TODAY I am celebrating my 30th birthday.
Labis ang saya na nararamdaman namin ni Sky sa paparating na angel sa buhay namin.
Bagama't excited ako sa pagiging mommy na mangyayari paglipas ng ilang mga buwan pero hindi ko maikakaila na mahirap din pala magbuntis. Nai-experience ko na ngayon yung mga dating nababasa ko lang sa mga libro about morning sickness.
Madalas akong dumuduwal kahit kagigising ko lang, may mga pagkakataon naman kapag nakakaamoy ako ng ayaw ko.
Di naman ako gaanong maselan sa pagkain. Lumakas din akong kumain. Marami akong hinahanap na pagkain na hindi ko naman kinakain dati.
Kagaya nalang nung pancit na sinabawan ng sopas. Diring-diri si Sky non pero masarap talaga eh. Hinahayaan nya lang ako dahil para kay baby naman daw yun.
May time naman na naghahanap ako ng pakwan kahit hatinggabi. Kinulit ko ng kinulit si Sky para bilhan ako. Alam ko namang mahirap humanap ng ganon lalo at hatinggabi na pero gusto ko talaga. Maswerte ako sa kanya dahil kahit ano ang hingiin ko sa kahit na anong oras nagtiya-tiyaga syang maghanap. Hindi ko na nga natanong kung saan nya kinuha yung pakwan na inuwi nya.
PAGLABAS ko ng kwarto namin ay wala sya. Nalibot ko na ang buong bahay ay di ko pa rin sya makita kaya nagdesisyon na akong lumabas para dun sya hanapin.
Nasa garden area sya at ngiting-ngiti sa akin.
"Happy birthday love." Bati nya sakin at inabutan ako ng bouquet of roses.
"Salamat." Napaawang ang bibig ko sa ginawa ni Sky. Napakaganda ng buong garden. May mga japanese lantern na nakasabit at may mga table din.
Nakadagdag pa sa natural na ganda ng garden ang mga palamuti.
"Para saan ito Sky?"
"It's your birthday love. Don't you remember what you told me before?
You never experienced to celebrate your 18th birthday because of the controversies in your family business.
Kaya isi-celebrate natin ngayon. But before that magshower ka muna at magsuot ng maganda. Hindi naman pwedeng nakapantulog ka lang."
When I was 18. Mom and Dad were too busy about our business, nagkaron daw ng problema. Nakalimutan pa nga nilang 18th birthday ko. They just said sorry and gave me money. Buti na lang kasama ko si ate. Ginamit namin ang perang binigay sa akin para mamasyal.
Kumain kami sa labas at nag-stay sa park. I missed her so much. Masyado atang malalim ang galit nya sa pamilya namin kaya hindi na magawang magparamdam sa amin.
May inabot si Sky sa aking paper bag na may lamang white dress and white sandals.
May kasama ring head dress na may maliliit na flowers and beads.
Agad akong nagshower and nag-ayos. Natural-look ang prefer ko when it comes to make up. I don't like heavy make-ups.
Maganda ang dress which is 2 inches below the knee with lace sleeves.
I curled my hair enough to make it look naturally wavy and put my head dress on.
Bumalik ako sa garden para abangan ang mga susunod na paganap ni Sky ngayong birthday ko.
Sinalubong nya ako ng ngiti at hinakawan ang aking mga kamay. Inalalayan nya ako hanggang sa makarating kami sa gitna. Nagsimulang tumugtog ang sweet music at isinayaw nya ako.
Para kaming mga teenager na sumasabay sa saliw ng musika. Payak at masaya.
"Medyo corny ka sa part na to ha?" Pagbibiro ko sa kanya.
"Masaya ka naman." Nakangiting sagot nya.
Hindi man ganito ang nakalakihan kong selebrasyon pero ito ang pinaka-masaya at mahirap kong makalimutan.
"Thank you for doing this and thank you for everything Sky."
Niyakap ko sya biglang pagpapasalamat sa araw-araw na pagpapasaya nya sa akin. Para akong teenager na natupad ang pangarap na debut celebration.
"Don't thank me. I should be the one thanking you. You let my dreams come into reality. I will do everything to keep you and our baby safe."
Nagpalit ng kanta at ang tumutugtog naman ay Beautiful in White.
Ngayon ko palang naranasang kiligin dahil sa isang kanta. Habang tumutugtog ang musika ay may kinuha si Sky sa bulsa nya at lumuhod sa harapan ko.
Napamulaga ako sa ginawa nya. He is proposing. Di ko na napigilan ang mga luha sa mga mata ko, luha ng labis na kasiyahan.
"Let's get married love. I want you to be officially mine. I want to have the rights to you call you 'my wife'.
I nodded to say 'yes'. No words can ever describe how I feel right now.
"No matter how many times you propose Sky I will always say yes. You are mine, and I am all yours." Maluha-luhang sabi ko.
Nagulat ako sa tunog ng mga party poppers na dala ng mommy at daddy ni Sky kasama ni Sky. Lahat sila ay masaya rin para sa amin.
"Happy birthday hija." Bati sa akin ng mga magulang ni Sky at niyakap ako.
"Happy birthday Lianna." Bati sa akin ni Summer na pinsan naman ni Sky. Kahit ayaw kong tinatawag nya ako sa second name ko palalagpasin ko kasi birthday ko naman.
"Happy Birthday Ms. Buenaventura." Bati sa akin ng isang di-pamilyar na lalaki. Napatingin ako kay Sky at mukhang alam naman kung ano ang gusto kong iparating.
"He is Attorney Alfred Mendoza. Sya ang magkakasal sa atin."
Lalo akong nabigla sa sinabi ni Sky.
I can't believe this is really happening. Ikakasal na ako. Kani-kanina lang nagpropose sya and now kasal agad. Kaya siguro nandito ang parents at pinsan nya.
"Let's start to make you an official Del Castillo." Masayang sabi ng mommy ni Sky.
Nagsimula na ang seremonyas ng kasal namin. I can't believe three major events happened in just one day. I don't know what I have done good to deserve this overwhelming happiness.
We exchanged vows and wore our wedding ring as a sign of commitment and everlasting love.
I don't have a family member to celebrate with us as we move to the next chapter our lives as husband and wife but I am genuinely happy to be officially called as MRS. CHANELLE LIANNA BUENAVENTURA-DEL CASTILLO.