Chapter 06
Revelation
Francine's POV
Halos yata mapalundag ako dito sa hinihigaan ko nung biglang namulabog si mama.
"Gumising na kayo!" sigaw nya, ginugulo-gulo ko ang buhok ko ng dahil sa inis, di ko sya pinakinggan, di parin ako tumayo.
"FRANCINE! KIRBY! GISING NA SABI EH!" sigaw nya ulit at naramdaman kong bumukas yung pintuan ng kwarto.
"Sabing gising na eh! Mataas na ang araw!" lumapit sya sa aming dalawa ni Kirby tsaka nya kami pinagpapalo. Kailangan ko na talagang tumayo.
"Ma naman eh!" antok at walang kagana ganang sabi ni Kirby at muling nagkumot at natulog ulit. Ako naman, antok man tumayo nako, ay hindi pala umupo muna ko sa kama, habang papikit pikit padin.
Naaninag ko si mama na ngayon ay nakapamewang sa harap ko.
"Namamaga yang mga mata mo Francine, Ano ba talagang nangyari sayo huh?" dun lang gumising ang diwa ko nang sinabi yan ni mama, agad kong tinakpan yung mukha ko. Namumugto pala ang mukha ko dahil sa puyat.
“Magluto ka muna ng almusal natin, mag go-grocery lang ako," utos ni mama kaya tumango nalang ako, tsaka tumayo na. Si mama naman lumabas na ng kwarto. napatingin ako sa tabi ko, wengyang Kirby to oh, tulog padin. Pero hayaan ko na nga!
Pumunta nako sa kusina para magluto ng breakfast naming magkapatid, iba yung breakfast namin syempre, nakahiwalay yung kanila Steve, si mama ang nagluluto ng seperado para sakanila. siguro din naihanda na yun kanina pa ni mama.
Habang busy akong naghihiwa dito, bigla namang sumulpot si Steve, nagulat at namilog ang mga mata ko sa ginawa nya, bigla nya nalang kasi akong ni hug back. Pakiramdam ko ay pumunta lahat ang dugo ko sa pisngi ko.
Wag mo ng gawin sa akin ang ganyan Steve, baka mag assume na nyan ako. Kahit na alam ko naman na ganito talaga sya. napakasweet kaya nga isa yon sa mga nagustuhan ko sakanya.
“Good Morning my friend..Anong lulutuin mo?” Tanong nya. Kumalas na sya sa pagkakaback-hug nya at tsaka nya na ko hinarapan.
“Omelet.” Tipid kong sinagot.
“Penge ako ah…” Sabi nya at muli ng umalis…At ako naman ay nagsimula ng maghiwa ng mga rekados habang patuloy parin sa paghaharumentado.
Nasabi na pala nya sa akin na tinanggap nya na ang break-up nila ni Madie na kinabunutan ko naman ng tinik sa dibdib. Sobrang saya ko dahil sa wakas ay natauhan nadin sya.
Subalit ewan ko lang kung kayanin nya nga yan at mapanindigan. Baka kasi sa isang iglap lang ay muli na naman syang bumigay at makipag-balikan ulit e…
Sunod na dumalo sa akin ay si tita Stella. Ayos na ayos na sya ngayon at halatang may dadaluan na namanf tv guesting.
“Nasaan pala ang papa mo Francine?” Tanong nya sa akin habang inaayos nya ang kanyang hikaw.
Tumugil ako sa paghiwa. “Nasa kwarto pa po nila. Gusto mo po ba tawagin ko na?” Sabi ko at nagbabadya ng umalis.
“No..Wag na…I’ll just call him.” Nakangiting sabi ni tita. At tsaka nya na ako iniwan.
Zaki's POV
Nahanap na ng nihired na investigator ni Sunny si tita Lucy, muli kaming nagkita ngayon. Para pag usapan nga’ yung tungkol sa mama ko.
"Kamusta kana Zaki?" sabi nya, hindi ako nakatingin sakanya at bored ko syang sinagot.
"Ayos lang," walang kagana gana kong sabi.
"Kung galit kaparin sa ginawa ko sayo noon, patawarin mo ako, di ko naman talaga gagawin yun eh, kaso hirap na talaga akong buhayin ka… kaya pina ampon kita dun sa mag asawang hapon," sabi nya, nag init lang ulo ko.
"Wala na yun, ang gusto kong malaman ngayon kung may alam kaba sa nanay ko," natahimik sya pagkasabi ko nun. Bumuntong hininga sya bago nagsalita, para bang humugot muna sya ng lakas ng loob.
"Bata kapa noon, kaya diko masabi sayo, pero siguro eto na ang tamang panahon para malaman mo kung sino talaga ang nanay mo, nasa wastong gulang kana din naman.” Napaka-daming satsat. Bakit hindi pa kasi sabihin.
"Si Stella Perez ang mama mo," sabi nya na syang nagpagulantang sa akin. Stella?
"Sinong Stella yun?" curious kong tanong.
"Si Stella, isang sikat na aktres dito sa Pilipinas.”
Hindi ko mawari ang emosyon kong nararamdaman ngayon, Yung Stella ba na nakita ko dun sa billboard yung tinutukoy nya sya ba?
"Tulungan mo akong mameet sya!" sabi ko. Napakagat lang ng labi si tita.
"Di nya ako kilala Steve, hindi naman kasi sya yung nagbigay sayo sa akin, yung kaibigan nya si Frank….sa awa ko sayo, tinanggap kita," naguguluhan padin ako. Di ko parin mapagtagpi tagpi. Sino namang Frank iyon?
"Sino naman iyon?"
"Matalik na kaibigan ata ng mama mo, kilala ko si Frank dahil magkaklase kami noong high school"
"Alam nyo ba yung dahilan kung bakit ako pinamigay ng mama ko?" nag shrug lang sya. Tsaka umiling.
"Hindi, kung gusto mong malaman, hanapin mo si Frank, sya ang may alam ng katotohanan Zaki," hinawakan ko ang kwintas ko.
"Etong kwintas na to, ano to tita?"
"Di ko rin alam, basta suot suot mo yan nang binigay ka sa akin ni Frank, sorry Zaki yun lang ang nalalaman ko, basta ako, inampon lang kita, nagmagandang loob lang ako, pero hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit ka pinamigay ng mama mo," nanlambot ako pagkatapos ng aking katiting na nalaman mula sa pagkatao ko. Ngayon alam ko na kung sino talaga ang nanay ko. Walangya….! Puno ng galit ang nararamdaman ko dahil sa ginawa nya naging patapon ang buhay ko, habang sya ano? Masayang namumuhay dito na akala mo walang nagawang kasalanan.
"May kapatid ba ko?" tanong ko.
"Meron…si Steven Perez, yung isang sikat din na actor, katulad ng mama mo," hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako pagkatapos ng mga nalaman ko. My life, sucks. Bakit ako pinaampon nya?
"Pero I think, anak nya na yon sa ibang lalaki, pero sa tingin ko Zaki kaya ka iniwan ng mama mo ay dahil sa sikat sya non, masisira ang career nya pag nalamang may anak syang iba, kaya matagal din syang nawala nun eh, dahil nga siguro sa pinagbuntis ka nya, yun ay sa tingin ko lang naman. ‘Yon ay teorya ko lang naman.”
Napayukom ako, ganun din yung tingin kong ginawa nya.Baka nga siguro pinamigay nya ako dati, para di masira ang kanyang career…napaka walang kwentang nanay, di nya na inisip ang anak nya. Basta para lang maging maayos ang career nya.
Naiiyak ako bigla dahil sa galit ko.
"Alam mo kung nasan sya nakatira?" tumango si tita at Lucy at sinabi nya sa akin yung location ng bahay ng walang kwenta kong nanay. Naglandi siguro sya non, kaya ako nabuo, ayaw nyang malaman ng mga tao na nabuntis sya kaya nya siguro ako ipinamigay. Probably yung Frank yung inutusan nya.
Noong nalaman ko na kung sino talaga ang totoo kong nanay napagdesisyonan kung hanapin kung saan sya nakatira, di naman ako nahirapan dahil sikat sya, kaya madaling isearch kung san man sya nakatira.
After ilang years, ngayon ko lang nalaman ang totoo! Hindi daw sinabi sa akin ni tita Lucy dati sakin dahil masyado pa akong bata. Ang hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako pinamigay ng totoo kong nanay. Dahil ba ayaw nyang masira ang kasikatan nya? Yun ang sa tingin ko eh.
Parang tuta ang ginawa nya sakin. Na ipinamigay lang? Oh so s**t. Tumigil ako dito malapit sa tapat ng bahay nya, malaki ito. Wala kang masabi.
Eksakto namang palabas sya kasama yung. Crap! Kasama nya yung lalakeng nakabundulan ko kahapon! Ito siguro yung Frank! Tss…umirap ako.. What a small world…kaya pala sya mukhang natataeng kinabahan na di mo maintindihan kahapon ng makita nya tong kwintas ko, narealize nya siguro dati na ako yung sanggol na pinaampon nya kay tita Lucy, magbabayad kayong lahat. Malaman mo man na nandito ako at buhay, hindi kita ituturing na nanay. Napakawalangya mo. Dahil sa ginawa mo, naghirap at nagkaleche leche ang buhay ko.
Napayukom ako, dahil nakakagalit pag nakikita kong masaya sya. Na akala mo walang nagawa in the past. Pumasok na sila sa kotse at umalis na, syempre nagtago ako ayokong makita nila ako, hindi muna siguro sa ngayon.
Francine's POV
Lumabas ako ng bahay upang puntahan sana si Steve doon sa may garden. Ngunit bigla ko nalang naramdaman ang pagkalabog ng gate ng bahay.
Tanga ba yun?? May door bell, ba't di sya mag door bell?
Tumapat ako sa gate, at hanggang ngayon kumakalabog parin ito.
Galit kong binuksan yung gate.
"Sino kaba? Ba't di mo gam-"
Laglag parehas ang mga mga panga namin habang namilog ang mga mata nung magtagpo ang mga mata namin nitong namumulabog.
Napahawak ako sa bibig ko nung makita ko sya.
"Ikaw yung sa Japan di ba! di ba!"
Sya yung Zaki, hindi ako nagkakamali! Pero wait…pano sya napunta dito?
Kalaunan, naging bored ang itsura nya tsaka nagpamulsa.
"Uy! Di muba ko nakikilala?" sabi ko, pero yung facial expression nya ay mukhang walang pakealam.
"Ako nga yun, teka. Jan ka nakatira??" tanong nya na mukhang nagtataka at naguguluhan. Ako din nagtataka. nagtataka kung bakit sya napunta dito! Omg. Di ko akalain na makikita ko sya ulit.
"Oo," simpleng sagot ko dun sa tanong nya.
"Sayo tong bahay?" mabilis akong umiling dun sa tanong nya tsaka sinabing;
"Hindi! Nakikitira lang kami. Doon kami sa may likod doon sa lugar ng mga maid’s room, di kami ang may ari," narinig ko nagmura sya ng malulutong. So weird. Umiling iling pa sya pagkatapos.
"Sino ba ang may ari ng bahay na yan?"
"Yung mag inang sikat na artista, si Stella Perez at Steve Perez," pagkasabi ko nun natahimik sya. Kanina pa sya tanong ng tanong pero ako di ko pa man alam kung ano ang sadya nya dito sa bahay nila Steve.
"Eh ba't jan kayo nakatira?"
"Kasi nga wala kaming bahay, tsaka ang mga magulang ko ay dito nagtatrabaho! Teka nga, ba't ka pala nandito?” tanong ko sakanya. Bumuntong hininga sya, at bigla nya nalang akong tinalikuran ni hindi nya man sinagot yung tanong ko.
"Hoy!” sigaw ko.
"May kasalanan sakin ang may ari ng bahay na yan!” sigaw nya habang naglalakad palayo, ako naman mas lalong naguluhan sakanya. May kasalanan daw ang may ari ng bahay na to, sino si tita Stella ba? ba't bigla nalang syang naging wirdo? Nababaliw na yata. pero small world ah!
Nagkita kami ulit.
Nakakapagtaka lang talaga, kung pano sya napunta dito. Ayaw nya naman kasing magsalita, at para ding galit sya, nagkibit balikat ako tsaka ko na sinara yung gate at muling pumasok.
------------