DAHIL engaged na si ate at nagbabalak rin kami ni Sky na magkaroon ng church wedding ay sabay na kami sa pagpaplano. I never thought planning with your sister would be so great. Magmula sa wedding gowns, wedding shoes, invitations, reception pati pagkain ay nakapili na kami. Halos pareho kami ng taste sa fashion. She prefer pink and gray motif while I prefer bud green and white. We both like customized wedding gown designed by her. I never knew she had a hidden talent in fashion designing. Since may paniniwala naman kami sa sukob ay nagdecide kaming sabay lang sa pagplano pero hindi sabay ang kasal. Gusto rin kasi ni ate na may sarili kaming moment sa special na araw na yo'n. Mauuna muna ako ngayong taon at next year naman sila ni Kuya Calvin. Habang abala kami sa wedding planning ay ma

