Chapter 7

1829 Words
Chapter 07 Hurt Zaki's POV Muli kong naaalala yung sinabi ni tita Lucy, tama sya sikat nga yung nanay ko, mayaman…napakarangya ng pamumuhay, samantalang ako sa mahigit twenty years naging patapon at naging walang saysay ang buhay ko dahil sa ginawa nya. Pero kung titignan mo mukha nya para bang wala na syang nagawang kasalanan. Ang saya nya. Ginulo gulo ko ang aking buhok dahil sa nararamdamang pagkamuhi. Parang ayoko tanggapin na yung babae na yun ang nanay ko! Madami akong gustong itanong sakanya, at marami din akong gustong isumbat. Ni hindi ko nga naranasan ang aruga ng isang ina…samantalang yung kapatid ko yung kapwa nya sikat, ano? Nagpapakasaya sila, samantalang ako nag sa-suffer at binubuhay ang sarili sa Japan! Habang nandito ako sa sakayan ng bus nakita ko na naman yung billboard nya, this time kasama nya na yung kapatid ko Tapos ang di ko pa inaasahan, yung tinulungan ko nun sa Japan, yung babaeng nanakawan ay dun din pala nakatira? Anong relasyon nya sa nanay ko? Francine's POV Hanggang ngayon, windang parin ako magsimula ng makita ko si Zaki, super nagtataka talaga ako kung bakit sya pumunta dito? At pano nya nalaman ang address dito? Napakaweird. Hindi kaya bumalik sya dito para sundin ako? Dahil may gusto sya sakin? Baka talagang pinahanap nya yung adress ko, pero ang galing..Hindi talaga ako makapaniwala, takang-taka ako, tapos idagdag mupa yung sinabi nya kaninang paalis sya na may kasalanan daw sakanya ang nakatira dito? Sinong ibig nyang sabihin dun si Steve? O si tita Stella? Muli kong inalala yung mga araw nung nasa Japan ako at nagpapalaboy laboy, yung araw na naholdap ako. At para akong tangang ewan nun na palaboy laboy sa kalsada, hanggang sa makita ko sya, nung nalaman ko ngang Pilipino sya sobrang napakasaya ko dahil pakiramdam ko nun, ligtas ako. Lumabas ulit ako, at nagpalinga linga. Hindi ko alam kung bakit gusto ko syang makausap ulit. Tumakbo ako at nagbabaka sakaling mahanap ko pa sya. Pero napagod lang ako. Wala na sya.. Gusto ko pa syang makausap, madami akong gustong itanong, kung ano ba talagang pakay nya. Frank Mendoza's POV (Francine's Father) Sobrang hindi talaga ako mapakali sa tuwing lumalabas kami ni Stella, hindi ko maiwasang alalahanin yung nangyari dati, at ang nakakawindang pa dun, muli kong nakita yung anak nya! At sana lang ay hindi nagkakamali ako na yung nakabanggaan kong lalaki kahapon ay di yun ang anak nya, pero malaki ang chance na sya nga yon…nakita ko kasi yung palatandaang kwintas na ang pendant ay singsing kitang-kita ko na suot nya ‘yon. Pinasuot ko kasi yun nung pinaampon ko sya kay Lucy, kwintas yun ni Stella. Nakahandang ipasuot naman talaga ni Stella yon e. Pinasuot ko para yun ang maging palatandaan kung makita ko sya. Para ma-tecognize sya kaagad. Nakaramdam ako ng kaba na baka magkita sila, at mahungkat ang katotohanan, wala kasing alam si Stella na buhay ang panganay na anak nya eh, all this time ang akala nya patay na yung panganay nya. Pero hindi buhay sya, pinaampon ko sya sa kadahilanang yun ang utos ng mga magulang nya. Walang alam si Stella. Wala. Dahil nung pinaampon ko ang anak nya ay wala pa syang malay. Pero nung gumising sya, ang sinabi namin ng mga magulang nya sakanya ay namatay ang bata. Yun ang inutos ng mga magulang nya dahil kasi ayaw nilang ipaalam sa mga tao na disgrasyada sya, bata pa sya nun at kasulukuyan ang kasikatan nya, ganun ang ginawa ng magulang nya, itinago nila si Stella hanggang sya ay manganak, at ako ay napag utusan na ipaampon yung bata. I'm worrying. Feeling ko kasalanan ko ang lahat, ayoko ng maungkat at malaman pa yun ni Stella dahil paniguradong magagalit sya sakin, hindi lang sya pati yung panganay nya ay siguradong magagalit sa akin. Kinabukasan. . . Francine's POV "Dapat kasi di na tayo nagpunta dito eh Steve, mataong lugar to, public place baka makilala ka," wika ko kay Steve habang nandito kami ngayon sa mall, nakadisguise sya ngayon dahil nga baka may makilala sakanya at pag nangyari yun, patay talaga. "Pabayaan muna Francine, tagal na nating kasing di nakakapagbonding dalawa diba?" "Eh parehas lang naman tayo ng tinitirhan eh, araw araw nagkikita pa tayo!" bulalas ko. "Pabayaan muna!" bigla naman akong kinabahan nung maaninag ko si Madie. Oh my god. Nandito din pala sya. Pakiramdam ko na naman ay guho na naman ulit ang mundo ko. Anak talaga ng tinola dahil nagka-balikan ulit sila. Sinasabi ko na nga ba hindi kayang makatiis ni Steve… Labis-labis nadin ang pagka-irita ko kay Madie dahil hindi ko na alam kung ano ba talaga ang tunay nyang nararamdaman kay Steve..hihiwalayan tapos biglang babalikan? Napaka-player nya talaga… Nung magtama ang mga tingin namin ay ngumiti sya ng malapad.naka disguise din sya ngayon. "Oh Madie bakit ka pala nandito?" bungad ko sakanya, ngitian nya lang ako at sinabing; "Oo, tinext kasi ako ni Steve eh!" Binaling ko naman ngayon ang tingin ko kay Steve. "Akala ko bang lakad natin to Steve?" ngumuso naman bigla si Madie. "Pabayaan muna, ayaw mo nun, makakapagbonding tayong tatlo!" sabi nya, magba bonding tatlo? Eh kayong dalawa lang nyan naman ang magbo bonding.paniguradong ma O-OP lang ako. Naghalukipkip ako habang sila ay masayang nag uusap ngayon, bigla naman akong napatigil nung biglang may grupo ng kababaihan na nakatingin sa kinaroroonan namin, mukhang nakikilala na nila si Steve at Madie! Eto na nga ba ang sinasabi ko. "Mukhang may nakakakilala na sa inyo, alis na tayo dito!" sabi ko. Para bang nataranta sila bigla. "Nasan?" sabi ni Steve, napalingon sya dun sa mga grupo ng mga kababaihan, at ang nakakaloka! Nagsitilian sila nung tinignan sila ni Steve, patay na talaga, mukhang kilala na nila sya, despite sa ginawa nyang pagdi disguise. "Oh my god! Papalapit na sila," sabi ni Madie, hindi na namin sila napigilan, at lumapit nga sila, hanggang sa dumami ng dumami ang lumapit sa kinaroroonan namin, andami ng naki usisa, napa face palm ako, sinasabi ko na nga ba ganto ang mangyayari. Tinignan ako ni Steve, habang kinukuyog sya ng mga tao. "Anong gagawin natin Francine!" sabi nya habang panay ang pa picture sakanya ng mga tao. Mabilis kong hinawakan ang siko ni Steve. “Ano pa nga ba edi tumakbo.” Mukhang ayaw man ni Madie ngunit wala syang nagawa kaya nagpatianod nalang sya. Tumakbo kami ng mabilis para makatakas sa mga tao. At mabuti naman ay natakasan namin sila. Kaya we all felt relieve. Sa huli napagdedisyonan ko nalang na umuwi. Hinayaan ko nalang silang mag-date dalawa. At isa pa hindi ko na maatim na sumama sakanila. Ayoko ng makita pa ang sweetness nilang dalawa. Nang makarating naman ako sa bahay, halos mapalundag naman ako sa nakita ko. Nakita ko kasi si Zaki na ngayon ay nakapamulsa at nakasandal sa bakod ng bahay. Napalunok ako, nandito na naman sya! Agad agad ko syang linapitan. "Ikaw na naman!" sabi ko, tinignan nya ko gamit ang bored na facial expression pero nanatili syang hindi nagsasalita. "Bumalik ka? Ano ba talagang kailangan mo ha? Kilala muba yung may ari ng bahay na to? May kailangan kaba sakanila?" sabi ko ulit, pero nanatili syang pokerface, hindi parin sya nagsasalita. bored nya lang akong tinitignan. "O baka naman may gusto ka sakin? Talagang inalam mo p kung san ako nakatira huh? Pero sorry I can't give my heart to you," narinig kong nagmura sya ng malulutong pagkatapos kong sabihin yun tsaka sya bumulong. "Tangina assuming" mahinang sambit nya. "Eh bakit ka nga ba kasi nandito?" sabi ko tsaka ako nagpamewang. Ngumiwi lamang sya…. weird talaga tong lalaking to. Ano ba talagang pakay nya dito? "Hm. Zaki right? Nung palang sa Japan, salamat ulit sa pagtulong mo sakin non,Masaya ako dahil nagkita tayong muli, tara pasok tayo sa loob!" sabi ko tsaka ko sya hinigit ang kamay nya tsaka ko sya pinasok sa loob. Nagpatianod naman sya, pero pansin kong nagpalingon-lingon sya sa paligid. "Ah eto pala yung bahay ng may ari! Tas dun naman yung sa min! Dun sa likod!” sabi ko sabay turo dun sa tinitirhan namin, nagulat naman ako ng bigla syang kumalas sa pagkakahigit ko sakanya. Humiwalay sya sakin tsaka sya pumasok sa loob ng bahay nila tita Stella! Oh my gosh! "Hoy! Di jan ang bahay namin! Wag kang pumasok jan!" sigaw ko tsaka ko sya hinabol. "Hindi ito ang bahay namin!" sabi ko tsaka ko sya hinigit muli pero nagpumiglas sya, at mabilis nyang natanggal yung nakahawak kong kamay sa kanya, at dumiretso syang pumasok sa loob. “Sabi kong di ito ang bahay namin!" hindi ko sya napigilan. Ba't ba sya nagpupumilit pumasok dito? Napakulit! Pumasok ako, nakita kong diretso nyang tinititigan ngayon yung mga litrato sa loob ng bahay nila tita Stella. Kumunot ang noo ko, ba't ganun nalang sya kung makatingin sa mga litrato? Tinignan ko sya, di talaga maalis ang tingin nya sa mga litrato nila tita, at Steve. Napansin kong nagtutubig din ang kanyang mga mata, naiiyak sya! Pero bakit? "Anong nangyayari sayo!" kunot noo kong tanong pero parang kinausap ko lang ang hangin hindi nya man lang ako pinansin. Bigla nalang syang napaupo sa sofa habang umiiyak. naguguluhan na talaga ako sa kinikilos nya, di ko mawari kung bakit sya nagkakaganito at ano talagang pakay nya kung bakit sya nandito? Para namang akong maiihi sa kaba nung makita kong lumabas sila tita Stella, mula sa kwarto nya.Oh my gosh! Kaagad kong tinakpan si Zaki, napalunok ako sa kaba nung makita nya, Oh please Zaki wag kang gumalaw, o kahit magcreate man lang ng konting ingay, bwisit kasi… bat ba kasi sya pumasok dito, ayan tuloy namomroblema ako. "Oh Francine! Nandito ka pala!" bungad ni tita Stella, ngumiti nalang ako tsaka napakamot, hindi ko alam ang sasabihin ko. "Ah. . . Ehhh???" mas lalo akong kinabahan nung tumingin sya sa bandang likuran ko, mukhang napansin nya na may taong nakaupo sa likod. What do I do? At di ko na nagawang itago si Zaki, nakita nya ito. "Who's that man Francine? May kasama ka pala" Patay na! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, nagulat ako nung biglang tumayo si Zaki at bigla nyang hinarapan si tita ng malungkot na ekspresyon ng mukha habang umiiyak padin. Nanlaki ang mga mata ni tita pagkakita nya kay Zaki, si Zaki naman parang may gustong sabihin na ewan, kalaunan napalitan ng takang mukha ang expresyon ni tita, nagtataka din siguro sya kung anong iniiyak iyak ng Zaki na to. Biglang nag walk out si Zaki at lumabas na ng bahay nila. Mabilis ko syang hinabol. "Huy! Bat ka umiiyak? At pwede sabihin mo din kung anong tunay mung pakay? Kilala mo ba si tita ah?" sabi ko habang sinusundan ko sya, pero di sya sumasagot. Para kasing may something kung makatitig sya kay tita kanina, si tita mukhang di naman sya kilala. "Bitawan mo ‘ko!" galit nyang untag tsaka sya kumalas. Wala nakong nagawa, pinabayaan ko nalang sya at pinanood ko ang paglalakad nya palayo. ----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD