—Van’s POV— Tatlong araw na ang nakalipas simula ng umalis si Gela dito sa bahay, ang sabi nito sumama lang ang loob niya kay Rain pero okay na siya. Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Zac ay naisip ko na tama ito na karapatan malaman ni Rain ang nangyari kay Gela noon. “Bakit mo ako pinapunta dito?” iritang tanong agad nito. Sanay na ako sa pagiging masungit nito, dati na naman kasi siyang ganyan. Parang palaging galit sa mundo, siguro dahil nabuhay itong mag-isa. Si Angela ang nagbigay ng kulay sa mundo nito noon. Hindi ko na lang pinansin ang pagsusungit nito. “Umupo ka, marami akong kailangan sabihin sayo.” “May trabaho pa ako.” “Sandali lang ito, Rain. Naalala mo pa ba ang lugar na ito? Marami tayong magagandang ala-ala dito, pati na rin si Zac at Gel—” “Kung wala kang trabaho

