Chapter 3

1814 Words
Chapter 03 Savior Francine's POV Pagkatapos akong iwan nung Zaki dito sa restobar, bigla nalang may lumapit sa kin na isang hapon na mukhang nakakatakot. Kaloka na, hindi naba matatapos ang kamalasan ko? Una, naholdap ako, kinuha luggage at pera ko, tapos ngayon eto na naman! Lumayo ako sakanya, pero dahan dahan din syang lumalapit sakin. "Wag kang lalapit," nanginginig ako sa kaba. Kung nightmare man to, please lord gisingin munako. Ayoko na, gusto ko ng umuwi. Mukha syang bugaw, nakita ko na to kanina na may kasamang mga entertainers eh. "Come," lang yung sinabi nya, mabilis naman akong umiling, tatakbo palang sana ako ng biglang may dumating pang iba! Pinagkaisahan nila ko, at hinawakan nila kong lahat di ako makakalas. "Ano ba!” sigaw ko habang nagpupumiglas, pero wala akong magawa ni hindi nga ako makatakas dahil sa sobrang lalakas nila. "So sexy," sabi nung isang mukhang gurungos habang pinaglalaruan ang kanyang dila. Sht! Ilalabas na sana nila ako ng biglang dumating si Zaki, pagkakita ko sakanya para bang nakahinga ako ng maluwag. Agad syang lumapit at bigla na syang magsalita ng Japanese, hindi ko iyon magets, Apparently 'bitawan nyo sya.' Pero di ko lang sure, dahil I can't speak Japanese. Nagsisigaw na sya, hinigit nya ko ng napakabilis at lumabas na kami, panay ang habol ng mga bastardong iyon sa amin, pero mabilis kaming tumatakbo ni Zaki. Nagpatianod nalang ako sakanya, habang tinatakasan namin yung mga bastardong gangsters na mga iyon. Niligaw namin sila, kung saan saang eskinita kami dumaan para matakasan lang namin sila, hanggang sa nakakita kami ng pwedeng mapagtaguan at dun kami nagtago. Umupo kami doon, habang humihingal-hingal, grabe ang pagod ko dahil sa ginawang pag-takbo. "Buti nalang di nila tayo nahabol," sabi nya habang humihingal padin, buti nga….pero salamat talaga sakanya, kung di siguro sya dumating baka ano ng ginawa ng mga bwisit na iyon sakin. Si Zaki ang savior ko. Malaki parin ang pasasalamat ko sakanya kahit na mukhang napipilitan lang syang tulungan ako. Napansin nyang hanggang ngayon pala ay magkahawak padin ang aming mga kamay, parang nakaramdam sya ng pagkailang, agad nyang inalis ang pagkakahigit nya sa wrist ko. "San kaba kasi galing kanina huh?" sabi ko naman. Umalis pero bumalik din naman. "Sayo itong passport na to diba??" nanlaki ang aking mga mata nung inalahad nya sakin yung passport. Akin nga yun pano nya nahanap? "Akin nga yan, pano mo nahanap?" tanong ko tsaka ko agad inagaw sakanya yung passport ko. Bat ito lang ang nahanap nya? Eh yung luggage at pera ko? Hindi sya makasagot dun sa tanong ko. "Nakita kong kinakalkal nung mga magnanakaw yung luggage mo. Nakita ko yan," aniya. Nakita nya naman pala eh, so bakit di nya kinuha yung luggage at mga pera ko? "Ba't ito lang yung kinuha mo? Sana kinuha munadin yung pera at luggage ko para makauwi nako ng Pilipinas!" kumunot ang kanyang noo pagkatapos kong sabihin yun. "Sa tingin muba ibibigay nila huh! Sakanila na yon, wag kanang umasang ibabalik pa nila," tumayo na sya bigla at nagpamulsang naglakad padiretso, napabuga ako ng hangin tsaka humalukipkip. Ano? iiwan nya na naman ba ko! Tumayo nadin ako tsaka ko sya sinundan, nagpalakad lakad lang sya sa daan, habang ako sunod ng sunod naman sakanya. "Iiwan muna na naman ba ko?" hinawakan ko ang kanyang kamay, napatigil sya at lumingon sya sa akin. "Kung ako sayo, sa iba nalang ako hihingi ng tulong," sabi nya at naglakad muli, ako naman nag half run ulit para mahabol ko sya. "Hindi kaba naaawa sakin?" "Ba't naman ako maaawa? Eh tingin muba sakin di ako kawawa? Di kita kayang tulungan," sabi nya, tingin ko nga kawawa sya eh. Kasi mukha syang palaboy. "Ihatid mu nalang ako sa Philippine Embassy," sabi ko nag ‘tss’lang sya tsaka umiling iling. "Jan ka na nga! Ewan ko sayo, problemado din ako kaya pwede wag kanang dumagdag," galit nyang sabi, napatigil ako. May pagkasungit itong lalaking to ah. "Sasama nalang ako sayo," ginulo nya ang kanyang buhok. Mukhang iritadong iritado na. Wala naman kasi akong malalapitan kung di sya lang. "Pulubi lang ako dito, gusto mubang maging isang pulubi din? Ayoko ng pwerwisyo, may mahahanap kadin namang tutulong sayo, maghintay kalang," aniya tapos naglakad muli. Di ko sya pinakinggan at patuloy padin ang pagsunod ko sakanya. Steve's POV "Ang ganda naman dito, ang fresh ng hangin," untag ni Madie habang magkasama kami ngayon dito sa isang bay sa Japan. "Oo nga kasing ganda mo," sabi ko habang nakangiti. Napatigil sya, tsaka nya ko hinarapan. Nagseryoso din bigla ang mukha nya. "Ah Steve??" "Bakit?" "Hm. Seryoso kaba talaga dito sa relasyon nating to?" aniya, syempre mabilis akong tumango. Hindi lang ako seryoso, seryosong seryoso! "Oo naman! Bakit mo naman yan natanong?" umiling sya tapos ngumisi sya at sinabing; "Ako kasi hindi, you know naman na di ako nagseseryoso diba?" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dun sa kanyang sinabi. Expect ko naman to eh, pero okay lang. Papaiibigan ko talaga sya. "I love you Madie, seseryosohin mudin ako balang araw," sabi ko at hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay. "Si Francine," mahinang sabi nya. Ba't naman nasama si Francine dito? "Si Francine ang bagay sayo Steve, hindi ako." "Anong ibig mong sabihin? Francine is just a good friend of mine Madie, ikaw ang gusto ko," sabi ko. Para kasing sa scenario ngayon parang nararamdaman kong gusto na nya akong hiwalayan. Wala pa man nga kaming isang linggo eh! Di naman ako papayag, patay na patay ako sakanya. Di ko hahayaang makipaghiwalay sya. "Laro lang sakin ang relasyon Steve, dapat siguro maghanap ka ng good woman na babagay sayo" "Bakit mo yan sinasabi ngayon ah Madie?" galit kong sabi. "Madie Hindi ako papayag!” Galit kong sinabi. Tumawa lang naman sya. Alam ko masyado akong obsessed, pero gusto at mahal ko kasi talaga sya. Hindi nya ako pinansin at nagpatuloy lang sya sakanyang paglalakad. Francine's POV Nakarating kami dito sa isang building ni Zaki, after ng mahaba habang naglalakad. Nagpalinga linga ako sa paligid, sobrang madumi, at para na talagang abandonado ang lugar na ito. Andami pang sulat sulat sa pader. Humiga na sya don sa nakalatag na karton, nagulat ako dun sa ginawa nya. Dito ba sya natutulog?? Nilapitan ko sya. "Dito kaba natutulog Zaki?" Inirapan nya ko bigla, "Obvious ba?" "Wala kabang bahay?" mukhang nairita dun sya tanong ko. "Sa tingin mo ba kung may bahay ako dito ako pupunta huh! Diba nga sabi ko sayo palaboy lang ako?" napalunok ako at natahimik pagkatapos nyang sabihin yun, at the same time nakaramdam ako ng awa. "Bakit ba ganito ang buhay mo? Nasan ang mga magulang mo?" tanong ko, nacurious kasi ako bigla sa buhay nya. Mukhang madami syang pinagdadaanan… Nahihiya tuloy ako kasi pati ako sumisiksik pa sakanya. "Wag munalang alamin," mahinang sabi nya at nag iwas sya ng tingin. Mukhang ayaw nyang sabihin, mukhang sensitive ang topic na natanong ko. "Ah ok," sabi ko nalang, gusto ko man syang kulitin pero pinigalan ko ang sarili ko, baka kasi pagalitan nya na naman ako. "Oh ano tapos sakin ka nagpapatulong?" aniya. "Tinulungan mo nalang din ako eh, salamat huh?" natahimik sya dun sa sinabi ko. "Tsk, san kaba nakatira sa Pilipinas?” tanong nya, at umupo sya sa tabi ko. "Manila," tumango naman sya. "Okay, sige bukas idadala na kita sa embassy," sumigla ang mukha ko pagkatapos nyang sabihin yun. "Talaga!" masayang sabi ko na para bang hindi makapaniwala. "Oo, kaya ngayon kung gusto mo dito kanalang magpalipas ng gabi," sabi nya, napatigil ako bigla. Dito, as in dito talaga? Parang nag-alangan ako…. kaso kung di dito, san ako matutulog diba? Kaya in the end pumayag nalang ako. "Okay, pero promise mo bukas hahatid moko sa embassy huh?" naninigurado kong sabi. "Oo nga ang kulit," iritadong sabi nya tsaka na sya humigang muli. Napangiti ako kahit na mukhang napipilitan lang syang tulungan ako nonetheless parang di nya ako matiis, marahil may busilak talagang puso itong si Zaki, pero hindi parin maalis ang pagka-awa ko sakanya, parang ang dilim ng buhay nya, nakucurious ako kung bakit sya naging ganto. Kaso ayaw nya namang sabihin ang dahilan. Di bale, pag nakabalik ulit ako dito, babalikan ko sya at tsaka tutulungan, pambawi ko na din sa ginawang pagtulong nya sa akin dito. "Salamat ulit," sabi ko tsaka ko sya nginitian. "Wala yun, matulog ka na nga!" aniya. Tinignan ko yung hihigaan ko, napalunok ako. Humiga nadin ako, pero patuloy padin ang aking pag iisip. Salamat nadin dahil di moko pinabayaan lord, salamat din Zaki. Kung di moko tinulungan baka ano ng nangyari sakin ngayon. Nagbuntong hininga ako, sina Steve at Madie kaya kumusta na? sila pa ba kaya? O baka naman iniwan na sya ni Madie? I sighed at the thought…Hindi kasi malabong mangyari ‘yon. Si Madie pa ba? Suddenly biglang umihip ang malakas at malamig na hangin, napa nanginig ako ng dahil sa lamig, pano kaya natitiis to ni Zaki? Minulat nya ang mga mata nya at nakita nya kong nilalamigan. "Nilalamig ka?" tanong nya, tumango naman ako. Nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Iyong nag-iisa nya kasing kumot ay binigay nya pa sa akin. “Paano ka?” Tanong ko. “‘Wag mo akong alalahanin.” Kibit-balikat nya at tsaka na sya pumikit ulit. Kinabukasan. . . Zaki's POV Kinabukasan tulad nga ng promise ko dun sa Francine na ilalapit ko sya sa embassy, tama nadin yun, kasi rinding rindi nako sakanya, masyado na syang pabigat. Buti nga pumayag syang dun sa tinitirhan ko matulog eh. Actually may tirahan naman akong maliit kahit papano, ay hindi pala sa akin iyon. Kay Sunny yun, isang maliit at magulong apartment. Pumupunta lang ako don pag magbibihis ako. Ngayon, hindi na sya dun nakatira dahil sumama na sya sakanyang soon to be husband na sugar daddy. Pagkatapos kong ihatid si Francine, naisipan kong magtungo doon, at as usual my heart just died again kasi muling nagflashback ang mga ala ala naming masaya dito. Pagtapat ko sa pintuan nakakita ako ng isang malaking box. Kumunot ang aking noo pagkakita ko doon, kinuha ko ito, at may nakasulat na letter, galing ito kay Sunny. Zaki. Invited ka sa kasal namin ni Mizuke. Pumunta ka..May sasabihin din ako sa ‘yo…Tutulungan kitang makabalik na ng Pilipinas. Laglag ang panga ko pagkatapos kong basahin yung note na nakasulat. Kusa ding tumula ang mga luha ko. What the? Ikakasal na pala sya? Bakit ang bilis naman? Tapos ang lakas nang loob nyang imbitahan ako huh? Ano nalang sapalagay nya ang mararamdaman ko… Pumasok ako sa loob ng magulong apartment ni Sunny na nanlalambot dahil sa nalaman kong ikakasal na sya. Bakit kailangan mangyari ito? Hindi ba dapat Sunny tayong dalawa ang ikakasal? Sabi ko sa isip ko. Alam kong ako parin ang mahal nya, too bad mahirap lang kasi ako kaya sumama sya sa mabibigay at masasatisfied lahat ng needs nya, yun ang masakit dahil hiniwalayan nya ko dahil sa mahirap ako..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD