Agamani Astrid Ghaile Acosta
"Aga!" Bati sakin ni Cheetah pag pasok namin sa glass studio. Aamba pa sya ng yakap ng hinarangan ako ni Kuya Craine.
Hindi sumama sina Vreu dahil mag clu-clubbing naang raw sila kaya ang kasama ko ngayon, si kuya Bendriv, Kuya Craine, Kuya Sherwin at yung tatlong ugok.
"Oh? Walang matinong makakalaban ngayon" sabi nito at umupo sa sofa sa harapan namin.
"Edi kami kami nalang" sagot ni kuya Sherwin.
"Pwede din... dun nalang kayo sa street track" sabi naman ni Cheetah.
Apat daw kasi ang race track dito. Race lap track na kung saan ginaganap ang mga race with money bets. Rocky Track kung saan naman mag o-off road ka and monster trucks ang gagamitin with usual bets. Waving track kung saan naman nagaganap ang motorcycles race. Street track naman ay para lang Race Lap pero mas mahaba ang diretso at maraming kurba pero hindi paikot na hindi katulad sa Race Lap na kung saan ka nag start ay dun ka hihinto matapos maka ikot ng pito.
"Mag kakarera rin si Agamani" sabi ni kuya Craine kaya napatayo si Cheetah.
"Akala ko ba hindi ka marunong?" Kunot noong tanong nya sakin kaya napakamot ako sa batok.
"Pumayag na kasi sila kahit minor pa ako" umiling naman si Cheetah at napabuntong hininga pa.
"Gusto ko rin mapanood kung pano mag karera ang isang babaeng Acosta" sabi ni Cheetah at may sinensyasan naman sya. "Tara!" Aya nya samin kaya sumunod naman kami.
Bigla naman may humawak sa braso ko.
"Don't ever trust Cheetah." Paalala ni Dremion at napatango naman ako. Hindi na ako umalis sa tabi nila ni Kriz hanggang sa pag baba.
May nilakaran kaming parang tulay na nag durugtong sa dalawang gusali at don kami sumakay pa ulit pababa ng elevator at ng pag labas namin ay isang malawak na Race Track.
"Pinakuha ko na ang mga kotse nyo" maya maya lang ay huminto ang mga sasakyan namin. "Umpisa na" sabi pa nya at iniaro ang mga kotse namin.
Sumakay naman ako sa sasakyan ko. Ang mga kasama ko ay nananatili parin sa labas kaya binaba ko ang bintana ko.
"Hey! Ano na?" Tanong ko at sinenyasan sila kaya sumakay naman sila sa kanya kanya nilang sasakyan.
Nag punta kami sa gitna at humilera ng dalawang linya, Apat tatlo. Nasa likuran ako ni kuya Bren at katabi ko ang sasakyan ni Cazdrin.
Nag punta si Cheetah sa tapat namin sa pagitan ng dalawang kotse sa gitna at itinaas ang flag hudyat ng pag hahanda.
Sinimulan kong painitin ang makina sa pag tapak ko sa gas. Ganun din ang ginawa ng iba hanggang sa ibinaba na ni Cheetah ang flag at nag uunahang tumakbo ang mga sasakyan namin.
Nasa pang apat ako sa likuran ni Cazdrin at nasa likuran ko naman si Kuya Craine, Kriz, at kuya Brendiv. Mag kakalapit lang ang mga pwesto namin hanggang sa malampasan ni Cazdrin si Dremion. Inapakan ko rin ang gas ko at nag drift kaya napatalikod ang kotse ko at mag kaharap kami ng kotse ni Dremion kaya ngumiti ako at kumaway bago inikot yun ng tama.
Nalampasan narin namin si Kuya Sherwin kaya kaming dalawa ni Cazdrin ang nag hahabulan hanggang sa tumapat sa bintana nya ang bintana ko. Nang ibaba nya ang kanya ay binaba ko rin ang bintana ko.
"You have a unique way of racing!" Sigaw ni Cazdrin.
"So you are!" Sigaw ko pabalik.
"Your good for a woman" sabi nya at nag flip hair pa ako.
"I'm better than anyone in Acosta." Sabi ko at tinapakan ang gas, may sinabi pa sya pero hindi ko na narinig dahil sa pag lampas ko.
"No you're not!" Pahabol pa nya
Nauna ako sakanya at palayo ng palayo ang agwat namin ng biglang tumapat nanaman ang bintana nya sakin.
"I believe that you learned it from the best---Garnet Gem Acosta" nilingon ko sya at napalingon ako sa daanan.
"f**k f**k f**k! I can't remove your feet!"
Napapikit naman ako ng maalala ko yun at wala sa wisyong inapakan ang break.
"Don't cry, get off! Now!"
Nasabunutan ko ang sarili ko at dumukdok sa manibela. Nag simula nanaman akong umiyak ang manginig.
Bakit dito ko pa maririnig ang pangalan nya?
Tinignan ko ang Race Track at sa mismong finish line ako naka hinto habang nasa medyo kalayuan ang kotse ni Cazdrin na naka hinto.
"I love you Astrid... Mahal na mahal ka ni Kuya"
Napapikit ako at mas naluha.
May nakita naman akong papalapit kaya agad kong sinara ang bintana. Gusto ko muna mapag isa.
Tama naman ang hinala ko na kumatok si Dremion sa bintana ko. Hindi ko sya nilingon at nanatiling naka yuko. Mas lumakas ang pag katok at nang nilingon ko yun ay pare-parehas na silang nandon.
Binaba ko ng kaunti yung bintana ko para mag kadinigan kami.
"Hey! Astrid are you al---" i cut him off.
"Aalis na ako. Gusto ko munang mapag isa" sabi ko at muling pinaandar ang sasakyan ko.
Sinara ko ulit ang bintana at nakita ko naman ang pag pa-panic nila pero nakita ko rin naman na pinigilan sila ni kuya Sherwin sa pag sunod sakin.
Lumabas ako ng Blashzone at hindi ko alam kung saan ako pupunta.
winter 2015. That was the worst snow time and i had the most unforgettable memory
Pinunasan ko ang luha ko at inihinto ang sasakyan sa isang pamilyar na bahay. Mula sa bintana ay pinag masdan ko yun. Madilim at mukhang tulog na ang nasa loob ng bahay.
Bumaba ako at tinitigan yun ng mabuti.
"You miss him?" Napalingon ako sa likuran ako at nakita si Cazdrin doon.
"Anong ginagawa mo dito?" Blangkong tanong ko.
"What happened?" Hindi ko sya pinansin at nanatiling tumingin sa bahay. "Why are you so affected?" Hindi ako umimik. "Ikaw yung kasama nya sa sasakyan nung araw---" i cut him off
"SHUT UP!" Sigaw ko.
"Na nung nag nabangga ng tru---"
"I said shut up"
"Ck yung sasakyan nya pero wala ka man lang---" sinampal ko sya dahilan ng tuluyang pag tahimik nya.
"Wala kang alam! So don't say na wala akong ginawa dahil sya yung nagtulak sakin para umalis!" Inis na sabi ko at nag uunahan nanamang bumaba ang luha ko.
"Ate Ghaile?" Napalingon naman kami pareho dun at nakita ko si Peach na may pakusot kusot pa sa mata. Pinsan si Garnet. Kapatid ng mommy nya ang mommsy ni Peach at madalas nasa London si Peach tuwing wala silang pasok
Lumapit sya sakin at bigla nalang umiyak at yumakap.
"Ate Ghaile bat ka umiiyak" hinaplos ko naman ang likod nya.
"Shhh, wag ka umiyak" pag papatahan ko at humarap naman sya sakin.
"Wag ka rin po iiyak" napatawa ako at pinunasan ang luha nya.
"Ghaile?" Napatayo naman ako ng makita si tita Amour.
"Tita" pabulong na tawag ko at nilingon nya rin ang katabi ko.
"Gabi na, bat nasa labas pa kayo?" Napailing naman ako.
"Napadaan lang po tita" sagot ko at hinarap si Peach. "Uuwi na ako, bukas nalang ay pupuntahan kita" paalam ko sakanya at hinaplos pa ang pisngi nya. "Sige na po tita, babalik nalang po ako" tumango naman siya.
"Oh sige, mag iingat kayo ha. Hindi ko nalang sasabihin sa Daddy mo na galing ka dito" tumango naman ako at humalik sa pingi ni Peach bago masamang tinignan si Caz at sumakay sa kotse ko.
Kumaway sakin si Peach kaya bumusina naman ako.
Nang maka layo ako ay huminto rin ako sa may Tulay.
Napabuntong hininga ako at napapikit. Pag mulat ko ay mula sa malayo ay naroroon nanaman ang dalawang lalaki.
"Garnet" bumaba ako sa sasakyan at nakita ko silang tumalikod.
Tatakbo pa sana ako ng may yumakap sa likod ko.
"Garnet! Garnet!" Sigaw ko at nag pumiglas sa naka yakap sakin.
"Astrid" bulong pa ng naka akap sakin kaya nanlambot ako dahil naka layo na sila. "Astrid" tawag pa nyaulit pero umiyak lang ako. "Hush now" pag papatahan nya at bahagya pa akong hinarap sakanya. "Timing Astrid... you will see him soon" bulong nya sakin.
"Sino kaba talaga? Ano bang alam mo?!" Naiiyak na sabi ko.
"Timing..."