Asper Reign’s POV “You’ve gotta be kidding me?” Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala habang nakatitig sa isang papel na siyang iniharap sa amin ni Dashyu. “Is this even legit?” Tiningnan ko siya at tulad ng inaasahan ay masamang tingin ang isinalubong niya sa akin. “What?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Masisisi mo ba ako kung iisipin kong tunay ba ito o hindi?” Inirapan siya ako. “I did not forge this document. This is legit.” “Bakit hindi man lang kami na-inform na kasal ka na pala,” sabi ni Jyn. “You didn’t even invite us?” Well, iyong papel na nasa harap namin ay isang marriage certificate na siyang nagpapatunay na legal na mag-asawa si Dashyu at Saisumi. Inilabas niya ito nang i-suggest ko na palabasan namin na asawa niya si Saisumi nang sa gayon ay hindi maku-kwensyon

