Chapter 05
He's Back
Francine's POV
Nagpapractice akong magdramang mag isa ngayon dito sa dressing room, ginagaya ko kung paano magdrama si Madie. Kasalukuyang pa emote emote ko, nang biglang kumalabog ng malakas ang pintuan.
"Ang galing mo!" bungad ni Camille, habang pumapalakpak. Co stylist ko tinakpan ko ang mukha ko, dahil sa hiyang nararamdaman.
"Narinig mo akong nagpapractice magdrama?" nahihiyang sabi ko.
"Oo! Ang galing mo Francine! May talent ka pala sa drama eh!" napahawak ako sa aking ulo tsaka ako ngumuso, nakakahiya, may nakarinig pala sa kin.
"Mag quit kana sa pagiging stylist mo! Mag artista ka nalang, I'm not joking magaling ka! Halika ipapakilala kita sa Manager!" sabi nya, namilog ang mga mata ko, seryoso ba sya! Bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
"Sira ka Camille! Wag ka nga!" sabi ko tsaka ako bumitaw sa pagkakahigit sakanya. Nagpamewang sya at sinabing; "Ikaw ang sira Francine! May talent ka sa ayaw mo naman iexpose, galing mo eh, di muba pinangarap na sumikat katulad ng kaibigang mung si Steve?" natahimik ako dun sa sinabi nya, at nagkunyaring inaayos ko ang mga damit wardrobe, wala akong self confidence, tsaka natatakot akong mareject. Nega na kung nega, pero ganun talaga ako.
"Hindi na Camille, feeling ko kulang pa ang talent ko para matanggap bilang artista," sabi ko, kumurap kurap sya, tsaka nya kinunot ang kanyang noo.
"Ai sus! Ang nega mo naman masyado, para sa akin kasi talaga magaling ka, nung narinig nga kita kanina you know napawow ako! Feeling ko nga mas magaling kapa kay Madie eh!" tinapik ko ang kamay nya pagkatapos nyang sabihin iyon, imposible naman yata yun.
“Sobra ka naman, magaling si Madie no!" sabi ko na may bahid ng pagtatanggol.
"Mas magaling ka kaya sa lalakerong yon sila paba ni Steve?" tanong nya, ayoko sa topic na Steve and Madie relationship, ang sakit parin kasi.
"Oo," mahinang sabi ko, pero ‘di ko lang sure?
Nanlaki bigla ang mga mata ni Camille na halatang hindi makapaniwala, sabagay ako din hindi makapaniwala na magtatagal sila ng ilang buwan… si Madie ba naman diba? Pero sure ako na maliban kay Steve may iba pa syang boyfriend, ganun sya. Kaya nga ayaw ko si Steve para sakanya, ewan ko ba kay Steve kung anong nakita nya kay Madie, bat sya patay na patay dito.
"Woah? Talaga? Himala yata yun ah! Himalang lumagpas sila ilang linggo," sabi ni Camille, Hindi nako nakasagot dahil biglang tumunog yung phone ko. Nagtext si Steve, speaking of him sya pa naman yung topic namin ngayon dito.
Francine pwede muba kong puntahan?
-end of text-
Wala ng reply reply, nagmamadali kong inayos ang mga gamit ko at nagpaalam na ko kay Camille.
"Camille, I have to go," sabi ko, tsaka nako nagmamadaling lumabas dun, ano na naman kayang nangyari? May nararamdaman na naman akong hindi magandang nangyari kay Steve eh. lagi namang ganito ang role ko sakanya eh, isang kaibigan na matatakbuhan kapag may kailangan sya.
Zaki's POV
Suminghap ako, saktong pagtapak ko ng airport ng Pilipinas, I have to start new here again, pero masakit padin ang mga naiwan kong ala ala dito, maski nadin pala sa Japan. Mas worst ang naging buhay ko dun, at iniwan pa ko ng babaeng tanging nagbibigay ng pag asa para sa akin.
Sinunod ko sya, sinunod ko ang gusto nyang mangyari na bumalik dito sa Pilipinas. Mukhang tama naman sya. mukhang wala ng dahilan pa para manatili ako doon.
Tinulungan ako ni Sunny, sya lahat ang gumastos kaya ako nakauwi ngayos sa Pinas, nakahanda nadin daw yung tutuluyan ko, binigyan nya din ako ng pera, at naghired na sya ng taong magpapahanap sa totoo kong nanay, hindi ko din alam kung gusto ko syang mameet, kahit kasi di ko pa sya nakikita, galit parin ako sakanya.
Hinanap ko yung address kung san yung bahay na tutuluyan ko na pinahanda ni Sunny, pinakita ko sa driver at buti nalang alam nya iyon, hindi ko kabisado ang Maynila. Matagal kasi akong nawala dito.
Nang makarating nako dun sa bahay agad agad akong pumasok, simple lang sya, maliit lang. Pero nung tinitigan ko sya si Sunny ang naaalala ko, nakaramdam na naman ako ng lungkot at muli kong naalala yung huling pag uusap namin. Napapikit muli ako, at nagbuntong hininga na lamang ako.
Lumabas muna ko para maglakad lakad, hindi ko alam kung san ako pupunta, habang naglalakad ako may nakita akong isang malaking billboard, artista syang babae na may katandaan na, kumurap kurap ako, at tinitigan syang maiigi, lumakas din ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kahit na first time ko palang sya makita pakiramdam ko ay kilalang kilala ko sya.
Stella the Divine Diva yung nakasulat eh. Stella ang pangalan nya? Nag iwas nalang ako ng tingin at muling naglakad lakad habang nakapumlsa. Suddenly bigla nalang akong may nabanggang isang may katandaan na lalaki na mukhang nagmamadali.
"Ah pasensya na hijo!" inirapan ko sya. ‘Di kasi nag iingat. Napalunok sya bigla pagkatapos nyang tignan yung kwintas na suot-suot ko. Mas lalong kumunot ang aking noo, ba't sya nakatingin sa kwintas ko? Ang kwintas na tanging pamana sakin ng nanay ko, ang kwintas na singsing ang pendant, suot suot ko daw ani Tita Lucy nung binigay ako ng nanay ko sakanya.
"Bakit?” iritado kong sabi sa matanda, halos isang minuto na kasi syang nakatitig sa kwintas ko. Tapos ang ikinawiwirduhan ko pa kung bakit sya mukhang kinabahan?
"W-wala!" nauutal utal nyang sabi tsaka na sya nagmamadaling naglakad at lumayo. So weird.
Francine's POV
Nagkukumahog ako ngayong puntahan si Steve dito sa T.V network office kung nasaan sya.
Pero biglang may nakapukaw ng atensyon ko, napalingon ako sa likod ko, kumurap kurap ako para alalahanin yung lalaking iyon! Nakatingin sya ngayon sa malaking billboard ni tita Stella, parang sya si Zaki! Yung gangster na tumulong sakin sa Japan! Pero teka…pano naman napunta yun dito? Kumunot ang aking noo, imposibleng sya yun. Tumayo na ako at nagkibit balikat at muli ulit akong tumakbo.
Pinapunta ako ni Steve dahil may nais syang sabihin sa akin at yun nga ang ginawang pakikipaghiwalay sakanya ni Madie….Speaking hindi ba? Pinag-uusapan palang namin ni Camille kanina kung bakit hindi pa sila naghihiwalay…At ngayon, eto na nagkahiwalay na nga sila.
Ito naman na ang inexpect ko…Si Madie pa ba? Panigurado ako na nakahanap na iyon ng pamalit…
Devastated si Steven ofcourse. Kahit anong sabi ko din sakanya na mag move-on na sya ay mukhang wala nya itong balak gawin. Ganoon nalang sya ka-obssessed kay Madie..
"Hindi ba sabi ko naman sayo una palang na ganun talaga si Madie, di ka nakanig! Yan tuloy! Hindi yun nagseseryoso Steve," sabi ko. Ngunit para lamang syang batang nagpadyak-padyak.
“No…” Ginulo nya pa ang kanyang buhok..
Napa-buntong hininga naman ako ng malalim tsaka ko hinawakan ang balikat nya…Kailan kaya sya mauuntog sa pader ano? Para maliwanagan na sya sa pagkahibang nya sa kay Madie.
"Steve pwede ba? Wag kang masyadong magpaka obsessed! Di lang si Madie ang babae sa mundo!" sabi ko.
"Pupuntahan ko sya Frans! Pasabi nalang kay Manager na masama ang pakiramdam ko ngayon!” At the end wala na naman nagawa ang mga advice ko at ang sarili nya padin ang kanyang sinunod.
Nagpamewang ako habang tinitignan syang palisan. Umiling ako….Ewan ko lang kung may mapala sya sa pangungulit nya kay Madie…