NAGMADALI kaming dalhin si daddy sa hospital, lahat kami ay taranta dahil sa nangyari. Simpleng usapan lang naman ang hangad namin pero nauwi sa madugong sitwasyon. Tinawagan ko si Sky at pinapunta sa ospital kung saan namin dinala si daddy. Agad namang idiniretso sa operating room si daddy. "Doc Chanelle, wala pong nakaduty na doctor ngayon dito sa ospital. Pwede po bang ikaw na lang po mag-opera sa daddy niyo." Sabi ng isang nurse sa akin. Nag-aalangan man ako ay pumayag naman ako dahil buhay na ni dad ang pinag-uusapan. Nagmadali akong pumunta sa operating room at inalis lahat ng bala sa katawan niya. Limang bala ang tumama sa iba't-ibang parte ng katawan niya at milagrong walang organ ang na-damage, paglipas ng ilang oras ay inilipat na si daddy sa ICU at oobserbahan hanggang s

