Kabanata 15

1068 Words
Nagising si Rain dahil sa mainit na pagtama ng sikat ng araw sa mukha nito. Napahawak ito sa ulo dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi na niya namalayan na nakatulog na siya kagabi sa sobrang kalasingan. “T-tatay…” Agad tumayo si Rain sa pagkakahiga ng marinig ang boses ng anak. Nang mapagbuksan niya ito ng pinto ay ang umiiyak nitong mga mata ang bumungad sa kanya. “Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?!” tarantang tanong nito. “Chi Nanay… wala si Nanay.” Sabi nito habang humihikbi. Natigilan naman si Rain dahil sa sinabi nito. Wala si Gela? “Si Nanay?” “Baka nasa kusina lang o sa banyo, huwag ka ng umiyak.” Pero sa halip na tumahan si Sunny ay lalo pa itong nagngangawa. “Wala don Nanay… wala.” Umiling-iling pa ito habang nagpupunas ng mata. Agad naman itong kinarga ni Rain. “B-babalik yon, a-akong bahala.” Sabi na lang nito sa anak para tumahan na ito kahit na ang totoo ay ayaw na niyang pabalikin pa si Gela. Umalis ito kaya bakit pa niya pababalikin?! —Angela’s POV— “Kumain ka naman, Gela.” Nag-aalalang alok sakin ni Van. “Hindi ako nagugutom.” Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap sa mga tuhod ko. Magang-maga ang mga ko dahil sa pag-iyak. Wala ng pumapatak na luha sa mga mata ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Hindi ko matanggap ang mga nangyari sa buhay ko. Ang dami kong naiisip, ang dami kong gustong maalala pero kahit anong isip at pagpipilit ko… wala pa rin akong matandaan. Gusto kong magwala pero nanghihina ako. Napatingin ako kay Van, galit ako sa kanya pero kahit papaano naiintindihan ko siya. Galit ako dahil nagawa niyang maglihim sakin, ilang taon akong nagmukhang ewan. Sa loob ng apat na taon ay naging malaking kasinungalingan lang ang buhay ko. Ngayon alam ko na kung bakit hindi ko matandaang pagmamay-ari namin ang Unknown University. Kung bakit nasa pangalan din ni Rain ang school na yon. Hindi lang dahil business partner ito ni Daddy, kundi dahil na rin asawa ko si Rain. Sa loob ng ilang taon inakala kong studyante pa rin ako.Ngayon alam ko na rin kung bakit hindi ko alam kung ano ang ikinamatay ni Ate. “Gela… pakiusap kumain ka naman.” Tiningnan ko ito sa mga mata. Punong-puno ng lungkot at pagkaawa sakin ang mga mata nito. Naiinis akong tinitingnan niya ako ng ganon pero kahit naman ano gawin ko nakakaawa talaga ang kalalagayan ko. Ngumiti ako ng mapait dito. “Apat na taon, Van… Apat na taon na naging basura at patapon ang buhay ko. Apat na taon na pinuno ako ng kasinungalingan… apat na taon nyo akong hinayaang nakadapa… at hindi hinayaang makabangon. Ngayon sabihin mo sakin, paano ako magsisimula?” “Sorry… sorry, Gel. Alam kong hindi sapat, hindi ko ito ginusto, alam kong mali. Pero nung nadapa ka, hindi ko alam kung anong gagawin ko.” “Hindi mo alam? Simple lang yon,Van. Kailangan mo lang akong ibangon!” “Sana nga simple lang, noh?” ngumiti ito ng mapait habang patuloy na tumutulo ang mga luha nito. “Sana ganon nga lang kadali. Gustong-gusto ko sabihin sayo ang lahat. Sorry dahil hindi kita tinulungang bumangon noon, pasensiya kung mas pinili kong samahan ka sa pagkakalugmok mo… alam kong mali, nakakainis. Pero alam mo ba kung ano ang mas nakakainis pa don? Alam mo ba kung ano yung mas nakakatawa?” tumingin ito sakin na punong-puno ng lungkot. “…yun ay yung kaisipang, kahit na bumalik tayo sa nakaraan at kung papipilin ulit ako… mas pipiliin ko pa ring magsinungaling sayo.” Natigilan ako, hindi ako makapaniwalang sinasabi niya sakin ito. Mas pipiliin niya pa ring maging miserable ako? Ang pagmukhain akong walang kwenta? Ang maging kasinungalingan pa rin ang buong buhay ko?! “Kung ganon mas gusto mong hindi ko na lang nalaman ang katotohanan?! Ang hindi ko malamang may anak ako?!” Nakatingin lang ako sa mga mata niya, umaasang may makikita ako don pero puno lang ng lungkot ang nakikita ko don. “Hindi, ewan… basta.” “Iwan mo muna ako, Van. Please.” Wala na itong ibang salitang sinabi at umalis na pero iniwan pa rin nito yung tray ng pagkain na dala nito. Kahit papaano napangiti ako, mahal ako ni Van at mahal ko rin siya, alam kong nag-aalala ito sakin pero hindi ko pa rin maintindihan. —Zack’s POV— “Umiiyak ka nanaman.” Agad yumakap sakin si Van ng pumasok ito sa kwarto namin. “Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tulungan mo ako.” pagmamakaawa nito sakin. “Baka kasi wala ka naman talagang dapat gawin. Bakit ba pinapahirapan mo ang sarili mo?” “Mahal ko si Gela, Zack, alam mo yan, hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya. Kapatid na ang turing ko dito.” “Alam ko yon, alam kong ganon mo siya kamahal, ang sakin lang bakit kailangang masaktan ka rin ng ganyan? Wala ka namang kasalanan sa nangyari sa kanya… sa kanila ni Rain. Nung mawalan siya ng ala-ala, nandon ka, hindi mo siya iniwan. Kahit ang buhay mo ngayon kinalimutan mo, bumalik ka sa nakaraan, binalikan mo yung taon na studyante pa kayo. Bumalik ka sa edad kung saan nag-aaral pa kayo. Sa panahon na natatandaan lang niya. Kinalimutan mo ang future mo para masahaman lang siya. Sobra-sobra na yung ginawa mo para kay Angela, siguro naman sapat na yon, baka kailangang si Rain naman ang may gawin para sa kanilang dalawa. Alam mong higit sating lahat si Rain ang mas nagmamahal kay Gela, nandon ka, nakita mo/natin kung paano nila minahal ang isa’t-isa. Galit lang si Rain noon pero siguro naman kaya na niyang patawarin si Gela sa pag-iwan nito sa kanila.” “Hindi ko kayang iwan si Gela, lalo pa ngayon, mas kailangan niya ako ngayon.” “Hindi ko sinasabing iwan mo siya, ang sakin lang, gawin mo naman yung tama, sinamahan mo siya noon dahil ayaw mong masaktan siya, pinili mong huwag na lang ipaalala sa kanya yung sakit nung nakalimutan niya ito. Pero sa pagkakataong ito gawin mo na yung tama, yung dapat. Hindi ako nanunumbat pero sana naman tingnan mo rin yung future natin. Asawa mo ako kaya sinusuportahan kita pero sa pagkakataong ito tayo naman ang isipin mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD