Asper Reign’s POV “Oh my god!” Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang akong salubungin ni Miracle ng yakap pagpasok ko palang sa living area dito sa palasyo ng Avenir. Muntik pa nga kaming matumba, mabuti na lang at agad na nakaalalay sa amin sina Jyn at Rajiv. “Akala ko talaga hindi ako makakalabas ng Hexoria para makadalo sa kasal mo,” sabi niya tsaka kumalas ng yakap sa akin. “I don’t know what they did to make it happen, but I appreciate the effort.” Dahil curious ako sa kung paano ilalabas ni Rajiv si Miracle sa Hexoria, kinulit ko si Jyn na sabihin sa akin kung ano ang gagawin nilang paraan. At hindi naman siya nagdalawang-isip na sabihin iyon sa akin. And from the looks of it, he succeeded in his plan. But Miracle doesn’t have any single idea what the hell happened. Buma

