Chapter 4

1561 Words
Chapter 04 Drifted Zaki's POV Napagdesisyonan kong pumunta don para manggulo, aagawin ko si Sunny, hindi ko hahayaang ikasal sya sa matandang hukluban na yon. Akin sya…ang sa akin ay akin. Alam ko ding magagalit si Sunny at yung sugar daddy nya, pero wala akong pake, basta ang mahalaga ay mapigilan ko ang kasal nila. Tumungo ako dito sa venue ng kasal ni Sunny, enggrande ang lugar, pero sorry sila walang dadating na bride mamaya. Pinagtitingan ako ng mga tao, karamihan ay mga organizers pa ng kasal ang mga nandito, maaga pa kasi kaya wala pang masyadong bisita. Pumasok ako dun sa loob na sa tingin ko ay nandun si Sunny, siguro doon sya inaayusan. Diretso akong pumasok doon. "Where is thebride?" sigang tanong ko dun sa isang taong aking nakasalubong. Mabilis nyang itinuro sakin si Sunny, at nakita ko nga sya na ngayon ay may kausap na make up artist. Namilog ang mga mata nya nung makita nya ako, dali dali nya kong linapitan. Hinawakan ko ang kamay nya para ilabas sana sya, pero nakapiglas sya agad, sumama ang tingin nya sa akin. "Ano Sunny, magpapakasal kaba sa lalaking di mo mahal? Para lang sa pera ah? Diba ako ang mahal mo edi dapat ako yung papakasalan mo!" Napakagat sya sa labi. Marahil nagtaka sya dahil bakit ang aga ko, na hindi pa man nagsisimula ang kasal ay pumarito na ako. "Zaki Desisyon ko to, utang na loob pabayaan mo nalang ako…Inimbitahan kita para hindi manggulo.” Aniya habang kagat-kagat parin ang pang-ibabang labi nya. Nag igting ang panga ko, tsaka ko sya inirapan. "Hindi ka ikakasal Sunny, Hindi!" May awtoridad kong sinagot. Lumapit sya sakin habang ang sama ng tingin. "Buo na ang desisyon ko Zaki, ikakasal ako kay Mizuke, yun ang gusto ko, gusto ko ng makaahon sa hirap," aniya habang nakapikit. My god….Kinilabutan ako. Napaka-gold digger nya na. Hindi ko sukat akalain na ganito ang kahahantungan nya. Sumisikip nadinang dibdib ko sa sakit at gusto ko na lamang mag let-go. I know nagpaka-praktikal lang sya. di nya sinunod ang puso nya, pero pano naman ako? Pano nako? Sya na nga lang ang dahilan kaya kahit papano nagkakaroon ng kulay ang walang saysay kong buhay, tas ngayon iiwan nya lang ako. "Please Zaki, pabayaan muna ko, kung gusto mo tutulungan kita, wag ka ng magnakaw bibigyan kita ng pera. Magsimula ka ulit ng bagong buhay sa Pilipinas, magsimula ka don at hanapin mo ang pamilya mo!" Ano, bibigyan nya ko ng pera ng lalaki nya? No way, umiling lang ako at tsaka hinigit ang kamay nya, at inilabas sya, hindi sya makawala dahil sa sobrang igting ng pagkakahawak ko. "ANO BA ZAKI! PAPATAYIN KA NI MIZUKE PAG NAKITA KA NYANG GINAGAWA MO TO! AKO NA ANG NAKIKIUSAP PABAYAAN MU NA AKO!" sigaw nya, hindi ko sya pinakinggan at hinigit ko parin sya, alam kong makapangyarihan yung hapon na yun, pero wala akong pakealam, kahit ipapatay nya man ako, basta hindi sya dapat ikasal kay Sunny! Biglang may lumapit sa amin na mga butlers, nagsimula na silang ligiran kami. "Zaki umalis kana! Kung gusto mupang mabuhay, wag kana kasing manggulo, wala kang kaya! Kahit anong gawin mo di moko malalayo at maibabalik pang muli sayo," mabilis naagaw ng mga butlers sa akin si Sunny, I don't care kahit gaano pa kayo karami. Nasimula nakong makipagsuntukan, wala akong kaya dahil sa madami sila, tinutukan din ako ng baril nung isa sa ulo. Nagbabadya ng iputok sa akin yon, pero pinigilan sya ni Sunny. "NO!” pigil nya, nilapitan nya ulit ako habang nanginginig. "Please Zaki kung gusto mupang mabuhay, umalis kana bago pa dumating si Mizuke, malalaman nya tong panggugulo mo, ipapaligpit ka nya!" sabi nya, nag aalala sya sakin. "Iwan mu sya Sunny, sumama ka sa akin," umiling lang sya, para bang kahit anong gawin ko ay di ko na mababali ang kanyang desisyon, iiwan nya talaga ako at ipagpapalit. Tumulo na ang luha mula sa aking mga mata. "Makinig ka Zaki, wala kanang magagawa, umalis kana! Umalis kana!" Pinagtatabuyan nya na ako, gusto ko man syang ipaglaban dun sa hapon wala naman akong kaya, itakas nga sya ay di ko nagawa. Sunny sa ginawa mong to, hindi ko alam kung pano pa ako mabubuhay, Wala kana. Pano na ko? Ang sakit. Umalis ako ng luhaan at walang magawa dun sa venue ng kasal. Sa ginawa mo, pano pa ko nyan magkakapag asang mabuhay? Iniwan mokong wasak. Nagsimula na naman akong maglakad ng wala sa sarili, pilit kong iniisip na bakit ba kasi hindi normal ang buhay ko, bente tres anyos palang ako pero bakit andami ko ng pinagdaanan….iniwan ako ng magulang ko kay Tita Lucy, si Tita Lucy naman ay pinaampon ako sa mga walangyang mag asawang hapon na walang ginawa kungdi ang gawin akong punching bag. My life is so miserable, hindi ko alam kung saan pa ko kukuha pa ng pag asa nito para mabuhay. Noong gabing iyon naging maging agresibo ako sa pagnanakaw, madaming humabol sa akin pero wala silang nagawa.. Wala din akong ginawa sa buong gabi kungdi maglasing at tawagin ang pangalan ni Sunny sa kawalan. Francine's POV 1 Week Later. . . Laking pasasalamat ko talaga, dahil nagawa kong makabalik ng Pilipinas ng buhay! Akala ko ibabalik ako dito na naka ataol na eh. Maraming salamat kay Zaki, at ibang tumulong upang makabalik ako ng ligtas. Sobra nga ang pagtataka ni Steve nung nakita nya ako, akala kasi nila nauna nakong umuwi diba? Hindi nila alam na may nangyaring masama sakin don. Kinwento ko din sakanya yung naranasan ko doon, nag alala sya, syempre. Pero ang nakakainis, sila padin palang dalawa ni Madie. Narito ako ngayon sa set ng tv morning show kung saan guest si Steve at mama nya. Nandito ako ngayon sa dressing room habang tinitignan silang iniinterview dito sa Monitor sa loob ng dressing room. Hay, grabe nakakainlove talaga sya. The way he explains his thought. Napaka sarap pakinggan. Pinagmasdan ko din si tita Stella, ang mama ni Steve. Masaya din nyang sinasagot ang bawat bitiw na tanong sakanya nang host. Hindi mo rin mapapagkaila na sobrang close silang dalawang mag-ina. Close ko din kami ni tita Stella, dahil sa matalik silang magkaibigan ng papa ko, at magsimula palang noon ay si papa na ang kanyang nagsisilbing driver. At si mama naman ang kanilang cook. Sa katunayan ay sakanila rin kami nakikitira. Bali doon kami sa likod ng bahay kung saan kasama namin ang ibang maids sa bahay. Laking pasasalamat ko nga sakanya kahit kasi nagkaroon na ng pamilya si papa ay nanatili nyang tinutulungan ito. Zaki's POV Sa mga sumunod na araw ganun padin ang ginagawa ko nagpapalaboy-laboy sa daan, naglalasing at nagnanakaw. Nandito nga ako ngayon sa kalsada, habang tulala, na para bang ang lalim ng iniisip, napagkakamalan na nga akong baliw dahil sa kilos ko. Tumayo na ko mula sa sandaling pag-upo doon sa bench, at nagsimula na naman ulit maglakad, habang naglalakad naman ako bigla na lamang may humabol sa akin na kotse, sht! Eto na naman siguro yung mga alagad nung asawa ni Sunny, hindi na nila ako tinigilan magsimula nung nanggulo ako sa kasal ni Sunny. Habang patuloy ako sa pagda-drama bigla nalang pumukaw ng pansin ko ang papalapit na si Sunny. Nabuhayan ako biglaz "Sunny!” bungad ko. Hindi ko mabasa ang ekspresyon nya. Lumapit lang sya sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Bakit Sunny? Babalik kana ba sakin?" Bakas ang pagba-baka sakali sa aking tono. "Hindi Zaki…Gusto lang kitang kausapin," sabi nya. Natula ako nang bigla nya nalang hinaplos ang mukha ko. "Zaki, umalis kana dito," aniya, kung aalis ako dito san naman ako pupunta? "Bakit moko pinapaalis?” Matigas kong sabi. "Hindi ka titigilan ni Mizuke, galit na galit sya sayo dahil sa ginawa mo…Alam nyang balakid ka sa relasyon natin..Kaya baka ano pa ang gawin nya sa ‘yo.” aniya, bakas sakanya ang takot, siguro natatakot din sya na mawala ako. Pero parang mas gugustuhin ko pa yata yun ngayon. "Okay lang, wala kanadin naman sakin, kaya okay lang kung mamatay nako, lalo lang kasing nawalan ng saysay ang buhay ko," tumayo na ko at nagbabadyang umalis, pero mabilis nya naman ako nahabol, at hinawakan nya ang kamay ko, hinarapan ko sya na ngayon ay nagtutubig na ang mga mata. "Umalis kana please Zaki, na-i-book na kita ng flight papuntang Pilipinas. Kaya please, umuwi kana.” "Magsimula ka ng panibagong buhay don, Ok?" sabi nya at hinaplos nya na namang muli ang pisngi ko. Iniabot nya sakin yong passport, ticket at madaming pera. Napalunok ako at nagsimula ng uminit ang paligid ng aking mga mata. "Magulo ang buhay mo dito Zaki, kaya matutuwa ako kung magsisimula ka nalang ng panibagong buhay doon sa Pilipinas…I know din na nasakatan kita at najudge mo ako ng matibdi dahil sa nagawa ko…Pero alam mo ba na kaya sumama ako kay Mizuke ay dahil naiisip din kita? Kasi alam ko na pag kinasama ko sya magkakaroroon ako ng madaming pera at kaya na kitang matulungan….” Parang punyal na tumama sa puso ko ang kanyang sinabi dahil sa sakit kusang umagos ang luha sa mukha ko. Napa-hikbi din ako. Tinalikuran ako ni Sunny. At naiwan akong na estatwa dito sa kinatatayuan ko. Bumuntong hininga ako, sige kung yan ang gusto mo Sunny susundin kita, babalik ako ng Pilipinas, pero pangako ko na babalik ako dito upang kunin ka ulit…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD