—Rain’s POV— “Nasan ako?” Napabaling ako dito. “Gela!” agad naman akong lumapit dito. “Rain?” “Buti naman gising kana, akala ko di kana gigising.” Nakahinga ako ng maluwag dahil sawakas nagising na rin ito. Akala ko tuluyan na siyang mawawala sakin. “Anong ibig mong sabihin? Nasan ako?” “Sa hospital... nakalimutan mo na ba? Nahimatay ka dahil sa sobrang pagod.” Hinayaan ko munang alalahanin nito ang mga nangyari, ilang saglit lang ay bumakas ang takot sa mukha nito. “Si Sunny! Ang anak ko! Ang anak natin!” napangiti naman ako dahil sa sinabi nito. Anak namin. Pinigilan ko naman siya ng magtangka itong tumayo. “Kumalma ka muna.” “Kumalma? Paano ako kakalma?!” “Relax ka muna, maraming nawalang dugo dito, akala namin wala ng pag-asa dahil hindi kayo magkaparehas ng blood type.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


