Agamani Astrid Ghaile Acosta
Kaharap ko na sya.
Kasama nya ang isang babae na may maikling buhok. Hindi aabot sa balikat na kulay itim na bagsak na bagsak.
"I'm glad naka pag desisyon na sila" naka ngiting sabi ni Zinade habang naka ngiti sakin.
"This is my desicion" bored kong sagot. "I need to take her back" sabi ko patukoy sa babaeng katabi nya na si Reina.
Hindi naman si Madrid na ikinagaan ng pakiramdam ko.
"Hindi na ako babalik" iyong babae ang sumagot. "Masaya na ako sa New York" dagdag nya pa
"Nag kakagulo na. Kung ayaw mong bumalik... Sana manlang mag pakita ka sa mga kaibigan mo" blangkong sabi ko.
"Mag papakita ako sakanila. Bago ako bumalik sa New York" sabi nya at tipid na ngumiti sakin.
Hinarap ko naman ulit si Zinade na titig na titig parin.
"Ikaw? Ano namang kailangan mo?" Bored kong tanong.
"I want the old us back" sabi nya kaya ngumisi ako ng nakakaloko.
"Yun lang?" I asked sarcastically.
"Like what i've said... i'm really sorry Assy" tsabi nya at akmang hahawakan ang kamay ko pero tinago ko yun.
"Si Reina lang ang kailangan ko. I have no intention to make it up with you" sabi ko at tumayo dahilan para mapatayo rin sila.
"Please Assy." Pag pipilit ni Zinade.
"Pag pinatawad ba kita...titigilan mo na ako?" Taas kilay kong tanong dahilan para bumagsak ang paningin nya.
"Hindi ko maipapangako. I want you back Assy" sabi nya at bahagya pang lumapit sakin kaya tumawa ako.
"Tss. Then bring back Bianca" pag hahamon ko sakanya kaya nilingon nya si Reina.
"Iwan mo muna kami Reina" utos ni Zin kaya umalis naman si Reina.
"Assy, asan ka na?" Umiiyak na tanong ni Bianca mula sa kabilang linya.
"Papunta na ako!" Angil ko at tinapakan ang gas ng sasakyan ko para mas bumilis ang sasakyan ko.
"Sila Maddie... Umalis na sila. Iniwan na nila ako Assy" Mas umiyak sya kaya napunasan ko nalang ilang luha ko na tumutulo rin.
Bianca has a Leukemia. Mayaman naman sila kaya kahit papaano ay nakakapag treatment sya. Pero madalas syang tumawag sakin dahil sa p*******t ng kung ano anong parte ng katawan nya.
Wala kasing oras si Zin sakanya. Parati nalang pag kakarera ang inaatupag. Iyong nobya nya naka salampak sa kama ng hospital at pinipilit mabuhay.
Nag madali akong pumunta sa hospital pero as soon as i stepped in in her private room. A white cloth that is used to be her blanket is already on top of her. Covering from her head to toes.
Her phone is on the ground, ringing and with Zin's name on it. She died waiting for us to come for her. She died feeling lonely. And i blame Zin for this.
Simula nang mamatay si Bianca, hindi nag pakita si Zin hanggang mailibing sya. Pati ang mga pinsan nyang sina Felix at Casper.
I said they were desperate for me right? They're desperate for me for different reasons. Zinade is desperate for me, pleading for help to take care of Bianca and for my forgiveness after she died. Hindi ko kayang ibigay yung hinihingi nya dahil yun yung kapatawaran na mahirap ilatag sa harap ng tao.
"I'm really sorry Assy" lumuluhang paumanhin ni Zin.
"Bakit kaaway mo ang Section Marivlloso?" Tanong ko at nilingon nya ako.
"Si Cazdrin lang ang kaaway ko" pag sagot nya sa tanong ko.
"Bakit?" Taas kilay kong tanong.
"Bumagsak ang kumpanya namin dahil sakanila" sabi nya na para bang galit na galit.
"Kaya kinuha mo si Reina?" Sarkastiko kong sabi.
"Sumama sya." Sagot nya at umupo ng maayos. "Sumama sya para maka layo kay Cazdrin" nangunot naman ang noo ko sansinabi nya.
"Bakit naman sya sumama sayo at lumayo kay Cazdrin?" Taka kong tanong.
"Dahil nalaman nyang libangan lang sya ni Cazdrin para makalimutan ang isang babae na minahal ng kaibigan nya." Makahulugang sabi nya at tinitigan pa ako ng mabuti.
Tumayo naman ako at bumuntong hininga.
"Walang patutunguhan ang usapan na to" sabi ko at tumayo rin sya.
"Then sana mapatawad mo na ako Assy. I want my Assy Acosta back. I want my bestfriend back Assy" sabi nya at hinawakan ang balikat ko.
"Maybe i can do that but not now. Wag ka munang makisabay" sabi ki at hinawi ang kamay nya bago lumabas sa resto na pinag kitaan namin.
Then bakit desperado masyado si Cazdrin para mabawi si Reina?.
Napasabunot nalang ako sa buhok ko at pumara ng taxi para maka-alis na.
"Saan po tayo miss?" Tanong ni Manong.
"España Gate" sabi ko patuloy sa mall na pag mamay ari nila Kiel.
Medyo traffic kaya medyo natagalan ang byahe papunta sa España Gate.
Pag dating naman dun ay medyo maraming tao kaya napag pasyahan kong mag punta muna sa fastfood chain para kumain.
Nadaanan ko yung may clown kaya napa ngiwi ako sa pangit ng hitsura nya.
Pumasok naman ako sa isang sushi house na katabi nung may bubuyog na malaki ang katawan at pang langaw lang ang pakpak.
Paano kaya nakakalipad to?
Napa ngiwi nalang rin ako sa naisip ko at nag simulang um-order ng sushi. Matag tagal narin pala ang last visit ko sa Japan. Nakakamiss ang japanese foods.
Nang dumating ang pagkain ko ay nag simula akong lumapang.
Palibot libot lang ang tingin ko sa labas dahil nasa tabi ang ng salamin na pader. Sa di kalayuan ay napansin ko naman ang tumpok ng lalaki na parang mga zombie kung maglakad.
Pinag titinginan sila ng mga tao at parang kikiligin pa.
Naalala ko tuloy yung mga siraulo.
Gusto kong maguilty pero para saan? Sila yung nanggamit sakin para sa taong wala namang pakielam sa kanila.
Ang babagal taaga ng lakad ng mga lalaking yun. Parang hindi nila sinasadya ang pag babagal nilang mag lakad habang bagsak pa ang balikat.
Nasa medyo malayo kasi sila kaya hindi ko makita ang mga mukha nila pero palapit naman sila dito sa gawi ko.
"Miss, here's the your Ramen" sabi sakin nung server na babae at inilapag ang ramen.
"Ha? Hindi po ako um-order ng Ramen" sabi ko at nag taka pa.
"Pinapabigay po ni Chef Kaizel." Nagulat naman ako at napalingon sa open kitchen ng resto at nakita ang isang chef na naka ngiti sakin.
"Pakisabi salamat" baling ko sa server at ngumiti naman sya ng malapad.
Binalik ko ang tingin ko sa chef na abala na ulit sa pag luluto.
Parang may kamukha sya? Parang nakita ko na eh.
Kinuha ko naman ang ramen mula sa tray at may note naman sa ilalim nun kaya kinuha ko para basahin.
Ramem for the pretty girl with her stunning raid hair
Medyo napangiti ako dahil pretty daw ako. Remove the daw dahil pretty naman talaga ako. Hehe.
"Kuya kuya" biglang may isang lalaki na hindi ganon katangkaran ang lumapit sa Open Kitchen at tinawag ang chef na nag bigay sakin nung ramen.
Parang pamilyar tong naka talikod ah? Hmmmmn?
May sinabi pa sya at napansin ko naman ang ilan pang lalaki na lalampas sa sampo na naka talikod din sakin.
Paharap na sana sila ng mag rin ang cellphone ko maya kinuha ko naman yun at tinignan ang tumatawag.
Gerald Calling...
"Hey? Gerald?" Sagot ko sa tawag.
"May pakain ka daw dun sa tatlo ah?" Yan agad ang sabi nya kaya natawa ako at sumubo ng sushi.
"Wala ka naman!" Angil ko at humagikgik.
"Tinaon mo ata na busy ako eh" parang nag tatampo pa na sabi nya kaya mas natawa ako. "Ikaw ha." Sabi nya na para bang nanunukso.
"Oh? Ano?" Tanong ko habang ngumunguya.
"Nag da-date na ba kayo ni Xantie?" Nang aasar na sabi nya kaya napangiwi ako.
"Dinalhan ko lang ng pagkain... May issue agad? Besides, it's not just for him. Madami ang pagkain na dinala ko at binigay din sa ilang employees ang sobra. Stop with the gossip" angil ko at natawa naman sya.
"Kumg sakali...alam mo bang ikaw ang first girlfriend nya" namgunot naman ang noo ko.
"Tse! Ikaw ba? Kumain ka na?" Tanong ko para maiba ang usapan.
"Ay pafall" sabi nya at humalakhak kaya tumawa din ako.
"Bahala ka na nga. Lumalapang ako. Mamaya nalang." Sabi ko at nag paalam narin sya at ako naman ay ang simula na ulit kumain.
Nasa pagkain lang ang paningin ko at hindi na ulit iginala ang mga paningin ko. Pero pakiramdam ko parang may nanonood sakin.
Hindi ko nalang pinansin at tinapos kumain.
Walang lingon lingon ay inayos ko ang pinagkainan ko at tumayo papunta sa counter para magbayad.
"Table 7" sabi ko at inabot ang card ko pero binalik nya.
"Ahh miss... bayad na po" sabi nung babae sa counter.
"Ha? Pero hindi pa ako nag babayad?" Sabi ko at tumabingi pa ang ulo.
"Nag bayad na po yung boss namin para sainyo" sabi nya kaya nangunot naman ang noo ko.
"Iyong chef ba?" Tanong ko at umiling naman sya.
"Iyong kapatid po nya. Ayun po sila" sabi nya sabay turo sa isang direksyon.
Napalingon naman ako dun at nakita koang mga siraulo na halatang nag papatay malisya at nag pipito pito pa at lumilinga linga at susubo. Samantalang ang iba naman ay naka yuko.
Sabi ko na pamilyar yung chef. Kamukha ni Kiel.
"Magkano yung bill ko?" Tanong ko sa counter at tinignan nya naman.
"450 miss" sabi nya at tumango naman ako.
"Salamat" sabi ko sabay talikod.
Humugot naman ako ng limang daan sa bag ko at lumapit sa table ng mga siraulo. Nilapag ko yung five hundred sa mismong harap nila.
"Thanks but no thanks" blangkong sabi ko at tinalikuran sila.
"Astrid~" parang batang tawag sakin ni Kiel kaya nilingon ko naman sila.
Lahat sila naka tingin sakin at naka pout habang nag papa-cute. Iyong datu naman nila ay naka yuko habang kinakalas ang pag kakabalot ng sushi.
Tss.abnormal!
Inirapan ko naman sila at tumalikod saka nag lakad paalis.
Hindi nyo ko madadaan sa ganyan!