Agamani Astrid Ghaile Acosta
Napuyat talaga ako kakaisip dun sa pangalan na nakita ko sa book of records ng Blashzone. Actually i was thinking when he joined Blashzone. When he's 14?, 3 days ago na pero yun parin ang dahilan ng hindi ko maayos ng pagtulog sa loob ng 4 nights.
Santil del Rosario.
Napa upo ako at sinabunutan ang buhok ko.
Kinginaaa!
"Uy ayos ka lang?" Tanong nung isa kong kaklase. Nag angat naman ako ng tingin.
"Yeah. Why?" Inaantok na tanong ko at ngumiti naman sya bago mag lahad ng kamay.
"Ako nga pala si Vince" kinuha ko naman yun. "Bat parang antok na antok ka?" Tanong nya at umiling naman ako.
"Nag iisip lang" sagot ko at napa hikab kaya narinig ko naman ang pag bungisngis nya.
"I have someone who can cure sleepiness. Wanna try?" ngumiti ako at tumango since ayaw ko rin naman maka tulog sa klase.
Tumayo sya kaya sumunod ako.
"Saan tayo punta?" Tanong ko ng huminto kami sa elevator at pinindot nya yun.
"Dun sa tao na makakapagtanggal ng antok mo" kahit nag tataka ay tumango nalang ako at saktong pag tunog ng elevator ay ang pag labas ng mga pinsan ko.
"What the heck Astrid?!" Bungad sakin ni Vreu kaya napa ngiwi nalang ako.
"Hindi ka nanaman sumabay" utas ni Hemilton at kinaltukan ako.
"Aray! Ano ba?!" Inis natanong ko pero imbis na ako ang pansinin nila ay ang katabi ko.
"Bat mag kasama kayo?" Tanong ni Galaxy kay Vince.
"Tutulungan ko lang sya patanggalin yung antok nya" inosenteng sagot nito.
Bigla namang sumeryoso ang mga mukha nila.
"Hindi na, gising na yan. Nakaltukan na eh" si kuya Aquil at hinila ako papunta sa tapat ng room namin nina Vreu.
"Oh? Mga mukha nyo?" Taas kilay kong tanong dahil nag titinginan sila na para bang nag uusap sa tingin.
"Iwasan mo yun si Vincent Hidalgo" napakunot noo naman ako.
"Well that ain't easy dahil nasa iisang room kami" naka ngiwing sagot ko sakanila kaya bumuntong hininga naman sila pare-pareho.
"Papayagan ka na namin mag karera at mag maneho---" napangiti naman ako ng malawak at napa-yes! "Pero iiwasan mo si Vincent Hidalgo" napa irap naman ako.
"What ever! As long as i can drive my babies in the race track beybeh!" Masiglang sabi ko at pumasok sa room.
Shit lakas maka good mood!.
Kaya naman hanggang sa matapos ang klase namin ay masayang masaya ako. Kahit sinong kumausap sakin sa loob ng room namin ay kinakausap ko at infairness ay hindi ako naasar kay Cazdrin ngayon.
"Tara tara" aya ko at nag paunang tumayo.
"Would you stop acting like that? Para kang bulate'ng binudbudan ng asin" puna ni Caz na inirapan ko pero hindi natanggal ang mga ngiti ko.
"Walakangpake ha" sabi ko at hinila ang mga pinsan ko pero lalo silang nag pabigat kaya kay Dremion nalang ako lumapit at hinila sya.
"Hey easy! You're too hyped up huh?" Naka ngiting aabi nya at nginitian ko lang sya.
"Bastaaa, let's go i'm hungry" aya ko at hinila narin si Kriz.
Silang dalawa kasi ang naging madalas kong makasama since maraming close ang mga pinsan ko at mga kapatid ko. Sa ibang klase nga lang. Like from section Gold and lower Mariv section
"Eto na!" Patawa na sabi ni Kriz at tumayo kaya patalon ko silang hinila sabay sukbit ng braso ko sa braso nilang magkabila at hinila sila.
"Ang hyper mo ngayon ha" naka ngiting puna ni Kriz.
"Hoy! Hindi porket kaibigan mo ang kapatid ko may pasukbit sukbit na aba!" Mukha agad ni Kuya Aiden ang sumalubong samin pag bukas ng elevator pero walakompake sakanilla.
"Yaah! Hands off!" Puna ni kuya Aquil at hinampas pa ang mga braso namin.
"Tsk! Bakit ba?! Wala namang malisya ah?! STFU!" sabi ko at napilitang bumitaw at kay Hemilton at Vreu kumapit.
Sabay sabay kaming bumaba.
Patalon talon pa ako habang nag lalakad at naka simangot naman ang mga kasama ko maliban kay Dremion at Kriz na nakikitawa.
"Ano ba? Para kang bata" parang naasar na sabi ni Caz kaya napasimangot ako.
"Tsh. Whatever my mood is again ruined" sabi ko at pabatong bintawan ang mga mga kamay nila na akala mo naman makikinis kung maipag damot nilsa sa sarili nilang pinsan bago ako nangunang mag lakad at pumasok sa cafeteria.
Padabog ako mula sa pag bukas ng pintuan, pag punta sa upuan, pag lapag ng bag at mag punta sa pilahan.
Bwisit kasi eh, ang saya saya ko na eh panira talaga yan si Cazdrin.
Nakaramdam naman ako ng kamay sa balikat ko kaya agad kong tinapik yun at inis na humarap.
Yung punyetang lalaki na maninira mood.
Narinig ko ang mahina nyang pagtawa kaya inis ko syang tinignan.
"May period ka ba?" Natatawa na sabi nya kaya inirapan ko sya.
"Oo! Gusto mo itapal ko sa bibig mo yung---arayy!" Bigla nya nalang kasing pinitik ng malakas yung noo ko. Take note! May pilatok pang malakas na tunog!
Meron talaga ako kaya lakas makagago ng mood ko at isabay mo pa yung apat na gabing wala kong tulog. Punyeta.
"Sige na! Ako na mag babayad ng kakainin mo" napangiti naman ako ng malapad.
May silbi rin pala ang lalaking to.
Matapos namin makabili ng kakainin ay naka ngiti nanaman ako at kung wala lang akong dala na dalawang tray ay malamang tumatalon ako.
Nakadawit ng libre eh.
"What the heck is up to this woman" dinig kong bulong ni kuya Aiden kaya inirapan ko sya.
"Being a woman" angil ko at pabagsak ulit na binaba ang tray at padabog na umupo sa tabi ni Dremion na medyo malayo sa pwesto nila.
"Bwanang dugo" nakakalokong bulong ni Krizz.
"Oy, balik tayo Blazhzone" napalingon naman sila sakin.
"Buti sana ay kung mag kakarera ka" naka ngiwing sabi ni Caz.
"Okay" sabi ko at sumubo ng fries.
"Mag kakarera ka?" Tanong ni Dremion kaya nilingon ko ang mga pinsan at kapatid kong buntong hining at iling nalang ang nagawa.
"Marunong naman kasi ako." Sagot ko at nag kwentuhan nalang sila habang nag tatanong parin sakin si Dremion.
Sinasagot ko naman sya pero mas madalas yung pag subo ko ng pag kain.
Napalingon ako sa table ng ilan naming kaklase. Nakita kong nakatingin si Vince sakin at bahagya pa syang ngumiti pero nag iwas ako ng tingin.
Baka makapag karera na mabawi pa.
Mas importante sakin ang mga sasakyan ko pwede ba! Edi sana kung si Justin Beiber yan! O kaya si Leonardo Dicaprio---ay baka bigla ngang sumulpot sa harapan ko!
Napalingon naman ako sa salaming pader ng cafeteria at sa hindi kalayuan ay nakita ko ang dalawang pamilyar na lalaki.
Si Justine at Leonardo. Char.
Napatayo pa ako at pinag masdan yun.
"Uy? May problema ka?" Tanong ni Kriz sakin pero di ko pinansin.
Nang mapansin ako ng dalawang lalaki na naka tingin sakanila ay ngumiti silang pareho sakin kaya biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Napakurap kurap pa ako.
Nang kinusot ko ang mata ko ay wala na sila run.
"Maupo ka nga, hindi kaya sabog ka at wala ka naman talagang bwanang dugo kaya nag hahalucinate ka na dyan" asar ni Caz kaya matalim ko syang tinignan.
Hanggang tingin lang baka di na maulit yung libre hehe.
Umupo naman ako at napaisip.
Para kasing si Garnet yun eh...
Baka nga sabog ako. Anubayan!