๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
Pagdating namin ni Taruray sa bahay ng Giordano, agad siyang nagpaalam sakin na mag-report kay Wildker. Ako naman ay nagtungo sa aking silid para makapagpahinga. Napagod akong makipagtalo sa kanila, sila pa itong matatapang kahit walang-wala ng pera at mapuntahan.
Nagtungo ako sa banyo para mag-half bath muna para mamayang dinner ay maayos pa rin ang aking itsura. Hindi ko alam kung paano ang pakikitungong gagawin sa magkakapatid. Kilala sila bilang isang nakakatakot na pamilya. Tapos kasama ko pa sa iisang bahay ang tatlo sa kanila. Parang isang maling sagot ko lang sa mga tanong nila ay bigla nalang akong bumulagta sa sahig. Pero kung makipag-usap si Taruray ay wala itong katakot-takot, close kaya sila?
Nang matapos akong maligo at magpalit ng pang tulog. Nagtungo na ako sa kama sakto namang tumunog ang aking cellphone.
Meron message si Wildker, nagsalubong ang akong dalawang kilay dahil sa kanyang sinabi.
๐๐ช๐ญ๐ฅ๐ฌ๐ฆ๐ณ: ๐๐ช๐ณ๐ข ๐บ๐ข๐ต๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ณ๐ฆ๐ญ๐ฐ ๐ฌ๐ฐ.
Napataas ang isa kong kilay, wrong send ba siya? And so, bakit sakin niya sinasabi?
๐๐ฌ๐ฐ: ๐๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช ๐ฌ๐ฐ!
Mataray kong reply, edi ipagawa niya or bumili ng bago total mayaman naman siya. Kailangan pa bang ipaalam na nasira relo niya, dapat updated din ba ako?
๐๐ช๐ญ๐ฅ๐ฌ๐ฆ๐ณ: ๐๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฃ๐ข๐ฌ๐ช๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐จ๐ฐ๐ต ๐ฎ๐ฐ! ๐๐ญ๐ช๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ ๐ฎ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ.
Ako pa KJ anong kinalaman ko sa pagkasira ng relo niya, baliw ba siyang tao?
๐๐ฌ๐ฐ: ๐๐ข๐ฌ๐ช๐ต? ๐๐ช๐ณ๐ข๐ถ๐ญ๐ฐ ๐ฌ๐ข ๐ฃ๐ข?!
Medyo naiinis kong reply sa kanya. Ano na naman kayang sasabihin ng siraulong โto? May oras yata siyang sumira ng araw! Ibang klaseng trip sa buhay!
๐๐ช๐ญ๐ฅ๐ฌ๐ฆ๐ณ: ๐๐ข๐ด๐ช ๐ฉ๐ถ๐ฎ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ณ๐ข๐ด ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ต๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ธ๐ข. ๐๐ข๐บ๐บ๐ช๐ช๐ฆ๐ฆ๐ฉ๐ฉ!
Sumingkit ang aking dalawang mata dahil sa kanyang message. Ano โto pick-up line na walang kwenta, wala ba siyang magawa sa buhay? Akala ko ba sobrang busy niyang tao, may oras pa itong bumanat ng ganito?
๐๐ฌ๐ฐ: ๐๐ฉ ๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด? ๐๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฃ๐ข ๐ฌ๐ช๐ญ๐ช๐จ๐ช๐ฏ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฌ๐ฐ?
Agad kong reply, sumandal ako sa headboard ng kama habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin. Habang hinihintay ko ang message niyaโy aking sinusuklay yung b4sa kong buhok.
Nabaling ang aking atensyon nang muling tumunog yung cellphone ko. Nang mabasa ko if anong message niyaโy agad akong bumaba sa kama.
๐๐ช๐ญ๐ฅ๐ฌ๐ฆ๐ณ: ๐๐ฃ๐ข ๐ฐ๐ฐ, ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ด๐ถ๐ฌ๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฅ๐บ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ธ๐ข๐ณ๐ต๐ฐ ๐ฎ๐ฐ!!
Siraulo ba siya, dali-dali kong ni-lock yung pinto, lalo akong kinabahan nang may kumatok. Lintik, pumunta ba talaga siya dito? Hindi ko binuksan ang pinto, mahigpit kong hinawakan yung door knob para โdi mabuksan.
Muli siyang kumatok, magkakasunod para pa itong galit. Hindi na pagkatok ang kanyang ginawa, pinapalo niya na yung pinto.
โMs Sahastra!!โ Napataas ang isa kung kilay nang marinig yung boses ni Taruray. Bakit parang nag-expect akong siya ang kakatok sa pinto? My gรดd Sahastra, gumising ka!!
โSi-sino yan?!โ Paninigurado ko, dahil baka mamaya ay ginaya lang niya ang boses ni Taruray.
โSi Taruray, nakahanda na ang pagkain at ikaw nalang yung hinihintay sa dining room.โ Agad nitong sabi, dali-dali ko namang binuksan ang pinto bago tuluyang lumabas sumilip muna ako sa paligid dahil baka kasama niya si Wildker.
โMay problema ba Ms Sahastra?โ Nagtataka niya na tanong habang nakatingin sakin.
โHindi mo kasama si Wildker?โ Pabalik kong tanong, agad siyang umiling. Nakahinga akong maluwag, mabuti naman dahil nakakatakot ang kanyang sinabi akala ko totoo na.
โTingnan mo kasi ang mga message niya sakin. Nakakakilabot!โ Sabi ko sabay ipinakita ang aking cellphone, nagsalubong yung dalawa nitong kilay at pigil na pigil sa kanyang pagtawa.
โSinabi niya yan?โ Hindi makapaniwala na tanong nito, inosente naman na tumango ako bilang sagot sa kanya, ano gang meron?
โWal4nghiya may ganyan pa siyang banat ngayon?โ Natatawa niyang sabi, halos mamula ang mukha nito dahil sa pagpipigil ng tawa.
โWag mong sasabihin na pinakita ko sayo baka magalit siya sakin.โ Kinakabahan ko na sabi sa kanya habang pababa kami ng hagdan.
โHindi ko maipapangako dahil sa ganyang bagay bumabawi ang isang Taruray. Kapag nagtulong ang tatlong kvpal na magkakapatid, lagi akong kawawa.โ Nakangisi nitong sagot, lalo tuloy ako na-curious kung gaano sila ka-close.
โMatagal ka ng nagtatrabaho sa kanila?โ Tanong ko, tumango naman ito bago nagsalita. Mukhang excited pa siyang mag-kuwento, nanatili naman akong tahimik hinihintay kung anong sasabihin.
โParents ko ang unang nanilbihan sa kanilang pamilya, noong four years old ako nakilala ko silang magkakapatid. Baby pa noon si Wildker, kaya ang madalas kong kalaro ay yung dalawa. Kung saan sila nag-aral doon din ako, kaya ang alam ng iba ay nag-iisa akong babaeng kapatid nila.โ Kwento nito, kaya pala hindi siya naiilang or napipikon dahil chilhood friends sila.
โMeron akong isang kapatid sa ina, pero hindi kasing sama ng ev!l sister mo. Soon makikilala mo rin siya, ang kaaway nilang tatlo.โ Dagdag pa nitong kwento bago binuksan ang pinto ng dining room.
โHello sis,โ masiglang bati sa akin ni Celt, parang hindi niya ako nakita kanina. Normal ba silang tatlo? Si Wildley lang ang maingay sa kanila, yung dalaww ay may mga sariling mundo.
โHi asawa ko.โ May pang aasar niyang tawag kay Taruray, hindi siya pinansin nito.
โDito ka sa tabi ko, Darling.โ Tawag naman sakin ni Wildker bago hilahin ang katabi nitong upuan. Wala akong choice kundi ang umupo doon, katabi ko si Taruray katapat niya yung bunso nila Wildker.
โMs Sahastra, saan kayo nagkakilala ni Wildker? Anong nagustuhan mo sa kapatid ko?โ Seryoso na tanong ni Wilder habang kumukuha ng ulam niya, magsasalita na sana ako pero naunang sumagot si Wildker.
โBigla ka yatang nagkaroon ng interes sa aking asawa?โ Pabalik nitong tanong, wala bang alam ang dalawa niyang kapatid tungkol sa aming kasunduan?
โAlam mong hindi siya matatanggap ni Donya Giordano, dahil ang gusto niyang pakasalan mo ay yung babaeng nagligtas sa kanya.โ Seryoso nitong sagot habang malamig na nakatingin sakin.
โTsk, bakit ko pakakasalan ang babaeng yun? Si Sahastra ang aking mahal, kaya nga pinakasalan ko na siya agad. Matagal na kaming nagkikita, at talagang itinago ko ang aming relasyon.โ Pagsisinungaling nito, tumingin siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.
โBakit kailangan niyang makialam kung sinong babae ang dapat kong pakasalan? Bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa babaeng gusto niya?โ Malamig niya na tanong, lalo namang naging seryoso ang mukha ni Wilder.
โGood luck, sana lang kayang harapin ng asawa mo si Donya Giordano. Meron tayong family dinner sa susunod na linggo, at sinabi ni mom isama mo ang iyong asawa!โ Malamig nitong sagot, bigla naman akong kinabahan. Humigpit ang pagkakahawak ni Wildker sa aking kamay, pilit naman akong ngumiti para ipakitang hindi ako natatakot.
โNasa hapag tayo, pwede bang mamaya niyo na pag-usapan ang bagay na yan!โ Seryoso na sita ni Wildley habang kumakain.
Umayos naman ako sa kinauupuan ko, binitawan na rin ni Wildker ang aking kamay at sinandukan ako ng kanin at ulam.
Wala na muling nagsalita sa amin, tanging mga kubyertos na lamang ang naririnig na ingay dito sa dining room. Minsan ay nahuhuli kong nakatingin sa akin si Wilder, hindi ko alam if anong problema niya bakit ako ang kanyang pinag-iinitan.
Hindi ako makakain ng maayos dahil sa aking nalaman. Malamang bilang asawa ni Wildker ay dapat kasama ako sa family dinner nila. Pero hindi ko inaasahang agad-agad akong dadalhin doon, nakakatakot ba si Donya Giordano? Sa tono palang ng pananalita ni Wilder ay para na akong hihimatayin sa takot.
Siguro naman hindi ako pababayaan ni Wildker, sana ay walang maging problema sa kanyang pamilya.
โAre you alright?โ Tanong ni Wildker dahilan para mapatingin ako sa kanya.
โOh, yes okay lang ako. Meron lang akong naalala. Pagsisinungaling ko sa, ayokong magalala pa ito.
โGusto mo bang sumama kay Taruray Bukas? Meron siyang party na pupuntahan at gusto kong ikaw ang makipag-business deal sa ibang negosyante. Gusto kong isampal kay Wilder na hindi ka lang basta babae. Ipakita mo kung paano kita nagustuhan.โ Seryoso nitong sabi bago tumingin sa kanyang kapatid.
โAyokong minamaliit ang aking asawa! Mukhang hindi pa worth-it para sa kanila kung anong klase kang babae.โ Dagdag nitong sabi, mukhang magkakainitan pa silang magkapatid.
Tumikhim si Taruray at agad na uminom ng tubig, kung magpapatuloy ito Siguradong may mangyayaring gulo dito sa dining room. Huminga akong malalim, magsasalita na sana ako ngunit nauna na si Taruray.
โSira yata ang relo ko.โ Nanlaki ang aking mga matang tumingin sa kanya dahil bakit niya sinabi iyon.
Tinitingnan niya ang kanyang relo โHala huminto na nga ang oras-โ agad ko siyang siniko dahil baka makahalata si Wildker.
โSige sasama ako bukas kay Taruray, mauna na kami aayusin pa namin ang relo niya.โ Pagsisinungaling ko bago tumayo at hinila si Taruray sa kinauupuan nito. Nagtataka namang tumingin sakin si Wildker, matamis akong ngumiti bago muling hinila palabas ng dining room si Taruray.
Malakas itong tumawa na tila may halo pang pang-aasar. Hawak nito ang kanyang tiyan at naluluha pang tumatawa. Napailing na lamang ako dahil kapag nagpatuloy ito ay talaga malilintikan na ako kay Wildker.
To be continuedโฆ