Kabanata 17

1025 Words
"Ngayong alam mo ng anak mo si Sunny, kahit Nanay ka nga ng Anak ko wala kang obligasyon sa kanya. Hindi mo na siya pag-aari o kung ano pa man, apat na taon kang wala sa buhay niya at hindi naman niya ikinamatay yon. Wala kang karapatan sa kanya dahil unang-una sa lahat ikaw mismo ang umayaw sa bata." Napakunot noo ako dahil sa sinasabi nito. Nandito kami ngayon sa bahay ng mga magulang ko dahil dito na dumiretso si Rain pagkaalis namin kena Van. Buti na lang nandito sina Mama at Papa kaya sila ang kasama ngayon ni Sunny. Gusto akong makausap ni Rain ng private kaya nandito kami ngayon sa kwarto ko. Nawala yung kaba at pagkailang ko dahil sa presensya nito sa kwarto ko pero napaltan naman iyon ng inis. Balak niya bang ilayo si Sunny sakin?! Kaya niya ba ako gustong makausap ng sarilinan dahil alam nitong hindi papayag ang Anak ko! "W-walang karapatan? Kailan pa nawalan karapatan ang isang Ina sa kanyang Anak?!" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. "Sa oras na iwanan niya ito." makahulugang sagot nito. Natamik naman ako saglit dahil don. "Hindi ko siya iniwan." Siguradong sagot ko. Alam kong sinasabi ng lahat na iniwan ko si Sunny. Kung nakalimot man ako, alam ko sa sarili kong hindi ko magagawang mang-iwan ng isang inosenteng sanggol! Baka nilayo talaga nila sakin ang Anak ko at iyon ang aalamin ko. "Hanggang ngayon ba ididiin mo pa rin yan, wala kang maalala, diba? Hindi pa rin ako naniniwala sa mga pagkukunwari mo pero kung nagkaamnesia ka nga paano mo nasabing hindi mo iniwan ang Anak ko?!" "Wala nga akong maalala pero hindi ibig sabihin iniwan ko nga ang Anak ko tulad ng iginigiit nyo sakin!" "Anak mo? Anak mo, ha?! Huwag mong tawaging Anak ang Anak ko!" Mababakas ang galit sa mukha nito. Kahit na natatakot na ako dito ay hindi ako nagpatinag. "Bakit hindi? Anak ko din s--" "Wala kang karapatan sa kanya!" Giit pa rin nito. Hindi ko alam kung bakit sa halip na takot ang maramadamn ko dahil sa galit nito ngayon ay mas nangibabaw ang awa ko para sa kanya. Binalot nanaman kaming dalawa ng katahimikan. Nakatingin lang ako dito habang siya ay nakatungo lang at nakasabunot ang dalawang kamay sa sariling buhok. Siguro gustong-gusto na ako nitong sakalin pero pinipigilan lang nito ang sarili. Ganyan na ba talaga katindi ang pagkamuhi mo sakin, Rain? Sana hindi ko na lang nakalimutan ang lahat para kahit papaano may alam ako kung bakit ganito ang galit niya sakin. Siguro alam ko na ang dahilan kung bakit galit ito pero ayaw ko iyong paniwalaan. "Wala talaga akong naaalala tungkol sa iyo o kay Sunny." basag ko sa katahimikan. "Sorry kung sa tingin mo pinagpipilitan ko ang sarili ko sa inyo. Gusto ko lang naman malaman ang lahat, alam kong nahihirapan ka pero nahihirapan din ako. Bago para sakin ang lahat ng ito, isang araw malalaman ko na lang na hindi na pala ako isang college student, na ang paaralang pinapasukan ko ay pagmamay-ari pala ng pamilya ko. Tapos malalaman ko na lang na may pamilya na pala akong sarili, na may anak at asawa na pala ako. Sa maniwala ka man o hindi, di ko na mababago ang katotohanang hindi ko kayo maalala pero sinusubukan ko. Gusto ko kayong maalala at yung Angela na nakalimutan ko. Kung nasaktan nga kita noon sorry..." "Hindi ganon kadali yon!" "Pwes bigyan mo ako ng pagkakataong itama ang lahat!" "At paano ka nakakasigurong gusto kong itama mo pa yon?! Na gusto pa kitang makasama?! Iniwan mo kami! Iniwan mo ako! Ngayon sabihin mo sakin paano pa kita mapapatawad kung apat na taon mo kaming pinabayaan ng Anak mo?!" "Dahil kay Sunny, hindi ba pwedeng gawin mo ito para sa kanya? Nagmamakaawa ako sayo Rain, kahit para man lang sa Anak ko... natin." "Nabuhay ang Anak ko ng wala ka... APAT na taong wala ka." "Kaya nga gusto kong bumawi sa kanya. Huwag mo naman akong ipagkait kay Sunny." "Wow, Angela! Ako pa ang nagkakait sa Anak ko?! Hindi ba't ikaw ang nagkait ng isang Ina sa kanya sa simula pa lang?!" "Yun ang sinasabi nyo! Bagay na hindi ko maalala! Siguro nga tanggap ko nang may pamilya na ako pero hindi ko matatanggap ang sinasbai nyong iniwan ko ang Anak ko! Ang dali lang naman nito para sakin, Rain... ang hindi kayo paniwalaan. Ang dali naman para saking isipin na niloloko at ginogoodtime nyo lang ako pero ang batang yon... si Sunny, meron akong nararadaman sa batang yon na hindi ko maintindihan. Alam mo ba kung gaano kasakit sa ulo ko ang lahat ng ito?! Gusto kong hindi kayo paniwalaan pero sa tuwing maaalala ko si Sunny may tumutulak saking patuloy na maniwala sa lahat ng ito para hindi mapahiwalay sa batang yon! Kahit sa kokonting panahon na nakilala ko siya alam ko at nararamdaman kong akin ang batang yon. Sakin siya! Sakin siya nanggaling, hindi ko man maalala naiimagine ko na sa loob ng siyam na buwan may isa akong batang inalagaan sa loon ng sinapupunan ko. Sa isip ko hindi pa ako handang maging Nanay pero sa tuwing maaalala ko si Sunny nakakalimutan ko ang alalahaning yon. Kaya sana naman hayaan mo akong maging Nanay sa Anak ko." Ilang sandali muna itong nanatiling nakatingin lang sakin na kinailang ko pero hindi ako makapaniwala sa susunod na sasabihin nito. "Limang buwan, hindi tatlong buwan lang." "Oh, my gosh! T-talaga?! Pumapayag kana?!" mangiyak-ngiyak na tanong ko dito--hindi pa rin makapaniwala. "Sa isang kondisyon." "Ano? Kahit ano pa yan! Basta ba makasama ko ang Anak k--" "Pipirmahan mo na yung divorce paper nating dalawa." Nagbibiro ba siya?! "K-kinasal ba tayo?" Parang ewan na tanong ko. Malamang Angela, kaya nga naging mag-asawa kayo! Aish. >_______"Ano ba sa tingin mo? Magiging mag-asawa ba tayo dahil lang mahal natin ang isa't-isa?!" Natigilan naman ako sa sobrang gulat dahil sa sinabi nito at mukhang ito rin hindi makapaniwalang sinabi niya yon. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi nito. Mukhang hindi lang si Sunny at ang sarili ko ang kailangan kong alalahanin sa mga bagay na nakalimutan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD