Asper Reign’s POV Jyn looked worried while staring at me. May hesitation din siyang lapitan o hawakan ako na para bang natatakot siya sa magiging reaksyon ko kapag may ikinilos siyang posibleng hindi ko magustuhan. Kaya naman bumuntong hininga ako. “Will you please calm down?” I said. “I am not mad so you don’t have to worry. Hindi din ako aatras sa kasal natin dahil lang hindi mo nabanggit sa akin ang tungkol sa naging kasal niyo ni Reina.” Ang mga salita kong iyon ay naging sapat upang tuluyang mawala ang pag-aalala sa mga mata niya. Parang iyon din ang naging senyales niya para lumapit sa akin at yakapin ako. “I…” Huminga muna siya ng malalim. “I am sorry. Sorry for not telling you about that.” Umiling ako at inihilig ang ulo ko sa dibdib niya. Gusto kong matawa dahil sobrang laka

