“Pupunta kami kay Nanay! Pupunta kami kay Nanay! Uuwi ni Tatay chi Nanay! Uuwi na chi Nanay!” Maligalig na pagkanta ni Sunny habang nasa sasakyan sila ni Rain.
Wala na sanang balak si Rain na iuwi pa ang babaeng yon kaya lang hindi natigil sa pag-ikay si Sunny at nag-aalala na siya para dito.
Dalawang araw na ang nakakalipas ng umalis si Angela sa bahay, hindi niya alam kung nasaan ito at hindi rin siya gumagawa ng paraan para mahanap ito. Sa nakalipas na araw na yon ay naging matamlay si Sunny, kapag nasa trabaho ako ay ang Lola nito ang nag-aalaga dito— Nanay ni Angela, kapag umuuwi ako ay bihira lang ako nitong pansinin. Hindi ako sanay na binabalewala ng sariling Anak.
Kagabi nagpasya na akong hanapin ito at sakto namang tatanungin ko na si Van tungkol kay Angela ay tumawag ito sakin para ipaalam na nandon ito sa bahay nila ni Zack.
Si Van at Zack ang dahilan kung paano ko nakilala si Van. Bestfriend ko si Zack at bestfriend din nito si Van kaya naging malapit ako sa barkadahan nila.
Sa mga nangyari samin ni Angela— sa ginawa niya samin ni Sunny, hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya pa ang mas kinampihan ng dalawang yon. Naiintindihan kong asawa ni Zack si Van kaya mas sinuportahan niya ito pero si Van, parang kapatid na rin ang naging turing ko sa kanya, alam ko ring kahit na may pagkabaliw ito ay alam niya ang tama. Pero nang magkahiwalay kami ni Angela ay mas kinampihan niya pa ito kesa sakin, tinulungan nila ito at sinamahan sa kasinungalingan.
—Gela’s POV—
“Gela?” Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Van sakin, hanggang ngayon nagmumukmok pa rin ako. Hindi ko akalaing magiging madram ako. Kaloka sa kalog kong ito at sa sobrang baliw kong ito hindi ko akalaing magagawa kong umiyak ng ganito. T___T
“G-gela, papasok na ako.” Bago pa niya sabihin yon ay nakapasok na siya. Tsk.
“Bakit?” Cold na tanong ko sa kanya. Ang totoo pinipigilan ko lang ang sarili kong yakapin ito. Namimiss ko na ang presensiya nito. Nung nagkasagutan kasi kami ay hindi na ako nito kinulit pa.
“N-nasa baba si Rain.” Bigla itong umiwas ng tingin sakin.
Agad akong napabangon. “A-ANO?!!!” Huwag niya sabihing pinasundo niya ako sa lalaking yon?!
“Kasama din niya si Sunny.” Dagdag pa nito, bigla naman akong natigilan.
“G-gusto ko siyang makita.” Sabi ko na lang na para bang yun ang unang pagkakataong makikita ko ang sarili kong anak. Tumango naman ito, tahimik kaming bumabang dalawa pagkatapos kong ayusin ang sarili ko.
Sobra akong kinakabahan, ang daming pumapasok sa isip ko, daming tanong. Piling ko sasabog na utak ko sa kakaisip! Pero mas kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Rain.
Alam na kaya nitong alam ko na ang mga nangyari? Anong gagawin nito sakin? Ilalayo ba nito sakin ang anak ko? Anong magiging reaksyon ni Sunny kapag nalaman niyang ako nga ang Nanay niya?
“NANAY!” natigil ako sa pag-iisip dahil sa pagtawag na yon sakin ni Sunny.
Agad kong kinagat ang sariling labi para hindi mapaiyak. Tumayo ito at sinalubong ako ng yakap kahit kabababa ko pa lang ng hagdan. Lumuhod ako para mayakap ko rin ito.
“Sunny… my baby.” Agad kong pinahid ang pumapatak na mga luha sa pisngi ko.
“Kamusta na ang Baby ko?” tanong ko na may ngiti sa labi. Iniharap ko ito sakin kaya nakita ko ang mukha nitong paiyak na, mukhang sakin pa siya nagmana sa pagiging iyakin ah. Niyakap ako nito ulit.
“Wag ikaw alis.”
“O-oo naman, sorry, may ginawa lang ang Nanay.”
“Umuwi na tayo.” Panira ni Rain sa eksena namin ni Sunny. =_____=
Sigurado ba si Van na naging asawa ko ang lalaking ito? Si Sunny wala akong pag-aalinlangang anak ko siya pero ang lalaking ito. Tsk. Hindi ko maimagine ang sarili kong minahal ito! Gwapo lang naman ito eh, bukod don wala na! Teka, mabait din pala siyang Ama, may magandang trabaho, matalino, ma—teka nga! Bakit ko ba ito pinupuri?
“Mamaya na kayo umalis. Dito na kayo mag-umagahan, ilang araw na kasing hindi kumakain si Angela dahil wala itong gana kaya—”
“May pagkain sa bahay ko, Zack.” Sabi nito na hindi man lang lumilingon kay Zack sa halip ay sa anak lang ito nakatingin.
“Pare naman, ilang taon din tayong hindi nagkita, kahit papaano namiss din kita.” Biro nito pero hindi man lamang nagbago ang reaksyon nito. Wala itong emosyon na pinapakita.
“Ikaw ang pumili niyan, huwag kang umakto na para bang mahalaga ako sayo… sa inyo.” Binalingan nito si Zack tapos kay Van.
“Hindi mo naiintindihan Rain—” bago pa man matapos ni Van ang sasabihin ay sumingit na agad si Rain.
“Hindi naiintindihan ang alin?!” naging mataas na ang boses nito.
“T-tatay…” Agad itong bumaling ulit kay Sunny.
“Halika na.” Kinarga nito si Sunny at nagsimula ng lumabas.
Naitigilan naman ako, hindi ko alam kung dapat ba akong sumunod o hindi.
“Ano pang hinihintay mo? Hindi mo na rin ba maalala kung paano lumakad?! Tuturuan pa ba kita?!”
Kahit na masama ang loob ko dahil sa sinabi nito ay tumayo na ako at sumunod dito palabas. Sobrang naiinis ako dito, gustong-gusto ko siyag saktan!
Akala ba nito hindi ako nahihirapan?! Sa tingin pa rin ba nito nagkukunwari lang ako? Ganon na ba talaga siya kawalang puso? Sobra akong nagagalit dito! Pero… pero naiisip ko rin na baka ako rin ang dahilan kung bakit siya naging ganito. Kung bakit naging ganito katigas ang puso niya sa ibang tao.
Paano kung hindi naman talaga siya ganito noon? Paano ko tatanggapin na baka ako ang dahilan kung bakit naging ganito siya kalamig sa iba?
Ano nga ba siya noon?
Bakit ko siya minahal? Hindi naman kami magpapakasal kung hindi namin minahal ang isa’t-isa, diba?
Sino ka nga ba Rain Buenavista?