Chapter 15

1361 Words
MARRIED LIFE is never easy. No relationship is perfect nor even a partner. Lahat dumadaan sa tampuhan, hindi pagkakaunawaan na nauuwi sa awayan. But when you love someone with all your heart you will choose to forgive and choose that person over and over again. Sa bawat araw na magkasama kami ni Sky para kaming aso at pusa. Lagi kaming nagtatalo kahit sa mga simpleng bagay lang. I think it's part of getting to know each other. Everyday we discover something new in each other. Sometimes I became jealous over someone. Kahit ata mukhang sugpo pinagseselosan ko basta dumikit sa asawa ko, there are instances na sya naman ang ganon. Kapag may nakakausap akong lalaki kahit na salesboy or any random guy sobra syang magtampo to the point na maghapon ko pa syang susuyuin. Mas feeling babae pa sya kesa sa akin. May mga pagkakataon namang kahit yung mga kalat sa bahay, paghugas ng pinggan at kahit pagluluto ay pinag-aawayan naming dalawa. Ayaw nyang kumuha ng katulong para daw mas maging responsable kaming magulang sa magiging baby namin. Maalaga syang asawa. Marunong din sya sa mga gawaing bahay, siya yung madalas na magalit kapag di ako marunong maglinis. Hindi naman kasi ako sanay. Take note: kahit buntis ako walang special treatment. Ang katwiran nya hindi naman daw ako mapipilayan sa pagligpit ng mga kalat. Saka na daw ako magcomplain kapag pinagsibak na nya ako ng kahoy at pinag-igib ng tubig sa bukal ng bundok. Sounds funny but he has a point. That's what I love about him, his tough love. Mahal nya ako at gusto niyang mag-grow ako bilang tao. And I think that is sweeter than treating you like a queen. Yun naman talaga ang role ng mag-asawa. You are partners, hindi pwedeng yung isa nagsisilbi and the other one is pinagsisilbihan lang. It should be a give and take process. We both came from a well-known family but we are living a simple life now. Minsan nga naiinggit ako kay Trixie dahil bukod sa possessive si Marco, overptotective din. Halos hindi nga nya magawang pakilusin man lang si Trixie sa kahit anong gawain. He is using his money and influence to give Trixie a very comfortable life. Naopen ko rin minsan yun kay Sky. Ang sabi lang nya, sobra na daw ang hirap sa buhay na dinanas ni Trixie kaya ganon nalang ang effort ni Marco para ibigay ang best sa kanya. Since, ipinanganak daw akong mayaman at may gintong kutsara sa bibig. Naging normal lang daw sa akin yung pamumuhay na tinatamasa ngayon ni Trixie at kailangan nya ring makibagay sa environment ng buhay ni Marco para maging good partner and sad to say hindi daw yun ang kailangan ko. Minsan parang kasalanan ko pa na ipinanganak akong mayaman. Mas matured mag-isip kesa sa akin yung asawa ko. Hindi raw ako matututo kung di ako aalis sa comfort zone ko. Naka-schedule ako ngayon para magpacheck up and ultrasound. Excited na kaming malaman ang gender ng 5 months old baby sa tummy ko. Maaga kaming umalis ng bahay para maaga rin kaming makarating sa clinic. Ang gusto kasi ni Sky ay pag alam na daw namin ang gender ni baby mamimili na daw kami ng gamit nya. Masyadong excited bumili ng gamit si Sky. First time dad feels. Nang makarating kami sa clinic ay pinahiran ang tiyan ko ng gel at inultrasound. Nakahawak ng mahigpit sa mga kamay ko si Sky na animo'y nakaschedule na ako para manganak. "Your baby is healthy. Look at her." Nakangiting sabi ng doctora. "She?" Curious na tanong ni Sky. Para namang ewan. Narinig naman nya pero ipapaulit pa. "Yes Mr. Del Castillo. You are expecting baby girl." Masayang sabi ng doktora. Nagulat ako sa reaksyon ni Sky imbis na ngumiti ay tumulo ang mga luha nya. Walang kahit na anong salita ang namutawi sa labi nya. Di ko rin napigilan na mapaluha sa nakikita ko sa kanya. Marahil ay masaya sya sa balitang natanggap namin ngayong araw. We are expecting a princess in the next few months. Gaya ng napag-usapan namin didiretso muna kami sa mall para mamili ng gagamitin ni baby. Saka balak din naming kumain sa labas. Simula nung tumira kami sa rest house nya ay madalang na rin kaming kumain sa mga restaurant dahil masyado syang naging health conscious sa pagkain para daw healthy si baby. NASA parking lot pa lang kami ng mall ay may mga men in black na humarang sa amin. Didiretso na sana kami papasok ng mall pero ang isa sa kanila ay maagap akong hinawakan sa braso at bumulong sa akin. "Sumama na lang po kayo ng maayos Ma'am kung ayaw nyo daw pong mapahamak si Sir Sky." Manlalaban sana si Sky ngunit tinutukan sya sa ng b***l sa tagiliran ng isa sa mga inutusan ng daddy ko. Kinalma ko muna ang sarili ko. Expected ko naman na may gagawin talaga si daddy para kontrahin lahat ng ginagawa ko pero hindi ko lang inasahan na ngayon mangyayari yun. Hinawakan ko ang kamay ni Sky para pakalmahin. "Sasama ako sa inyo ng maayos pero wag na wag ninyong sasaktan si Sky." Mariin na sabi ko sa mga lalaking naka-itim. "Chanelle!!" Napataas na ang boses ni Sky. "Don't worry Sky. I will handle this." Kalmado kong sabi sa kanya. "Don't worry? Do you hear what are you saying? For Pete's sake you are carrying my child! " pasigaw na sabi nya sakin. "I KNOW SKY! WAG MO AKONG SIGAWAN." mas mataas na ngayon ang boses ko kesa sa kanya. Natahimik sya. "I'll call you when I get there. Be ready. Sasama ako sa kanila ng maayos para sa safety mo at ng anak natin." Pahabol kong sabi bago tuluyang sumama sa mga lalaki. Maingat naman akong inalalayan ng mga tauhan ni daddy pasakay ng kotse. Ang daming mga eksena ang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko. Hindi rin ako mapakali hindi dahil sa gagawin sa akin pagdating ko dun kundi dahil sa maaaring gawin ni Sky. May pagkapadalos-dalos pa naman sya. NAKARATING na kami sa mansion at ang masamang tingin ang sumalubong sa akin. Diretso ang tingin ni daddy sa tiyan kong kasalukuyang limang buwan at mabintog na. "Nilubos-lubos mo talaga ang katigasan ng ulo mo ano?!" Matapang na sabi sa akin ni daddy. Tumakbo naman papalapit sa akin si mommy at niyakap ako. "My God hija, kumusta ka na? Sobra akong nag-aalala sa iyo. Buntis ka na pala. Honey, hindi ka ba masaya na magkaka-apo na tayo?" Pangungumbinsi ni mommy. Inalalayan ako ni mommy papasok sa kwarto ko. Maluha-luha sya at panay ang yakap sa akin. Sumagi muli sa isipan ako ang minsang napag-usapan namin ni Sky tungkol kay mommy. Tama sya, hindi ko alam kung ano ang totoong intensyon ng mommy ko sa akin at kailangan kong mag-ingat. "Mommy..." "Ano yun hija? May kailangan ka ba?" "About po sa family nila Sky. Bakit ganon na lang po kagalit si daddy sa kanila?" Gusto kong malaman ang totoo. Hindi naman siguro magagalit ng ganon si daddy ng wala syang dahilan. "It'a about past issues. Your dad once fell in love with your tita Celine. But she chose John over your dad." "Really?! Pamilyado na sila pareho pero issue pa rin yun?" I am not convinced with her story. "It's because John is a great rival of your father. Sa tingin ng daddy mo, inagaw ni John ang tita Celine mo pero talagang sila ang totoong nagmamahalan. Masyadong naging head over heels ang daddy mo sa mommy ni Sky." "How do you handle that mom? Yung asawa mo may issues pa rin about past love? Hindi ka ba nasasaktan?" "Nasasaktan syempre. Pero mahal ko ang daddy mo kaya natitiis ko yun." Natouch naman ako sa sinabi ni mommy. Kahit may extra baggage na baon si dad all throughout their marriage na nagpapabigat sa loob nya mas pinipili pa rin nyang magmahal. "How about you and Sky?" Pag-iiba nya ng usapan. "We're married mom." Gulat ang bumakas sa itsura nya nung sinabi kong kasal na kami ni Sky. Pagkabigla na hindi ko mawari ang kasamang emosyon ang nababasa ko sa itsura nya pero nasisigurado kong hindi sya masaya. "Are you disappointed mom?" Malungkot na tanong ko. Malumanay nyang hinagod ang likod ko. "No Chanelle. Wala akong karapatang harangan ang happiness mo lalo na at nasa tamang edad ka na." Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni mommy. Marahil ay naiintindihan nya ako dahil babae din sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD