa.
"Talaga po? Eh, ang lawak nito ahh. At saka parang walang hangganan ang mga pananim na mangga." Manghang sabi ko. Tantiya ko nasa 20 mahigit katao lang ang mga naroroon matatapos nila 'yon ng gano'n ka aga?
"Kumukuha lang po kami ng mga tao. Nasa 300-500 ka tao po ang nagha harvest ng mangga Señorita, kasi hindi kaya pag kami lang nasa 10,000-15 000 po ang puno ng mangga na nahaharvest tuwing season. Sa totoo nga niyan po nasa 30,000 ang punong mangga na nakatirik sa lupaing ito, pero mga bata pa nagsisimula pa lang ang iba." Mahabang paliwanag nito
Nagpatango tango na lang ako sa information na binigay nito, dahil sa hanga. No wonder mas lalong yumayaman si Axel dahil hindi lang city business ang ginagawa nito kun'di may manggahan at pinyahan rin, malaki ang kita ng manggahan, napag alaman ko rin na ang manggahang ito ang nag susuply sa ibang bansa. Pati pinyahan sila rin.
Nagpaalam na ako kay Mang lito, para hindi ko siya ma estorbo at pag iikot ikot pa ako.
If we're talking money, hindi nga nagkamali sila mommy ng mapili bilang mapapangasawa ko, wala kaming ganito.
Ang business ng magulang ko ay schools, hospitals, malls, factories all over the globe, kaya hindi ako maka relate sa manggahan.
May sasakyan rin doon na pang farm. Ginagamit iyon ng mga trabahante sa pag e spray ng manggahan at pag survey.
Napalingon ako sa pinanggalingan ko. Malawak naman ang dinaanan ko, in between sa manggahan at pinyahang mga nasa 50 meters ang distansya ng mangga at pinya. I saw the mansion, ang layo na pala ng nilakad ko. Muli binalik ko ang attention sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kwadra ng mga kabayo. Meron rin palang ganito si Axel?
Namangha ako I like riding horses, riding horses sometimes is my pastime. Pumunta ako sa harapan ng kwadra. I saw a young guy na pinapakain ang mga kabayo. Nang marahil ay maramdaman ang presenya ko ay napalingon ito sa direksyon ko.
"Kayo po pala señorita," nakangiting turan ng binata na pakamot kamot pa sa ulo.
Kahapon pa lang ako dumating pero kilala na ako ng lahat. Perhaps the helpers were gossiping that I had arrived yesterday.
"Hi, ikaw ba ang nag aalaga sa kanila?" I'm referring to the horses.
"Minsan lang po 'pag busy ang, Itay, tinutulungan ko po siya lalo na pag walang pasok," paliwanag nito.
Bata pa ito mga nasa 16 years old pa ito, matangkad ito at may kaguwapohan din, he is the definition of tall dark and handsome.
"Gano'n ba," turan ko.
Tumango ito saka pinunasan ng malinis na bimpo ang kamay niya at inilahad sa akin.
"Ako nga po pala si Peter," pakilala nito.
Inabot ko naman ang palad ko rito at nag shake hand kami.
"Can I borrow a horse?" sabi ko ng bumitaw na ako.
"Opo naman po." Nakangiting turan nito.
"Great. Which one is better or kind?" Masigla kong sabi habang iniisa isa ko silang tignan. I stop when I see a white horse with a shiny silky hair. Wow ang ganda.
"Ang ganda naman nito, ang puti at saka ang buhok, ang shiny, alagang alaga ah." Mangha kong sabi.
"Kay señorito Axel po iyan maam, alagang alaga niya po iyan mahal na mahal niya 'yan," sabi nito habang nakasunod lang sa kanya.
"Talaga? " Mas namangha ako lalo. Parang nag niningning ang mga mata ko sa kagandahan ng kabayo. Hinaplos ko pa ang buhok nito. Kumakain ito.
"May I try this one?" Baling ko sa binatang na nasa likuran ko.
"Naku Señorita, ipagpaumanhin niyo po, pero strikto po si Señorito pagdating sa kabayo niya, kahit kapatid niya hindi makahawak o makasakay diyan," sabi nito.
Napasimangot naman ako sa narinig ko.
Ang oa?
"Wala naman siya eh, saka secret lang naman natin to." Pangungumbinsi ko sa kanya.
Napakamot ito ng ulo, saka ngumiti ng alangin.
"'Yon nga lang po, ayaw magpa hawak ni Cardo," nahihiyang saad nito.
"Oh, he is Cardo?" I smile when I remember someone who has the name Cardo.
Cardo Dalisay? Oo, siya nga kilala ko 'yon minsang nabanggit sa akin ni Angeline iyon pinanood rin namin Mahilig kasi sa movie ang pinsan kong iyon.
Nakita ko ang pag tango ng binatilyo.
Kaya pumili na lang ako ng mabait na ayon rin kay Peter. Kulay brown iyon at saka babae.
Nangabayo na kami, sinamahan ako ni Peter sa pangangabayo. Pagkatapos niyang magbigay ng pagkain sa lahat ng kabayo. Nasa 20 na kabayo ang nakakulong roon. May iba rin Na nakatali sa labas.
Pinasoot ako ni Peter ng boots at saka kulay brown na sobrero na gaya ng makikita mo sa pelikula. Sa mama daw iyon ni Axel, nangangabayo raw kasi iyon minsan at iniiwan ang gamit sa pangangabayo roon.
Grabe ang saya inikot namin ang buong lupain at narating din namin ang hangganan ng manggahan. Nakita ko rin na malawak pa rin ang lupang hindi pa na tataniman, hindi pa kami nangangahalahati ay tanghali na.
" ENCHANTED FOREST "
Basa ko sa isang nakapaskil sa ibabaw ng nagsisilbing pintuan niyon. Pabalik na kasi kami pero ngayon ko lang ito nakita. Hindi ko nakita kanina, napapaligiran iyon ng namumulaklak na bulaklak at may barbed wire fence na nakapaligid sa kakahuyan.
"Do not enter"
Nakasulat rin iyon sa kahoy na parang pinanipis na kahoy, nasa gilid iyon ng ginawang lagusan ng gubat. Parang Sa pelikula na enchanted garden ang itsura ng lagusan.
"Sabi ng inay, pinagbabawal raw ho ang pagpunta riyan kasi ang sinumang papasok sa loob ng gubat na iyan hindi na makakabalik kasi hindi na matutunton ang daan pabalik." Mayamayay sabi nito nang makita akong napatigil sa harap.
May ganun?
"Really?" bulalas ko
Pinagmasdan ko ang loob ng gubat, medyo nakakatakot nga ang gubat na iyon, madilim ang loob halatang walang taong napasyal sa kakahuyan na iyon. May minsanan ding hampas ng malamig na hangin mula sa loob ng kakahuyan. Pinanayuan ako ng balahibo hindi lang dahil sa malamig kun'di talagang creepy siya.
"Paano naman nasabi ng inay mo iyan?" tanong ko.
"Minsan na pong naligaw riyan si Don Alex ang ama po ni señorito axel no'ng bata pa raw ito. Tatlong araw po siyang hinanap sa gubat, may mga rescuer nga po na hindi nakabalik. 'Yong iba po naka labas ng gubat pero sa ibang lugar na po napunta. Ayon sa kwento ng ina kahit anong tanda mo sa gubat na 'yan eh paglingon mo raw parang nasa ibang lugar ka na raw po kasi 'di mo na makikita ang dinaanan mo. Naligaw rin po si señorito Axel d'yan. Dahil daw na curious ito. Buti na lang ay na kuha sya kaagad ng araw ding iyon. Gumamit ng chopper ang mga rescuers at may gadget rin na dala ang señorito kaya mabilis siyang natuntun. Mula noon hindi na pinayagan ang sinuman na pumasok sa kakahuyang iyan." Mahaba nitong kwento.
"Paano na rescue si Daddy Alex?" takang tanong ko.
"Ayon po sa kwento ng Inay ay Bigla na lang raw nasa gitna ng manggahan si don Alex at walang malay puro galos na rin daw ang kanyang katawan. Gagawin nga sanang taniman ang gubat na iyan pero naniniwala po si Donya Margarita ang lola ni señorito Axel na may mga nakatira diyan na hindi na dapat pang gambalain. At saka kawawa raw po ang mga hayop na nariyan," mahabang pahayag nito.
"Nakakatakot naman pala ang gubat na iyan." Totoo nakaramdam ako ng takot. Minsan pang tinayuan ako muli ng mga balahibo ng maramdaman ko na may nakatitig sa amin mula sa loob ng gubat na iyon.
Kaya naman nag yaya na akong, umalis na roon.
Bumalik na kami sa kuwadra para ipahinga ang kabayo. Pero pagdating namin doon ay ang nagngangalit na mukha ni Axel ang sumalubong sa amin na animo mananakmal ng wala sa oras.
"Why are you riding my horse?" galit nitong tanong na pinukulan ako ng masakit na titig.
"Pasensya na po, Señorito." Hinging paumanhin ni Peter.
"Ibalik mo na sa lagayan ang kabayo Peter, ako na ang bahala rito," sabi ko pa. Parang natakot ito kay Axel ng makita ang galit na gesture nito.
Agad namang tumalima si Peter.
"Ay, madamot lang? I'm your wife anyway, so what yours is mine too. Pasalamat ka di ko ginalaw 'yang kabayo mo eh. Plano ko pa namang bugbugin 'yan," pang-iinis ko pa lalo sa kanya.
'Yong white horse niya ang ibig kong sabihin.
"What?!" Nanlalaki ang mga mata niya
Napahalakhak na lang ako.
"Ah, Peter salamat nga pala sa pag sabay sa akin huh next time ulit." Baling ko rito.
Ngumiti lang ang binatilyo.
Naglakad na ako pabalik ng mansion.
Nakasunod lang sa akin si Axel.
Kaya tumigil ako.
"Kaya ka ba naparito dahil sinusundo mo ako?" sabi ko nang makalingon sa kanya
"N-no, I was just checking my horse at nagkataon lang na pagdating n'yo papauwi na rin ako." Paliwanag nito na umamo ang mukha.
"I don't care." Pairap kong sabi saka naglakad na. Malayo pa ang lalakarin gutom na ako.
"Naglakad ka lang ba papunta dito?" Tumigil ulit ako para tanongin siya napatigil naman siya.
"Hindi nag sasakyan ako kaso hindi pa bumabalik si Manong Danny, sabi niya kasi dadaanan niya ako pag balik niya nag survey pa sila sa dulo ng manggahan,"paliwanag nito.
Napabuntonghininga na lang ako, saka umirap ulit.
"Alam mo kakairap mo sa akin baka mahulog 'yang mata mo." Seryuso niyang saad.
I rolled my eyes again.
" I don't care…ahhhh." Napasigaw ako ng mashoot ang isa kong paa sa maliit na butas na kasya lang sa paa ko, na hindi ko namalayan. Nakita ko naman iyon kanina no'ng papunta pa ako. Ngayon ba't hindi ko na namalayan.
"Karma is real," anito.
Napaawang ang bibig ko ng marinig iyon mula sa kanya.
Binigyan ko siya nang masakit na titig. Hindi ko pa nahuhugot ang paa ko sa butas kasi parang nag crack ang tuhod ko. s**t!
Napabuntonghining ako bago hinugot ang paa ko.
"Ouch," I mouthed. Napinsala yata ang ankle ko.
Nakita ko si Axel na dumaan sa harapan ko at nag pawistle wistle pa.
Ungentlemen hindi man lang ako tinulungan. Nang mahugot ko na ang paa mula sa butas ay pinilit kung tumayo at humakbang. Nagpaika-ika akong lumakad. Napuruhan talaga ang ankle ko kasi parang ito ang sumalo sa lahat ng bigat ko nang bumagsak ang paa ko sa butas.
Ayaw ko namang manghingi ng tulong sa mongg*l na iyon no. Napapakagat labi ako sa tuwing humahakbang ako dahil sa matinding kirot.
Hanggang sa may dumaan na farm vehicle pinara ko iyon at sumakay na rin ako.
Huminto ang sasakyan sa kilid ni axel.
"Ops, Manong 'wag mong pasakayin 'yan." Pagmamaldita ko.
"Eh maam, kasya pa naman kaayo d'yan sa likod eh," sabi pa nito habang nakatingin sa gawi ko.
"No!" Pagmamatigas ko.
"Paano po si Señorito?" May pag-aalalang tugon nito saka lumipat ang tingin kay Axe na noo'y nakaharap sa amin.
"Sige na Mang Danny at baka kagatin ka niyan," aniya.
Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil sa sinabi niya. Nakita ko pang napangiti si mang Danny.
"Balikan mo na lang ako." Pahabol pa nito.
Binato ko siya ng maliit na mangga na nasa upuan, nahulog siguro 'yon mula sa puno sapol sa ulo buti nga. Dinilaan ko na rin siya. Kita ko naman ang pikon sa mukha niya.
Deserve!
"Lovers quarrel, Señorita?" anang Mang Danny ng patakbuhin na ang sasakyan.
"Quarrel lang hindi lovers." Nakanguso kung saad. Nanunukso rin 'tong matandang 'to eh.
Inihinto na ni Mang danny ang sasakyan sa harap ng pintuan sa likod ng mansion. Agad naman akong bumaba, magpapahanda ako ng lunch. Nagugutom na ako.
"Ate Meleng, may luto na ba para sa tanghalian?" tanong ko sa katulong ng maabutan ko sa kusina.
Kilala ko na silang lahat, nagpakilala sila sa akin kaninang umaga ng mag almusal ako.
"Nasa dirty kitchen pa po si Nanay Belen tinatapos pa po niya ang bulalo." Nakangiting turan nito.
Parang natakam ako, nang marinig ko ang bulalo.
"Sige tawagin n'yo ako pag tapos na. Mag shoshower lang ako," sabi ko saka tumuloy na ako.
Agad kong ini-on ang hot water and cold water sa gripo ng bathtub at nilagyan ko ng liquid soap. Gusto kong magbabad sandali sa bathtub. Parang nanglalagkit ako. Kanina pa akong umaga, naglalakwatsa.
Dalawang klase ng liquid soap ang nilagay ko ang isa scented ang isa naman ay pampabubbles. I like bubble bath kasi kaysa milk bath.
Nang matansya ko na ang maligamgam na tubig at napuno na ang bath tab ay nag handa na ako ng bathrobe at towel.
Lumusong na ako sa bathtub. Feeling good. Napapikit ako habang dinadama ang maligamgam ba tubig sa nakalublub kung katawan. Iminulat ko ang mata ko saka nilaro ang mga bubbles. Kaya gustong gusto ko ang bubble bath dahil masarap paglaruan ang mga iyon.
****
Axel POV
Nakarating na ako sa mansion. Matapos akong iwan ng walang hiya kong asawa na maldita pa. Para tuloy akong pinarusahan ng langit. Gano'n pala ugali niya, well ba't pa ba ako nagtataka. Ever since gan'yan na naman talaga ugali niya.
Naalala ko pa kaninang umaga.
maaga akong nagising kanina dahil sa hilik ng babaeng iyon ki babaeng tao ang lakas humilik. Nakita ko pa siyang mahimbing na natutulog. She has this face na napaka amo kapag natutulog. She looks like an angel sent from heaven. Unlike kung gising siya parang demonyitang anghel na bumagsak sa lupa. Na lage na lang naka irap, laging naka busangot.
I remember our school days, na lage ko siya tinutukso, she's different from before. Dati umiiyak lang siya kapag napipikon, which is nae-enjoy ako. Pero ngayon woah,lumalaban.
Nang makarating ako sa kwarto humiga ako saglit. Maya maya ay bumangon amk naisipan kong mag shower. Iniunat ko pa ang mga braso ko saka tumayo. At tinungo ang banyo. Pumasok ako sa loob at tumungo sa shower. Nakatapis lang ako ng tuwalya.
"Ah!" Napasinghap ako ng may biglang sumigaw sa likuran ko elo-lock ko kasi sana ang pinto kaya nakatalikod ako sa may shower.
Paglingon ko I saw a sexy naked body. Na may mga bubbles pa. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat na may tao pala roon at sapagkamangha at the same time.
I saw her all, her white skin from head to toe. Her sexy curvy body that no man can resist, no man can stop indulging.
Nakita ko pa ang pamumula ng mukha niya na parang gusto ng maiyak, it's give me more attraction.
Mabilis niyang inilagay ang braso niya sa malulusog niyang dibdib at ang isa niyang palad ay sa p********e niya.
"Turn around!" sigaw niya, bakas ang pagkainis at galit sa boses biya.
Kaya napatalikod na lang rin ako, dahil baka makita niya rin ang nangangalit kong p*********i. Wala na akong brief tanging tuwalya lang ang pinagtataguan ni junior, kaya halatang halata na tumayo na ito. Well, sino bang lalaking hindi tatayuan when someone like Erica has a perfectly perfect naked body in front of you.
"Pervert!" Narinig ko pang sigaw niya.
I just smirk.
"It's not my fault. Hindi mo ni lock ang pinto," I said with a hoarse voice. I can't help it.
"Hello? Puwede ka namang kumatok eh. Your aware that you and me sleeping together and sharing the same room, so hindi lang ikaw ang tao sa kwartong 'to!" Galit paring sabi niya.
Yeah I am aware. But I'm not aware na naliligo pala siya dito, napa-smirk ako. Naririndi ako sa kakasigaw niya na nag e-echo sa loob ng banyo. Kaya nilingon ko siya.
At nag panic na naman siya. She don't know she put her hand in order to cover her naked body.
"Ah! g-get out!" sigaw ulit niya.
Pulang pula na ang mga pisngi niya na mas lalong nagpaakit sa akin.
"Will you please, stop shouting kung ayaw mong lapain kita," I teased her, looking at her eyes.
Nakita ko ang pamimilog ng mga mata niya dahil sa sinabi ko.
Inabot niya ang towel at ginawang pantakip. At pinagbabato ako ng sabon at bottle ng shampoo.
Napahalakhak ako habang papalabas ng banyo.
"Pervert, bastos, manyak!" Sigaw niya habang patuloy ang pambabato ng kung ano-ano. Until I am completely out.
Oh s**t!
Lalo lang akong nakaramdam ng kakaiba. I'm with desire. f**k that lady! Nag iinit ang katawan ko, parang gusto kong manlapa talaga.
Maya maya ay lumabas na ng banyo ang asawa ko.
Nakasuot na ito ng wardrobe, pulang pula pa rin ang mukha nito at nakabusangot pa.
Nag-iwas ako ng tingin dahil natutukso ako sa namumula niyang mukha. Muli ko.pa siyang tiningnan dahil nakita ko ang dalawang pares ng mga paa niya na huminto sa harap ko di kalayuan. Nang magtaas ako ng mukha ay inirapan niya ako saka nagpatuloy sa paglalakad papuntang walk in closet. I really love her reaction kapag pikon.
"You know Mrs. Hill, pwede naman sana sabay na tayong maligo eh, it will save my time." Panunukso ko sa kanya.
Napahinto siya sa sinabi ko. At mabilis na pinulot ang tsinelas na soot soot niya saka binato sa akin, sapol nanaman ako sa ulo.
Kanina pa 'to nambabato itong babaeng to ah.
Paglingon ko sa kanya ay nawala na siya. nakasarado na rin ang walk in closet. Napapailing na napapangiti na lang ako. Then I decided to stand up to take a shower. Para maibsan ang pag-iinit ng katawan ko. I decided to take a cold bath instead of a warm bath, cold will help.