—Van's POV— "Rain? Oh, kamusta? Himala naliga--" "Nandito ba ang mag-ina ko?" "Ano?" nabingi ata ako. Hinahanap nito si Gela at Sunny?! "Pakiusap, Van, sabihin mo sakin na nandito sila." Gusto kong isiping ginugoodtime lang ako nito pero sobrang lungkot ng mukha nito mababakas din don ang takot. "Wala sila dito." "Please... Vanessa..." "Rain," hindi ko alam kug ano ang dapat sabihin, punong-puno ang mata nito ng pagsusumamo. "Wala talaga sila dito." niluwagan ko naman ang pagkakabukas ng pinto. "Pumasok ka muna." Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Baka naman may pinuntahan lang sina Gela? Imposibleng umalis ito ng hindi nagsasabi sakin. Isa pa, san naman ito pwedeng pumunta?! "Hindi kaya nakakaalala na siya?!" nakaramdaman ako ng takot. Huwag naman sana. Imposible p

