Asper Reign’s POV Rescuing a high-ranking military officer just like Saisumi without coordinating with the government is not that easy. We cannot just involve Hain, a citizen from another nation, in this operation without proper preparation because it could cause a national crisis between the two countries. Kaya naman kailangan namin ng personal na dahilan para isagawa ang plano namin. At dito papasok si Dashyu. “What the hell?” Nanlaki ang mga mata niya matapos ipaliwanag sa kanya ang mga nalalaman namin sa nangyari sa kanya, maging ang sitwasyong kinakaharap niya. At tulad ng inaasahan ko ay isang masamang tingin ang ibinato niya sa akin. Ayaw niya kasi talagang malaman ng mga kaibigan at kapatid, lalo na ni Jyn, ang tungkol sa isyu na ito. Plano niyang siya mismo ang aasikaso nit

